Chapter 3

131 0 0
                                    

SamPOV

At last nakauwi na kami dito sa Cebu ni James. Gabi na nang nakarating kami kaya hinatid na muna ako ni James sa amin bago sya pupunta ng hospital. Sinabi sakanya ni Ryan ang hospital kung saan na admit ang dad ni James.

Kakababa lang namin ng taxi ni James at nanadito na kami sa tapat ng gate namin. Tama pala yung narinig nyo ay este nabasa pala. Hehe.. Nagtaxi kami papunta dito, remember wala kaming dalang kotse nong nagtanan kami.

Kinakabahan talaga ako sana lang hindi sila magalit sa amin.

"Baby ko, Ok ka lang?" Tumango naman ako bilang sagot sa tanong nya. "Ok, pipindutin ko na ba yung doorbell?" Tanong nya sabay turo sa doorbell.

"Sige lang" Pagkasabi ko non ay tsaka nya pinindot ang Doorbell.

Hindi gaano ka liit yung bahay namin sakto lang na may tatlong kwarto, isa sa parents ko, isa sa akin at isa sa mga kapatid Kong mga lalaki.

"Sino ya--- ATEE!" Si Miko yan ang bunso kong kapatid, 18 yrs. old. Tumakbo papunta dito sa gate para pagbuksan kami. Pagbukas ng gate sakto namang may papalabas sa pinto ng bahay.

"Sino ba yan Miko bat ka ba sum--- PRINCESS!" Si Kuya Michael naman yan, 25 yrs. old. Ang babaero sa pamilya namin paibaiba kasi yan nang GF pero lab ako nyan. Pangalawang panganay sya pamilya namin. "Ma, Pa, Kuya si Princess andito na!" Agad namang naglabasan sila.

Grabe ha! Parang hindi nila ako nakita ng isang dekada, exited na exited kasi. Kung gaano ko sila na miss ganun din ako. Niyakap ko nalang sila Miko at Kuya Mic ganun din sila sa akin.

"Anak!" Sabay sabi nila Mama at Papa, na niyakap din ako pagkatapos akong yakapin ng dalawa kong kapatid. Tiningnan ng mga kapatid ko at ni papa si James ng masama, lumingon naman ako sakanya na nakayuko lang. Kawawa naman ang babe ko, Kung icecream lang siguro sya paniguradong lusaw na yan kanina pa. Hahaayz..

Tumingin ako kay kuya Mark. "Kuya! Wala bang hug si Princess galing sayo? Hindi mo ko miss?" Sabay pout at cross arms. Mabuti naman at sa akin na sya nakatingin maliban sa tatlo. Niyakap na din nya ako. Miss ko na yung mga yakap nila kahit na ilang araw lang ako nawala.

"Hoi Princess kala mo makakatakas ka mamaya sa amin? Hindi! lalong lalo na'ko, Lagot ka talaga mamaya!" Sabi ni Kuya Mark pagatapos kumalas sa yakap.

Wanna know how old is he? Ok! 28 yrs. old. May girlfriend na yan si ate Stacey, 4 years na sila pero wala pa silang planong magpakasal. Sabi kasi nilang dalawa papatapusin na muna nila ako ng collage balgo sila magpapakasal. Sweet nila noh? Lab kasi ako nang mga yan eh.

"At ikaw!" Sabi nya sabay turo kai James na agad napa tingin kai Kuya Mark. "Magtutuos tayo mamaya." Seryoso nyang sabi. Patay! lagot na.

"Miko, ipasok mo na sa loob ang maleta ni Princess." Seryosong utos ni dad na naka cross arms pa na nakatingin parin kai James ng masama, actually lahat pala sila. Sumunod naman si Miko sa utos.

Ang ayaw sa lahat ni papa ay yung hindi sumusunod sa utos nya lalo na pag galit sya. Agad namang nakabalik si Miko.

"Baby ko, papatayin ata ako nila sa tingin." Pabulong nyang sabi ni James. I chuckled and hold his hand. "Ok lang yan." Sabi ko naman na pabulong din sabay hawak sa kamay na agad napansin nila.

"Ehemm..." Sabay ubo nila Kuya Mic at Miko. Seriously? Kailangan talagang Sabay??

"Kamay!" Sabay na sabi nina papa at Kuya Mark. Sabay ulit?? Kaloka. Agad naman kaming bumitaw.

Dalawang minuto ang nakalipas, nakatitig parin sila kai James. Nubayan.

"Ma, Pa, Kuya Mark, Kuya Mic, Miko tama na po ang ka tititig kai James kawawa na po kasi sya." Na agad naman sumunod kaso sa akin na naman nakatingin, nubayan!

Just Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon