SamPOV
Kakalabas ko lang ng bahay. Gabi na din, kaya malamang hindi na nila ako papayagang umalis pero nakalusot ako. Gusto ko kasing magpahanggin at uminom ng konting alak. Sinubukan kong uminom nong nakaraang araw kaso nagalit yung mga kapatid ko. Si Migs nga, nung nalaman nya kay Miko na muntik akong iinom ng alak. Agad nya akong tinawagan at sinermonan. Hindi kasi nila ako sinanay uminom, ni hindi ko nga alam yang mga bagay bagay na yan tungkol sa alak. Kaya ngayon iinom ako at kailanggan ko ng karamay. Naisipan kong puntahan si Ryan at sa bahay nila, wala kasi akong alam sa mga Bars. Yung Bar lang ni Gil ang alam ko at hindi pwede doon. Baka malaman lang ng dalawang magkasintahan at ipauwiin ako't isumbong ang ginawa ko. Kapag si Ryan kasi alam kong hindi nya ako isusumbong. Alam ko din namang hindi sya makakatanggi sa'kin minsan.
Pumara ako ng taxi at sinabi kung saan ang kina Ryan. Isang malaking mansion ang bahay nina Ryan na nasa isang subdivision. Kilala na ako ni manong guard kaya naman pinapasok niya ako agad, pagkababa ko ng taxi sa tapat ng gate nila. Sinabi ko din pala sa guard na bibisitahin ko lang si Ryan.
Paminsan minsan kasi pumupunta ako dito kina Ryan dahil sa kay Tita Rowena. Nagpapatulong kasi sya sa akin minsan ng mga lutuing bahay at pagbebake, mahilig kasi ako sa mga ganun. At isa pa may karenderya kami kaya alam ko ang mga ganyang bagay, bata pa lang ako. Gusto din kasi ni Tita Rowena matutunan ang mga ganung bagay, para daw sa pamilya nya.
Pinagbuksan ako ng pinto ng katulong nila nong kumatok ako sa front door nila. Sinabi ng katulong na wala sina Tita at Tito pati si Richard sa bahay, si Ryan lang daw ang nandito.
"Its ok, si Ryan naman talaga ang pinuntahan ko dito. Nasaan sya?" Walang gana kong tanong ko dun sa katulong pagkasara nya ng pinto sa front door.
"Nasa kwarto nya po, miss Sam. Teka lang po at tatawgin ko." Tumango ako bilang sagot pero nagbago yung isip ko kaya pinigilan ko sya bago pa man sya makalayo.
Lumapit ako sa kanya para sabihing. "Ako na ang pupunta." At nilagpasan na sya.
Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nya at unti-unti kong binuksan ang pinto. Laking gulat ko ng makita ko syang naka upo at umiinom at naka yuko lang sya. Naka patong yung kamay nya sa mesa, hawak hawak ang basong may lamang red wine. Hindi man lang nya ako napansing pumasok ng kwarto nya. Maganda yung timing ng pagpunta ko dito kasi hindi ko na sya kailangang yayain pang uminom. Kailangan ko talagang uminom para mawala yung sakit dito sa puso ko kahit ngayon lang talaga. Lumapit ako sa kanya dahilan upang tumingala sya. Agad kong kinuha ang hawak nya at ininom iyon. Inom lang ako ng inom hanggang sa sinabayan na nya ako.
Third person's POV
Salita lang ng salita si Sam tungkol sa nararamdaman nya at kung ano-ano pa, habang tumutulo yung mga luha nya. Nakikinig at tagasagot naman si Ryan sa tuwing may kailangang dapat sagutin. Naka ilang inom pa nga lang si Sam ay na lasing na agad. Hindi kayanin ng katawan ni Ryan ang ihatid si Sam sa bahay nila, maski ang ibang tao dahil gabing-gabi na kasi at malamang tulog na lahat sila. At dahil hindi kakayanin ni Ryan ang buhatin si Sam papunta sa king size bed nya ay naisipan na lamang nyang ilagay yung kamay si Sam sa batok nya at gabayan papunta dun sa kama. Kahit na hindi sila nakakalakad ng maayos dahil sa hilo at lasing.
Nung inihiga na ni Ryan si Sam at akma na sanang aalis ay bigla na lamang syang hinila dahilan upang pumaibabaw sya kay Sam. Nagkatitigan lang sila hanggang sa may sinabi si Sam na.
"Please don't leave me."
*TSUP*
Sa inakalang si James ang kasama nya.
Hindi tumugon si Ryan nung una pero tumugon din naman sya bandang huli. Hanggang sa umabot yung halik nya sa leeg habang ginala gala naman nya yung mga kamay nya sa katawan ni Sam hanggang sa ipinasok nya sa loob ng t-shirt ni Sam. He unhooked the bra and cupped the breast, she moan. Isa isa nilang tinanggal ang mga suot nila hanggang sa...
BINABASA MO ANG
Just Move On
Teen FictionWhen you say Move on it means kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan at wag ng balikan. Isa lang ang masasabi ko sa story na ito 'Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya kung maaari lang Just Move On'. Sa storyang ito alam kong may makakarelate kaya kun...