Chapter 15

14 0 0
                                    


Tanging ihip lamang ng hangin ang maririnig sa mga oras na 'to. Tahimik ako at si Astrid na naglalakad pabalik ng bahay. 


Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko alam kung dapat na ba akong sumuko at magtiwala na lamang sa mga salita niya. 


Alam kong magiging ligtas ako sa labas ng lugar na ito pero alam ko ring sa oras na lumabas ako  ay hindi ako matatahimik at gugustuhin ko lamang na bumalik dito kahit na...delikado. 


Nang makarating kami sa bahay ay wala kaming naabutan. Wala si Raf at hindi ko rin naramdaman ang kaluluwa ni Leila sa kwarto. Kaming dalawa lamang ang nandito. 


Tahimik akong dumiretso sa kusina para uminom ng tubig, naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Astrid. Nasa likod ko lang naman siya pero hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako. 


Pagharap ko ay hindi ako nagkamali dahil tahimik lamang siyang nakatitig sa akin. 


Hindi ko kayang sabayan ang mga mata niya kaya mabilis akong nag iwas. Unti-unti siyang lumapit sa akin at hindi ko alam kung bakit umatras ako. Umatras ako nang umatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. 


Para akong kakapusin ng hininga dahil sa sobrang lapit niya. Marahan niyang hinawakan ang baba ko upang iangat ang mga tingin ko sa kaniya. 


Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero sobrang lalim ng tingin niya sa akin dahilan para manginig ang mga tuhod ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Para akong nalulunod. Ilang segundo pa ang lumipas nang makita kong ipikit niya ang mga mata niya at unti-unting ilapit sa akin ang mga labi niya. 


Dapat ay nanlalaban ako sa mga oras na'to pero...pero hindi ko alam kung bakit ipinikit ko rin ang mga mata ko. 


Naghintay ako na dumampi sa mga labi ko ang labi niya. 


Hindi ko alam kung bakit nasasabik ako sa halik niya. 


Hanggang sa maramdaman ko na, naramdaman ko na ang halik niya. 


Dapat ay wala lang 'to, ilang beses na akong nakipagtalik kay Lucho pero kahit konti ay wala akong naramdaman para sa kaniya. 


Pero bakit sa magaan na halik ng kaluluwang ito ay parang milyon-milyon ang boltaheng dumaloy sa buong katawan ko. At gusto ko ang bagay na iyon. 


Bakit...bakit ko nararamdaman ang bagay na ito? 


Naramdaman ko ang paglayo ng ulo ni Astrid sa akin at ang pagpahid niya ng luha sa pisngi ko. Hindi ko man lang naramdaman na tumulo na ang luha ko dahil sa halik niya. 


"Bakit mo ginawa yun?" Bulong ko. 


Pero hindi siya nag salita at tinignan lamang ako. 


"Ehem" Agad kaming napalingon nang marinig namin ang pekeng ubo ni Raf. At sa tabi niya ay si Leila na walang emosyong nakatingin sa amin. Hindi pa rin humihiwalay sa akin si Astrid, hawak niya pa rin ang mukha ko habang ako ay nakasandal sa malamig na pader ng kusina. 

Lost SoulWhere stories live. Discover now