Kabanata 64
Pabi's Pov
Kahit alam kong lasing siya bakit hindi halata sa itsura niya?Normal lang kasi siyang tignan e.
'Hindi tulad mo?nagwawala pag nalalasing?'
Napangiwi ako ng maalala ko yung araw na yon.nakakahiyang pangyayari
"Bat ka nakatingin sakin?"tanong niya habang nakain ng tinola.
'Paano niya nalamang nakatingin ako sakaniya?!'
"U-uhm iniisip ko lang kung lasing ka?"
"Hmm"sagot niya."Nawala yung sakit nung ulo ko nung marinig ko yung pagdali mo sa lamesa,bigla akong kinabahan"sabi niya at tumingin deretso sa mata niya.
"Kahit sa totoo lang sukang suka na ko at nanlalambot na ko and here!i'm trying to eat because you offer me this, you know i can't resist the hell of you"nakangiwing sabi niya at bumuntong hininga.
"Sabi kasi ni daddy di ka pa daw nakain e kaya nag-aalala ako,baka kung anong mangyari sayo"napahawak pa ko sa batok dahil parang sapilitan lang siyang kumakain ng dahil sakin kahit sa totoo lang mukang ayaw niya talaga."Pero favorite mo naman yan diba?"
"Oo nga"matamlay na tumango siya."I just don't feel well"kinagat niya ang ibabang labi niya at ngumiwi,paulit ulit siyang lumunok.Mukang hindi siya okay dahil sa expression ng muka niya ganun din ang paa niyang naririnig kong nagtatap sa sahig.
"Khalex ayos ka la---"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siya tumayo at tumakbo sa lababo para sumuka.
'Hindi ko alam ang gagawin ko'
Pumunta ako sa likod niya at hinimas himas yon."Khalex?"wala akong ibang masabi sakaniya at isa pa,iniiwasan kong tumingin sa suka niya dahil baka masuka din ako.
"I'm fine"aniya at binuksan yung gripo para magmumog at para narin malinis yung lababo.
"Ang dami mo sigurong nainom?"
"Madami nga"matamlay na sabi niya at nanghihinang sumandal sa island counter.
"Sorry you have to see me vomit"inis na sabi niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya.
Tinignan ko yung itsura niya,meron pang mga suka sa damit niya,sobrang gulo ng buhok niya at namumutla siya.Tumingin siya sa relos niya."Matulog ka na Pabi"sabi niya at tinapik tapik ang pisngi ko."Ako ng bahala dito"
Umiling ako."Hindi pwede!aasikasuhin ka ng ate mo"sabi ko kaya nangunot ang noo niya.
"Please!i don't feel well,wag ka ng makipagtalo sakin"
"Ayan lumabas na sa bibig mo na hindi maganda ang pakiramdam mo!kaya ako na ang mag-aasikaso sayo"sabi ko at hinawakan ang pulsuhan niya at inalalayang maglakad papuntang kwarto niya.
"You don't need to do this"sabi niya na nakakunot padin ang noo.
"I insist"
"But"
"No buts Khaizer Alex"sabi ko kaya natigilan siya ng banggitin ko ang buo niyang pangalan.
"That's the first time you call me like that"
Ngumiti ako at inalalayan siyang humiga sa kama niya."We are all used to call you Khalex 'e"
"Yeah,even in school they call me that"
Pumunta ako sa paanan niya at inalis ang sapatos niya."You don't need to do that"
"Just let me Khaizer Alex"nakangiting sabi ko."It's an ate's duty"pagkasabi ko nun ay hindi na siya nakapalag pa.