SamPOV
Umaga na naman at balik na naman ako sa pag-aaral. Ngayon ko na sasabihin kai Kuya Mark yung disesyon ko, sana lang tama yung gagawin ko, sana maintindihan ako ni James.
Pababa na ako ngayon. Ready na ako pumasok sa school, kailangan ko kasing humabol sa lahat ng lessons. Two months na lang kasi at magsesembreak na tapos nun second sem na.
"Good morinig!" Sigaw ko sa kanilang lahat pagkababa ko tsaka ngumiti. Napahinto naman sila sa mga ginagawa nila at napatingin sa akin.
"Good Morning, anak!" Sabi ni mama na agad ibinaling ang tingin sa pagluluto ng pagkain.
Pagbaba mo nang hagdan diretso sala, na malapit lang din sa kitchen na dining na din kaya makikita nila ako at nakikita ko din sila.
"Good Morning" Sabi naman ni papa na nasa hapag kainan nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.
"Morning, ate"
"Morning princess"
Sabay na sabi nina Miko at Kuya Mic na nasa sofa naghihintay sa niluluto ni mama habang may ginagawa. Si Kuya Mark naman na nasa tabi lang ni papa, walang reaction, ibinaling lang nya muli sa pag-iinom ng kape.
*sigh*
"Para saan yun?" Tanong ni Kuya Mic kay... Teka sino nga ba tinatanong nya? Ako o si Miko?
"Sino kinakausap mo Kuya? Ako ba?" Tanong ko sakanya. Huminto naman sya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin.
"Ay.. Hindi, hindi princess si Miko tinatanong ko." Pilosopo talaga tong si Kuya, ngumiti pa. Hmmp... Ibinalik nya muli ang tingin sa ginagawa nya kanina. "Natural ikaw, sino ba yung bumuntong hinga nang malakas?" Huh? Malakas ba yung pag buntong hininga ko? Di naman ata.
"Psh, eh paano ba naman kasi, nakatingin ka lang sa ginagawa mo, paano ko ba malalaman na ako o si Miko yung kinakausap mo? Malay ko bang yun pala tinutukoy mo." Napa tingin ulit sya sa akin. Ano ka ngayon Kuya Mic??
"Bakit hindi pwede?" Aniya
"Hindi---" Naputol yung sasabihin ko, bigla kasing sumulpot si mama.
"Oi, Oi kayong dalawa tama na yan. Halina kayo at kakain na baka malate pa kayo."
"Opo" Sabay naming sabi ni mama at agad namang tumayo ang dalawa sa pagkakaupo. Dinilaan ko nga si Kuya Mic, kaya napa cross arms sya. Si bunso naman palihim na tumatawa habang umiiling.
Pagdating namin sa hapag ditretso upo agad kaming tatlo. Si mama hinahain muna nya yung mga pagkain bago umupo. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa binasag ni Kuya Mark ang Katahimikan.
"Makapag desisyon ka na ba?" Tanong nya sa akin na huminto sa pagkain, lahat sila tumingin sa akin at naghihintay sa sagot ko. "Oo" Sabi ko sakanya sabay yuko.
"Good, so dapat makipag break ka na sakanya ngayon." Cold na sabi ni kuya Mark. Tumango nalang ako bilang sagot sa sinabi nya.
***
Sa Lim University
Talagang 'di maiiwasan ang tsismis dito sa school. Halata kasi, pagpasok ko palang sa school lahat na nang mga mata nila sa akin na nakatingin at ang topic? Ang pagtatanan namin ng sikat at the best Dota2 player sa School na ito, ang gwapo kong BF, si James. Bakit ko alam? Maka pagtsismis kasi ang lakas dinig na dinig ko kaya alam ko. For sure mamayang lunch wala na tong tsismis na ito, si James pa!
Bakit kaya nya ako sinundo sa bahay kanina? Kahit hindi nya ako susunduin sa bahay o kahit sina Kuya pa ang maghahatid sa akin lagi naman nya ako inaabangan sa gate ng school pero ngayon, Wala. Hindi din sya nagtext sa akin ng 'Good Morining baby ko, Eat your breakfast ha? i love you' na lagi naman nyang ginagawa araw-araw may pasok man o wala, walang araw na 'di nya yun kinakalimutan. Panay text ako sakanya pero ni isa wala akong na receive na galing sa kanya simula pa nung gumising ako ngayong araw na 'to. Ba't ganun? Anong nanyari sa kanya?
BINABASA MO ANG
Just Move On
Teen FictionWhen you say Move on it means kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan at wag ng balikan. Isa lang ang masasabi ko sa story na ito 'Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya kung maaari lang Just Move On'. Sa storyang ito alam kong may makakarelate kaya kun...