Chapter 10

10 0 0
                                    


'Lord, naman, bakit naman ang aga mong kinuha si Astrid? Paano na ako nito?'  


Una sa lahat, hindi ko alam ang gagawin ko ngayon dahil hindi ako marunong kumontrol ng multo. Si Astrid lang ang multong kaya kong kausapin. 


Pangalawa, hindi ko alam kung kailangan ko na bang tumakbo o hintayin na manggaling sa kaniyang wala na si Astrid. Shit. Ano ba 'tong pinasok ko?


Hindi niya sinagot ang tanong ko at nanatiling nakangiti lamang habang pinagmamasdan ako. Hanggang sa unti-unti siyang lumapit sa akin.  


Dahan-dahan akong umatras habang di inaalis ang tingin sa mga mata niya, baka pagkurap ko ay bigla na lang siyang mapunta sa likuran ko at tuluyan akong saktan, takutin, kainin? Hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin pero patuloy ako sa paglayo sa kaniya.  


"Wag kang lumapit" Pagbabanta ko dito pero para bang hindi niya ako narinig. 


Nanlalambot na ang tuhod ko dahil sa kaba at pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang humakbang, naramdaman ko na tutumba na ako kaya mabilis akong naghanap ng kakapitan pero laking gulat ko nang maramdaman kong may sumalo sa akin mula sa likod. 


Agad ko yung nilingon at halos maiyak ako nang magtama ang mga mata namin ni Astrid. 


"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang aniya. 


"Astrid," Kung pwede ko lang siyang yakapin para pasalamatan siya ay ginawa ko na. Naramdaman ko ang pagkalma ng buong pagkatao ko. 


"Raf, bat mo naman kasi tinakot?" Rinig kong aniya. 


Ang kaninang takot na nararamdaman ko ay napalitan ng pagtataka. 


"Ano?" Ibig bang sabihin...


"Natatandaan niya ako, Eden" Nakangiting ani ni Astrid. Nilingon ko ang multong nagngangalang Raf at nakita ko kung paano nawala ang nakakatakot niyang aura. 


"Sorry. Kala ko kasi kung sino" Mukha na siyang mabait ngayon. 


"Sinabi ko naman sayo na may kasama ako" Ani ni Astrid na nakahawak pa rin sa braso at bewang ko hanggang ngayon. 


"Malay ko bang tao pala ang kasama mo!" 


"Tss"


Hindi na sumagot pa ulit si Raf dahil nalipat ang tingin niya sa kamay ni Tristan na nakalagay sa katawan ko. 


"Ehem" Kunwaring ubo nito. 


Ako na ang lumayo dahil mukhang hindi makaramdam si Astrid. 


Nang makalayo ako ng konti kay Astrid ay mabilis akong nilapitan ni Raf. 


Lost SoulWhere stories live. Discover now