Kabanata 91- Birthday
Phoebe Alisha's Pov
“Woah! Ang galing niyo pong lumangoy.” papuri sa'kin ni Pomela. I comb my hair using my fingers then look at her.
“Hindi ka ba marunong lumangoy?” I simply asked.
Umiling siya at pinadyak padyak ang paa sa tubig. Patalikod niyang ipiniid ang kamay niya sa marble tiles habang nakanguso. “6 years old na po ako tapos ‘di parin po ako marunong lumangoy.” nakapout na sabi niya.
‘Kasing edad niya pala si Speranza.’
“Hala Ma'am! Sinabi ko lang naman po na ‘di parin ako marunong lumangoy. Bakit lumungkot po kayo bigla?” Pomela worriedly asked. I didn't answer her back instead I just took a deep breath.
“Ma’am, kasalanan ko po ba?” she asked. “Hala?? Anong nakakalungkot sa sinabi ko Ma'am?” dramatic na tanong niya.
Umiling ako at deretsong tumingin sa mata niya.“I’m not sad.” mahinang sabi ko.
Lumangoy ako palapit sa kinauupuan niya. I put both of my arms in the marble tiles and pull myself out of the water, I immediately pinned my palms and turn around so I can sit next to Pomela.
Hinila ko pataas ng kaunti ang suot kong swimsuit at piniga ang buhok ko. I thought of Everlyze, up until now I'm here and doing nothing. Letting my enemies take advantage of me.
‘How can I even escape here without getting lost, falling from wall or bitten by snake?’
Nakakafrustrate na ang mga tao dito, puro toxic at masama ang ugali especially a man named Khaizer Alex Montenegro.
He's really unpredictable and damn moody.
‘Daig pa babae amputa.’
Iginala ko ang paningin ko sa mga tao dito sa pool area, parang halos lahat pala ng tao dito sa bahay, including maids, gardener and guards ay nandito.
‘May bantay kaya sa gate?’
Binaliwala ko ang tingin nila sa'kin at isa isang tinignan ang mga tao, tinignan ko kung lahat ba nang nakakasalubong at nakikita ko ay nandito nga, kasi kung wala tatakas ako.
“Para po talaga kayong malungkot kanina ‘e.” malungkot na sabi niya. “Iniisip ko nga po kung nakakalungkot ‘yung sina-”
Ibinaling ko ang paningin ko sakaniya kaya natigil siya sa pagsasalita, tinitigan ko siyang maigi.
“Ilang taon ka ng nakatira dito sa Greece?” pag-oopen ko ng topic. Nabigla naman siya sa tanong ko pero maya maya lang din ay sumagot.
“I-isang taon na po Ma'am.” she answered politely. “Bakit po?”
‘Siguro naman saulado niya ang mga lugar dito? Lalo na ang daan palabas.’
“Ah, akala ko dito ka pinanganak.” sagot ko sakaniya para hindi siya mag-isip ng ibang dahilan kung bakit tinanong ko ‘yon. Tumingin ako sa tubig bago muling tumingin sakaniya. “Gusto mo turuan kita mag swimming?”
Biglang nagningning ang mga mata niya at muling sumilay ang ngiti sa labi niya. “Opo! Opo!” excited na sabi niya.
“May salbabida ka ba?”
Umasta naman siyang nag-iisip bago tumango. “Nasa kwarto po namen, yung hihipan papo. Weyt lang po kukunin ko po.” nagmamadali siyang tumayo at akmang tatakbo ng hawakan ko ang kamay niya.