Kabanata 47

7.1K 254 67
                                    

Kabanata 47

Pabi's Pov

Nung bandang uwian ako na ang mag-isang umuwi, hindi ko na mahagilap si Khalex pero i don't care.

'Naiinis ako sakaniya badtrip siya jahe!jahe!jahe!'

Nakapili na din ako ng filipiñana,kulay blue na napakasimple lang. Paldang blue at yung parang pinakadamit na kulay cream,ayoko ng bongga hindi naman ako komportable.

So ayun nakasakay ako sa bus ng matiwasay lalo na't wala si Khalex pero as usual may mga manyak nanamang nakatitig sakin.

Nang huminto na sa bahay namin ay dali dali akong bumaba at pumasok sa bahay,padapa akong humiga sa sofa.Feeling ko pagod na pagod ako ngayong araw na to.

'Bwiset ka talaga Khalex'

Bulong ko sa isip ko ng maalala ko yung mga sinasabi niya,gumulong ako paharap at tumingin sa kisame.Inalala ko yung mga nangyari kanina sa cafeteria,yung mga sinasabi niya,kung paano ako napahiya dahil sakaniya.

'ARGGGGGHHHHH BUSEEEET!'

Ang sama tuloy ng tingin sakin nung mga fans niya,like duh?!kapatid ko kaya yung kupal na yun pero arggghhh nakakainis talaga.Feeling ko kakalbuhin nila ako ano mang oras lalo na si Zsa Zsa na nanlilisik ang mata sakin.

Inis na binato ko yung unan sa sahig at nagpapadyakpadyak."Buset ka!buset"

Bigla kong naalala yung paraan ng pagtingin niya sa labi ko,natigilan ako at natulala habang nagpapaulit ulit yun sa isip ko.Tinakpan ko ang muka ko at sumigaw."Ano bang nangyayari sakin"inis na sigaw ko at dumapa muli.

"Okay Pabi matulog ka nalang muna"bumuntong hininga ako at tamad na inalis ang sapatos ko bago ipikit ang mata ko.Pinilit kong matulog hanggang sa maya maya pa ay...

"Boop"

"HAHAHHAHA boop boop"

"Boop boop boop!tangina gumising ka na"agad kong dinilat ang mata ko at inis na tinignan yung talipandas na sumusundot ng pisngi ko.

"Ano ba!"sigaw ko at bumangon.

"Wazzup sistah"nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kei pero itim na buhok niya,yung dating brown at mukang bulbol na buhok niya ay naging mala leonardo dicaprio.

Paulit ulit kong pinasadahan ng tingin si Kei na nakangisi sakin."You're drooling"nakangising sabi niya kaya sinuntok ang dibdib niya.

"Ouch"inis na sabi niya at lumayo sakin.

"Anong ginagawa mo sa bahay ko?"inis na tanong ko sakaniya at dinampot yung bag kong hinagis ko sa sahig kanina.

"Hinatid ko po kasi yung kapatid ko"sarkastikong sabi niya kaya agad hinanap ng mata ko si Khalex,maya maya ay nakita ko siyang lumabas galing kusina.

'Oh em giiii!'

Parehas na parehas ng gupit at kulay ng buhok si Khalex at Kei,napanganga ako habang nakaturo sakanilang dalawa.Pagpinagtabi sila ay hindi mo makikilala sa muka nila kung sino si Khalex at si Kei.

"Magkamuka kayo"out of the blue'ng sabi ko.

"Tanga ka ba!kambal kami e"inis na sabi ni Khalex na tumabi kay Kei.

"Kung makapagsalita ka naman syempre gulat ako kasi magkamukang magkamuka kayo"

"Kasi nga kambal nga kami"si Kei.

"Kasi dati ikaw mukang bulbol na brown"tinuro ko si Kei."tapos ikaw mukang si Jack Frost na may pugad ng ibon sa ulo"sabi ko at tinuro naman si Khalex

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon