Ryan's POV
Five days later
Masaya siguro sila ngayon kung nasan man sila, pero ang 'di nila alam na yung mga mahal nila sa buhay na naiwan dito ay hinahanap na sila. Halos araw-araw tinatanong nila sa amin ni Gilbert kung nasan na yung dalawa, na kung may kimalaman ba talaga kami sa pag tanan nila. Yung mga kapatid ni Sam, lagi akong sinusugod sa condo o sa school lagi nilang tinatanong kung may balita na ba sakanila. Ako kasi yung inatasan nila na hanapin si Sam. Ayaw kasi nilang may mangyari sa kapatid nila.
Alam nyo kung bakit??
Kasi nag-iisang anak na babae lang si Sam, kaya tinuring nila itong Prinsesa at mahal na mahal nila ang Prinsesa nila. Ayaw nila itong nakitang nasasaktan, umiiyak, nagdurusa o inaaway man ng kahit na sino kasi pag nagkataon ang mga kapatid nya pati ang papa nila ang makakalaban mo. Ganun nila kamahal si Sam.
Nandito ako ngayon sa Baseline, isang bar. Nasa VIP area ako sa itaas, umiinom ng hard drink. Pagmamayari pala ito ng matalik naming kaibigan (since Gr. 2) ni James, si Gilbert Davis. Sakanya/pagmamayari talaga nya ang bar na 'to.
Paminsan-minsan lang naman ako pumupunta dito pero nong simulang mag tanan ang dalawa gabi-gabi nakong pumupunta dito imbis na maglaro ng Dota2. Mula nong nag tanan sila 'di na kami nakapag laro ni Gilbert wala kasi yung best player namin --- si James baka matalo lang kami international paman ang nilalaro namin.
Tama din siguro na nandito ako sa bar para makaiwas na din sa kanilang lahat.
Nakita ko si Gilbert sa baba naka tingin sa akin at mukhang papunta dito sa itaas.
Nasa itaas na sya at palapit na sya dito.
Pagkalapit nya ay tsaka ito umupo sa tabi ko at tinapik ang balikat ko .
"O brad, wala pa ding bang balita sakanila??"
"Wala" Tipid kung sagot. Napa buntong hininga sya. Mukhang na lungkot sya sa sinabi ko.
Uminom muna ako ng alak bago nagsalita. "Oh! Bakit?"
"Wala, nag-aalala lang ako sa kanilang dalawa." Hindi lang ikaw, lahat naman tayo.
"Tch" May dala pala syang alak. Uminom muna sya bago nagsalita.
"Wala ka man lang bang gagawin?? Alam kong mahal mo pa din sya, tama ba ko? Hindi mo lang ba sila hahanapin at ilayo sya sakanya??"
"Ano bang pinagsasabi mo?! Syempre mahal ko pa din sya pero hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo. Saksi tayo sa pagmamahalan nila Gil, ba't mo ba sinasabi yan? At isa pa nagparaya nako!"
"Tch, alam ko, pero kasi ang kapakanan lang ni Sam ang iniisip ko dahil alam kong alam mo na mapapahak lang sya pag nanatili sya sa tabi ni James." Tama nga yung sinabi mo pro 'di ko alam, 'di ko alam ang gagawin ko. Tumingin lang ako sakanya na para bang naghihintay lang sa susunod na sasabihin nya habang nakatingin lang sya sa bote na hawak nya.
Uminom muna sya ng alak bago nagsalita ulit.
"Kahit kaibigan natin sya mali pa din ang ginawa niya, kahit na yun ang sa tingin nya na tamang gawin." Wala akong masabi dahil alam kong tama lahat nang sinabi nya.
Tahimik lang kaming dalawa habang umiinom at nakatingin sa baba.
Nang bigla nyang binasag ang katahimikan.
"Teka may na alala pala ako, tawagan mo yung bagong number ni James." Kalmado nyang sabi.
O__O
Alam nya na may number ako sakanya? Teka! 'di siguro pero ano bang dapat kung sabihin? Na wala akong number sa kanya?
Aish, bahala ba si batman.
"Wala akong number sa kanya, Tch! bakit ba?!"
"Brad alam kong ay number ka! Tch, narinig kaya kita isang beses kausap mo si James." Saan kaya nya ko narinig? Tch, wala na kong takas. Ito kasing si James basta basta nalang tumatawag, pinagbilinan pa naman nya ako na wag ipaalam sa iba. "Pls. tawagan mo sila."
"Ayaw nga nila sabihin kung saan sila!"
"Tss, ano ba ang nagagawa ng GPS diba??" O nga noh?? Bat ko ba hindi naisip yun.
"Teka nga! Ano ba talaga yung kailangan mo sa kanila?! Ha?!" Uminom muna sya ng alak.
"Si Tito William inatake sya sa puso at nasa hospital sya ngayon." Nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko habang naka tingin sa kanya. Tama ba ko? Nasa hospital ngayon si Tito?!
"Hahaha! Halatang nanlaki yung mga mata mo sa gulat."
"Gago! Sino ba sa akala mo ang 'di magugulat sa sinabi mo?! Ha?! Tch."
"Tch, tumawag sila sayo pero 'di ka nila ma contact pinatay mo kasi yung cellphone mo kanina!" So ibig sabihin kanina lang sya inatake?
"Alam kung ano iniisip mo. Oo kanina lang sya inatake." Mind reader ba sya? Ba't alam nya? Tch. Uminom nalang ako ng alak.
Bigla syang sumeryoso.
"Pinapasabi pala ni Tita na pag lumala ang lagay ni Tito sisirain nya ang buhay ng pamilya ni Sam at itatakwil si James at mawawalan ng mana, alam kong madami nang beses na nya sinabi yun pero this time daw talagang totohanin na nya." What the..
"Fuck, bakit ngayun mo lang sinabi?!" Kinuha ko agad sa bulsa ko ang phone ko at agad hinanap sa contacts ang number ni James.
Napa kamot sya sa kanyang ulo. "Ahh.. Hehe.. Nakalimutan ko eh!"
Binatukan ko nga sya ng malakas.
"Ouch! Sorry po ha?! Teka, hoi hinanap din naman kita noh!" Ewan ko syo. Nilagay ko sa tenga ko yung phone.
"Tch."
*Kriiiing, kriiiing*
"Yan, ano? Nag ring na ba?!"
"Tch, Oo nag ring na! sana nga lang sagutin nya."
*kriiing, krii--*
"James!"
____________ Itutuloy_____________
A/N: Short UD lang po pasensya na. May lilinawin lang po ako... Ang lugar kung saan sila nakatira ngayon ay sa Cebu. Hindi po sa Manila hindi ko kasi alam ang pasikot sikot dyan sa Manila kasi hindi ako nakatira dyan eh. pasensya na po.. XD
Follow Nyo po pala ako..
Thanks!
BINABASA MO ANG
Just Move On
Teen FictionWhen you say Move on it means kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan at wag ng balikan. Isa lang ang masasabi ko sa story na ito 'Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya kung maaari lang Just Move On'. Sa storyang ito alam kong may makakarelate kaya kun...