Ryan's POV
Masaya ang mga bata sa ilang araw na pagstay namin sa Manila dahil nakasama at nakita nila ang kanilang Tito Lo, Mamita at ang mga cute na pinsan nila. Pero ngayon mukhang nabawi yung saya kasi kailangan na namin umuwi sa Cebu dahil may pasok pa ang mga bata at kailangan pa naming magtrabaho.
Nandito kami ngayon sa Airport at kakapaalam pa lang namin sa kanila at ngayon kakapasok lang namin dito sa loob.
Habang naglalakad kami ay magkahawak ang kamay namin ni Sam habang nag-uusap. Ang dalawang bata naman ay nasa gilid namin na katabi ni yaya Fe, medyo busy ang dalawa sa paglalaro ng gadgets nila. Haayz mga bata nga naman sa panahon ngayon. Tsk. Tsk. Tsk.
Sam's POV
Nakita ko sya kanina pero hindi ako sure kung sya ba talaga yun pero kung sya nga yun. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nindito sa Pinas? Agad kong sinabi kay Ryan nung nakita ko si James kanina pero ang sabi nya lang ay baka kamukha nya lang o baka na malikmata lang daw ako tsaka imposible daw na maka uwi pa yun dito sa Pinas, sa ka strict ba naman ng ina nya kaya malamang imposible. Sabagay, tama nga naman yung sinabi ng asawa ko. Kaya 'di ko na lang yun inintindi.
Ilang saglit lang ay tumingin ako sa mga anak namin at bigla akong napahinto kasabay ang paglalaki ang mata ko ng makita kong wala si Xander sa tabi namin pero yung ipad nya na kay yaya Fe naman. Napahinto din sila ng makita nila akong huminto at paikot ikot ng tingin sa paligid.
"Hon? Is there any problem?" Tanong ni Ryan sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
"Ya, si Xander nasan?" Nag-aalala kong tanong, pagkatapos kong iikot yung paningin ko.
"Ang sabi nya lang po sa akin, ma'am na pakihawakan daw po itong ipad nya sandali." Sagot ni yaya Fe. Bigla akong kinabahan sa sinabi ni yaya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung ang isa sa mga anak ko ang mawawala.
"ANO?! Bakit hindi mo binantayan?" Galit na sabi ni Ryan.
"Pasensya na po, Sir, Ma'am, hindi ko pa talaga alam na hindi na pala nakasunod si Xander sa atin. May pinakuha kasi si Xavier sa akin sa backpack nya."
Hinanap-hanap ko parin sa paligid si Xander baka sakaling makita ko sya pero wala talaga. Hindi ko talaga mahanap ang anak ko, saan kaya napunta yun?
"Naku naman! Hanapin na natin ang anak ko, baka napano na yun." Nag-aalalang sabi ni Ryan.
Nakita kong tinago ni Xavier yung ipad nya sa backpack tsaka nya hinawakan ang kamay namin ni Ryan.
"Don't worry po Mom, Dad, mahahanap din po natin si Kuya. Let's go na po lets find Kuya na." Pagyaya ni Xavier sa aming dalawa ni Ryan na nagpakalma sa kanya.
Xander's POV
Huminto muna ako para i tie ko yung shoelace ko pero pagtingin ko sa harap wala na sila. Tumayo ako para hanapin sila tinawag ko din ang pangalan nila pero hindi ko parin sila makita. Malapit na talaga akong maiyak cuz I'm really lost na talaga. Huhuhuh... Mommy.. Daddy.. Xavier.. Yaya.. Saan na po ba kayo?? Palakad lakad parin ako para makita ko sila habang umiiyak but i accidentally bump someone.
James POV
Sa wakas nalanghap ko na din ang hangin dito sa Pinas. Miss na miss ko na talaga yung Pinas lalong lalo na yung Cebu. Hindi ko talaga mapigilan ang saya ng naramdaman ko ngayon, kung hindi dahil sa problema ng kompanya namin dito sa Pinas. Malamang sa Malamang hindi na talaga ako makakapunta dito kaya nga imbis mag-aalala ako dahil sa problema ng kompanya namin dito ay natuwa pa ako kasi may pag-asa ng magkita kami ulit dito. Gagawin ko talaga ang lahat makita ko lang sya at susulitin ko na rin ang mga oras na nandito ako. Hihingi din pala ako ng sorry sa pag-iwan ko sa kanya at sasabihin ko din ang rason kung bakit ko sya iniwan bigla sa ere. Sana maiintindihan nya ako kasi ginawa ko lang yun para sa kanya, para 'di sya mapahamak at ang pamilya nya.
BINABASA MO ANG
Just Move On
Teen FictionWhen you say Move on it means kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan at wag ng balikan. Isa lang ang masasabi ko sa story na ito 'Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya kung maaari lang Just Move On'. Sa storyang ito alam kong may makakarelate kaya kun...