"Ryan sige na pls. tulungan mo kami ni James, 'di ka ba naawa sa sitwasyon nmin?"
Wala si James ngayon absent dalawang araw na.
Nandito kami ni Ryan sa Tambayan, isa itong malaking kwarto, katabi lang ito ng canteen dito sa School.
"Sam naman eh! Naawa ako syempre kaso hindi talaga tama ang gagawin nyo, baka pagalitan ako ng mga kapatid mo pag tinulungan ko kayo at pag nalaman nila baka ma bugbog pa kami ni James, kawawa naman yung gwapong mukha ko." Malungkot ako ngayon pero nagawa pa din nya ko pangitiin.
"Hi--Hindi mo naman sasabihin diba!?" 'Di ko namalayan na tumulo na pala yung mga luha ko.
"Pero malalaman pa din nila yun, sina Tito Wilson at Tita Xena baka magalit din sa'kin.. Hindi lang ako pati ikaw. Alam naman natin na 'di ka gusto ng mga magulang ni James diba? baka mas lalong mapasama ka sa pa sa kanila." Pinahid ko yung mga luha ko pero hindi ko talga mapigilan bumabagsak parin ito.
"Bakit kasi hindi ako mayaman eh, siguro kung naging mayaman lang ako baka tanggap nako ng mga magulang ni James." Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko dahil hindi ko na mapigilan maiyak. Hindi ko namalayan na yumakap na pala si Ryan sa akin.
"Sshhh! Wag ka nang umiyak, nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak. Nandito lang ako sa tabi mo 'di kita pababayaan... Sana ako nalang yung sinagot mo noon at minahal, 'di ka siguro magkakaganito." Sana nga Ryan, Sana nga ikaw nalang yung minahal ko at hindi sya.
Hinihimas himas nya ang buhok ko upang ako'y mapatahan.
"Tahan na baka magalit si James sa'kin baka sabihin pa niyang pina iyak kita." Kuwuwala na sya sa pag yakap sa'kin at hinawakan yung pisngi ko at punasan nya yung mga luha ko.
"Pls. Ryan tulungan mo kami ni James." Tumalikod lang sya pero 'di sya sumagot. Hinawakan ko yung braso nya. "Ryan, pls." Pagka bitaw ko saka sya hunarap ulit sa'kin.
"Alam mo Sam? Tanggap ko na eh.. Tanggap ko na na sya yung mahal mo at hindi ako pero ang 'di ko ma iintindihan kung bakit mo to gagawin!? akala ko ba matalino ka!? akala ko ba alam mo yung tama at mali! bakit mo hahayaang masira ang buhay mo para lang makasama yung taong mahal mo?! Sam graduating na tayo oh! yan ang wag na wag mong kakalimutan at tsaka you don't have to do that para lang makasama sya, paano nalang ang mga taong nagmahal sayo?! Ako!? 'Di mo ba na i-iisip na mag-aalala kami pag ginawa nyo ang bagay na yun!?"
"Ma--mahal namin ang isat-isa kaya ga.. *sob* gagawin namin ang lahat magkasama lang kami hanggang sa *sob* sa huli!" Humagulhol na ako sa pag-iyak. Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko para, 'di nya na marinig ang paghagulhol ko.
"Lintik na pag-ibig yan oh!!" Sinuntok nya yung pader sa galit. "Ipaglaban nyo ang nararamdaman nyo! Wag nyo idaan sa Tanan Sam!" Ginawa na namin yun pero wala din kaming napala ipaghihiwalay parin kami ng mga magulang ni James at 'di ko kaya yun.
Hindi nako nagsalita pa dahil sa pahagulhol ko, 'di ko na mapigilan eh.
Lumapit sya sa'kin at pinunasan nya ang mga luha ko at niyakap nya ako ng mahigpit habang hinihimas ang buhok ko. "Fuck! Please don't cry." 'Di ko talaga mapigilan eh. "I'm sorry, I'm so sorry if I made you cry. 'Di ko lang kasi talaga kaya dahil alam kong mahihirapan ka at masasaktan ka lang at 'di ko alam kung anong magawa ko sa sarili ko pag nangyari yun."
Kumalas sya sa pag yakap at hinawakan ang dalawa kong Kamay.
"Sorry, pls don't cry."
"Ry.. *sob* Ryan ang kamay mo." Nag-aalala talga ako sa kamay nya.
Binitawan nya ang kamay ko at pinunasan ang pisngi kong puno nang luha.
"Shhh... Ok lang to, malayo nga to sa bituka eh." Nag-aalala pa din ako.
Napa buntong hininga sya ng malakas. "Ok, pa--payag nako.. kahit labag sa kalooban ko."
"T--thank you Ryan."

BINABASA MO ANG
Just Move On
Teen FictionWhen you say Move on it means kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan at wag ng balikan. Isa lang ang masasabi ko sa story na ito 'Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya kung maaari lang Just Move On'. Sa storyang ito alam kong may makakarelate kaya kun...