Kabanata 51
Pabi's Pov
"Tara na nga"yaya ko sakaniya.Nang makalabas kami sa ukay ukay ay tinignan ko ang paligid.
"Saan mo gustong pumunta?"tanong niya habang nakahalukipkip,napakamot ako sa batok at naglakad lakad para tignan yung mga laro at mga rides.
"Ayun ang cute nung hello kitty"sabi ko at nilapitan yung stall na maraming tao,merong maliliit na sundalong laruan na naka organize sa isang parang malaking cabinet.Kailangang mapatumba yung tatlong sundalo para may makuha kay prize at syempre gusto kong makuha yung stuff toy na hello kitty.
"Dito po kayo ma'am"magiliw na sabi ng isang medyo may katandaan ng babae."Twenty five pesos limang bala"sabi habang hawak hawak ang isang pellet gun at yung magasin na may lamang maliit na bala na pabilog.
"Eto po"sabi ko at nag-abot ng twenty five,nakangiting inabot niya yung pellet gun at kinasa na mismo.
Nakangiting pinikit ko ang isang mata ko at tinantya yung isang sundalong laruan bago barilin kaso dumaplis lang,napailing ako at kinasa yung pellet nag concentrate ako at tinitigang maiigi yung target.
"Ang bagal mo naman"tamad na sabi ni Khalex kaya bigla kong naiputok yung pellet na hindi man lang dumaplis dun sa laruan.
"Ikaw kasi atsaka ang layo kasi"inis na sabi ko at muling kinasa yung pellet.
Muli kong pinikit ang isang mata ko at nangangatog ang kamay na tinapat sa laruan,bumuntong hininga ako at binaril yung sundalo tumama nga pero hindi natumba.
"Damn it"inis na sabi ko.
"Tsk"nakangising singhal ni Khalex habang nakahalukipkip,sinenyasan niya yung matandang babae ng isa kaya binigyan siya nito ng pellet gun.
"Watch and learn"mayabang na sabi niya at kinasa yung pellet gun bigla niyang binaril ng sunod sunod yung mga sundalo at sabay sabay na natumba ang mga yun,samantalang ako ay nakanganga habang nakatingin sa limang sundalong laruan na natumba na.
"P-p-paano?"gulat na sabi ko habang nakaturo sa mga laruan at nakatingin kay Khalex.
"Tsk"singhal niya at kinausap yung matandang babae.
"Here's my payment,i want that big hello kitty"sabi niya habang nakaturo sa hello kitty na gusto kong kunin.
"Salamat sir"nakangiting sabi nung matanda,muli akong tumingin kay Khalex na nakangiwi.
"Catch"aniya at binato sakin yung stuff toy na hello kitty agad ko iyong sinalo at niyakap.
"Tara na"nagpauna siya kaya sinundan ko siya.
"Paano mo yun natutunan?"tanong ko habang sinusundan ko siya.
"Daddy teach me and Kei"bored na sabi niya at tumigil sa paglalakad kaya pati ako ay napatigil."Don't ask more questions"
"S-sige"nakangusong sabi ko at mas hinigpitan ang yakap kay hello kitty.
"San na tayo pupunta?"tanong niya at muling naglakad,sumunod naman ako sakaniya at tumingin tingin sa paligid.
"Ano yun?"tanong ko at tinuro yung isang stall na may parang hinihilang tali tapos may nahuhulog na tatlong iba't ibang kulay na cube.
"Color game"sabi niya,nilapitan ko yung 'color game' at pinanood yung mga bata at matatanda na naglalagay ng pera sa isang malapad na board na may iba't ibang kulay like white,green,yellow,pink,blue and red.
Hinila nung bata yung tali kaya nalaglag yung tatlong cubes ang kulay na nasa ibabaw ay white,blue at pink kaya nadoble yung taya nung mga tumaya sa white,blue at pink like kung bente yung taya mo tapos tumama magiging fourty.