Kabanata 3
Pabi's Pov
Pagka-uwi ko palang sa bahay umupo na agad ako sa sofa. Inalis ko ang bag ko at nilagay ito sa tabi ko.
Hindi pumasok si Khalex at Kei kanina kaya nag-aalala ako sakanila.
"Nasaan kaya yung dalawa?" naka-kunot noo kong bulong.
"Ate Pabi." parang sigang naglakad palapit sa'kin si Kairen. Humalik muna siya sa pisngi ko bago umupo sa tabi ko.
"Asan po sila Kuya?" tanong niya habang nakatingin sa labas. Hinihintay ang pag-pasok ng dalawa.
"Hindi ko nga alam 'e! Hindi sila pumasok kaninang tanghali." nakangiwing sabi ko.
"Hah! Isusumbong ko sila kay daddy."
"Sige, magsumbong ka." nagitla kami ni Kairen nang magsalita si Khalex mula sa likuran namin. "Ikukulong kita sa kulungan ng aso." pagbabanta niya.
Alam ko namang biro lang 'yon.
"Seryoso ako" biglang sabi ni Khalex kaya napa-tingin ako sakaniya. Sinamaan niya ako ng tingin bago pumanik sa kwarto niya na katapat lang ng kwarto ko.
"Nakakainis si Kuya, akala mo kung sino!" inis na sigaw ni Kairen.
"Narinig kita!" sigaw pabalik ni Khalex.
"Tara, pasok kayo." napatingin ako sa front door nang narinig kong magsalita si Kei.
Kasama niya ang kuya ni Everly na si Evan pati narin si Sean at Tasher, napaiwas ako nang tingin.
Dare-daretsong pumasok si Sean at Evan na kala mong may-ari ng bahay. Umupo sila sa tapat ng sofa na kinauupuan namin ni Kairen at ngumiti sa'kin.
"Hi, Pabi!" sabay na bati nila sa'kin.
Ngumiwi lang ako. No'ng nasa 3rd year ako, lagi ko na silang nakikita.
Kilala sila at kinatatakutan sa school, alam kong nakikipag-away sila sa labas ng school pati narin sa mga underground fight.
Hindi ko alam na kilala pala nila 'ko, wala kasing masyadong puma-pansin sa'kin sa school maliban kay Everly at Sephora. Hindi rin ako masyadong pala-salita at laging nakatambay sa library kaya konti lang talaga ang nakaka-kilala sa'kin.
"Kilala niyo ko?" medyo gulat na tanong ko kahit obvious naman kasi sinabi na nila ang pangalan ko.
Tipid na tumango si Sean.
"Oo naman, ikaw 'yung lagi 'kong nakikita sa library. I try to approach you once but you run away from me. Panget ba 'ko? Gwapo naman ako diba." sabi niya in-a-matter-of-fact tone kaya napa-irap ako. Kaibigan niya nga si Keiren.
"Wala lang talaga ako sa mood makipag-usap kapag nasa library ako." hinawi ko ang bangs ko at ngumiti. "I just didn't know na kilala niyo pala ako"
"Uhmm- actually matagal na kitang kilala, matagal ko na kasing kaibigan si Khalex at Kei kaya sinabi sa'kin ni Kei na kapatid ka nila." sagot ni Evan. Bigla namang dumaan si Khalex na umupo sa tabi ni Sean.
"Hindi ko siya kapatid." aniya na nagsindi pa ng sigarilyo. Napapikit pikit ako sa gulat dahil ngayon ko lang nalaman na naninigarilyo pala siya.
"Ano ba kuya!" sigaw ni Kairen na niyakap ako.
"Tsk"
Bumuntong hininga ako at tumayo. "Punta na 'ko sa kwarto."
"Sabay na 'ko sa'yo Ate." sabi Kairen na kinuha ang bag ko. Hinawakan niya ang kamay ko.
Maglalakad palang sana kami papanik sa hagdan nang makasalubong namin si Daddy Kaizer na naka long sleeve at black pants. His usual attire sa trabaho.
"Are you okay?" tanong niya. Tumango ako lang ako bago lampasan si daddy. Lumingon ako saglit at nakita kong naka-poker face lang si Khalex sa'kin.