Trisha POV
Nasa tambayan kaming tatlo ngayon. Kanina pa tapos yung lunch, vacant namin ngayon kaya nandito pa din kami. Si Ryan ayun nasa mesa parin nag-aaral, wala naman akong naalalang na may exam mamaya pero parang hindi naman nag-aaral naka tulala kasi. Si Gilbert ayun nasa couch nag-iisip ata tulala din kasi at ako? Pabalik balik ng lakad dito 'di kasi ako mapakali.
"Yum, pwedeng umupo ka? Nahihilo ako sa'yo." Sabi ng magaling kong BF.
"Kasi naman yum, naawa ako kay best. Tama ba yung ginawa natin? Na hindi natin sinabi sa kanya?" Sabi ko sabay upo sa tabi nya.
"Mali" Aniya.
"Yun naman pala eh, mali! Pero bakit hindi natin sinabi sa kanya? Diba dapat sabihin natin sa kanya kasi may karapatan sya? Sya yung girlfriend eh." Sabi ko sa kanya.
"Tama ka pero wala tayong karapatan na sabihin sa kanya yun. Si James lang ang may karapatan at isa pa decision nya yun, wala na tayong magagawa." Aniya sabay tayo at kumuha ng tubig sa mini ref.
"Wala din tayong karapatang pangunahan sya." Singit ni Ryan. Napatingin ako sa kanya.
"Pero naaawa kasi ako kai best. Alam kong masasaktan sya." Sabi ko sa kanila.
"Masasaktan din si James... *sigh* Alam nyo ba na kung bukas makiki paghiwalay si James. Si Sam naman ay ngayon." Sabi ni Ryan. W-wait, tama ba yung naririnig ko? Napatayo ako sa gulat habang si Gil naman ay iinom na sana pero napahinto din dahil sa narinig.
"WHAT?!" Sabay naming sigaw ni Gil. Agad naman kaming lumapit sa kanya. Umupo ako sa harapan nya habang si Gil naman sa tabi nya. Good for 6 kasi ang hapag na ito.
"Bingi ba kayo? Narinig nyo naman diba? Tch." Aish! Nag-iinis pa ata 'tong mokong na 'to.
"Oo narinig namin! Na gulat lang talaga kami. Noh!" Sabi ko sa kanya. Anong rason? Bakit gagawin yun ni Sam sa kanya?
"Tch." Yun lang sinabi nya. Sabay kuha sa tubig na bitbit ni Gil at uminom.
"Pero seryoso brad. Ba't gagawin yun ni Sam? Anong rason nya?" Tanong ni Gil sa kanya pagkababa sa basong ininom nya.
"..."
"Ano na?" Sabi ko.
"..."
"Hoi!" Sigaw namin. Nag papabitin pa kasi. Tsk.
"Wag sumigaw! Nakakabingi!" Aniya. Wag daw sisigaw pero sya sumigaw din naman.
"Wag ka ding sumigaw." Sabi ni Gil sa kanya.
"Ano na kasi." Sabi ko sa kanya at inilapit ng konti yung ulo ko.
"*sigh* Utos yun ni Kuya Mark sa kanya. Yan yung kapalit sa ginawa nilang pag tanan." Sabi nya. Napaka strict talaga nyang si kuya Mark parang si Tito Miguel lang, tatay ni Sam.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" Nag aalalang tanong ni Gilbert.
"Wala na tayong gagawin pa dahil tinext ko na si Sam. Sinabi ko na binibigayan ko sya ng isang araw para makasama sya at bukas na lang sya makipag hiwalay. Pumayag naman sya, nagpasalamat pa nga eh." Napatango na lang kaming dalawa ni Gilbert.
James POV
Pagkatpos naming mag lunch Date. Dinala ko sya sa mall at nag arcade kami tapos nun nanood ng sine. Dinala ko din sya sa mountain view para makita yung buong syudad at dun na din kami nagdiner. Natapos ang araw na to ng kasama ko sya. Bukas ulit. Kailangan ko talagang sulitin bukas ang natitirang araw ko dito sa pinas na kasama sya. Mahirap man pero kailangan mong gawin ang bagay na pinaka ayaw mong gawin sa lahat. Masakit man pero kailangan mong tanggapin ito. Siguro maiintindihan din nya ako sa tamang panahon, kung bakit ko kailangang gagawin ang iwan sya.
BINABASA MO ANG
Just Move On
Teen FictionWhen you say Move on it means kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan at wag ng balikan. Isa lang ang masasabi ko sa story na ito 'Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya kung maaari lang Just Move On'. Sa storyang ito alam kong may makakarelate kaya kun...