Lumipas ang maghapon at nanatili lang kaming tatlo sa bahay. Napakadaming pinag uusapan nina Astrid at Raf at hindi palagi ako pwedeng makinig. Sa tuwing lalapit ako sa kanilang dalawa ay bigla na lang silang titigil at tatahimik.
Hanggang sa nainip na'ko sa paghihintay sa loob ng kwartong tinutuluyan ko. Napagdesisyunan kong lumabas saglit at makinig sa usapan nila nang hindi nila nalalaman.
Wala sila pareho sa loob ng bahay at tiyaka ko lamang napansin na may bonfire na pala sa labas. Nakaupo sina Astrid at Raf sa harap ng bonfire habang nag uusap.
Lumapit ako ng konti sa kanila, dahan-dahan para hindi nila mapansin na nandito ako.
May isang malaking puno sa harap ng bahay malapit sa pwesto nilang dalawa at doon ako pumwesto at nagtago.
Mukhang magagalit sila sa akin pag nalaman nilang nakikinig ako pero kailangan kong malaman ang pinag uusapan nila. Una, baka dinala talaga ako ni Astrid dito para ialay sa kung sinong halimaw, at pangalawa, baka dinala niya ako dito para iligaw nang sa ganon ay hindi ko na siya guluhin. Mahirap na.
"Sigurado ka ba sa desiyon mo?" Boses yun ni Raf.
"Oo, Raf dahil yun lang naman ang tanging paraan, " Ani ni Astrid. Kahit wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila ay nanatili lamang ako sa pwesto ko.
"Paano kung hindi siya pumayag?" Tanong muli ni Raf.
"Susubukan ko.Kukumbinsihin ko siya" Kumbinsihin saan? "Kasalanan ko'to e, dapat hindi ko na siya dinala dito" Ako ba ang tinutukoy ni Astrid?
"Tama ka, hindi mo na talaga dapat siya dinala dito kaya kailangan mong siguraduhin na ligtas siyang makakabalik kung saan siya galing o kahit makalabas man lang," Tugon ni Raf.
Mukhang hindi niya ako iaalay o ililigaw pero mukhang hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapan nila.
" Umasa ako, Raf, akala ko may tiyansa pa na buhay ako, na buhay yung katawan ko" Narinig ko ang malungkot na boses ni Astrid.
Patay na ang katawan niya? Agad akong napaupo ng diretso at napansandal sa punong tinataguan ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi. Hindi siya pwedeng mamatay.
"Kahit ako, pero noong nakita ko kung paano nila inilibing ang mga bangkay natin ay nabalot lamang ako ng galit at lungkot. Kaya sa tuwing may mapapadpad na tao sa lugar na ito ay ginugulo ko kagaya ng ginawa ko noon kay Eden" Natatawang aniya pero ramdam ko na peke iyon. Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Raf.
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang marinig ko yun mula kay Raf. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nararamdaman ko na parang bumibigat ang mga mata ko.
"Kakausapin ko si Eden mamayang gabi, kailangan ko siyang mailabas ng ligtas sa lugar na'to" Rinig kong ani ni Astrid. Hindi ko sila nakikita ngayon pero naramdaman ko ang paggalaw nila mula sa kanilang pwesto, senyales na tapos na silang mag usap.
YOU ARE READING
Lost Soul
Mystery / ThrillerA story that is not sure if will be finished by the author. -author [Jan 2021] I finished it :) -author [10:15 pm, Sep 25 2022]