Chapter 7

13 0 0
                                    



"Ikaw lang naman ang hinihintay ko" Sumapit na muli ang gabi at muling binalot ng dilim ang buong paligid. Ngayon ko lang ulit nakita si Astrid pagkatapos niyang sabihin sa aking sabihan ko siya pag handa na akong umalis. 


"Hindi ka ba natatakot, Eden?" Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang siya ay paikot-ikot sa harapan ko, mukhang hindi siya mapakali. 


"Saan ba ako dapat matakot? Sayo o sa pupuntahan natin?" Tumigil siya sa paglalakad at mabilis niya akong hinarap. 


"Unang una hindi mo kailangang matakot sa akin dahil p-protektahan kita kahit anong mangyari dahil tutulungan mo ako, " Aniya habang nakataas pa ang isang daliri. 


Gusto ko sanang manatiling seryoso ngunit hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. 


"Anong nakakatawa?" 


"Hindi ko naman kasi kailangan ng proteksyon mo. Wala ng mananakit sa akin. Binenta na ako nila Tasha doon sa kano na tinakasan ko at sigurado naman ako na nabalitaan nilang nadisgrasya ang bumili sa akin kaya iisipin nilang kasama rin ako sa mga namatay. At kahit naman siguro makita nila akong buhay ay wala na silang karapatan sa akin dahil nga ibinenta na nila ako." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. 


"Hindi yun ang ibig kong sabihin, Eden." Nawala ang ngiti sa aking mukha nang makita ko ang seryoso niyang mukha. "Mukhang hindi mo naiintindihan. Hindi lang basta gubat ang pupuntahan natin, gubat yun kung saan mas maraming masamang loob kaysa kila Tasha, kaysa sa lalaking bumili sayo." 


Nag iwas ako ng tingin at saglit na inisip ang puwedeng mangyari sa akin sa lugar na sinasabi niya.  


"Mukhang kailangan mo pa ng oras para mag isip, iiwan na muna kita" Narinig kong aniya. 


"Hindi na kailangan...nakapag isip na ako." Nag angat ako ng tingin at pinagmasdan niyang maigi ang mga mata ko. "Sasama ako sayo, hahanapin natin ang katawan mo, Astrid, nangako ako sayo" Kung babalik ako sa oras kahapon at bibigyan ng pagkakataong mamili sa pagitan ng pagsama sa lalaking bumili sa akin at pagpunta sa gubat upang hanapin ang katawan niya ay si Astrid ang pipiliin ko. Parehong hindi ligtas ang dalawa pero mas pipiliin kong mamuhay ayon sa aking sariling kagustuhan. 


Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Astrid at ang marahan niyang pagtango. Tumayo ako at nginitian siya. 


"Alam kong ang pagtulong mo sa akin na makatakas ang kapalit nang pagsama ko sayo pero pwede bang humiling ako sayo ng isa pang bagay?" Saglit niyang inaral ang mukha ko bago siya dahan-dahang tumango. "Kung sakaling mahanap natin ang katawan mo at makumpirma nating buhay ka pa, pwede bang tulungan mo naman akong hanapin ang mga magulang ko?" Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang nabalot ng galit ang mga mata niya nang sambitin ko ang salitang 'magulang'. 


"Sigurado ka ba sa hiling mo?" Ang mga mata niya lamang ang nabalot ng galit ngunit hindi ang kaniyang boses. Kalmado niya akong kinausap. 


"Oo. Pangarap kong makita sila, yun lamang ang pangrap na mayroon ako" 


Lost SoulWhere stories live. Discover now