Pagkatapos naming ihatid ang mga bata sa school ay ako naman inihatid ni Ryan sa restaurant na pagmamay-ari naming dalawa. Last Last year lang 'to nagsimula at itinayo at ako ang naghahandle, hindi kasi pwede si Ryan. Si Ryan kasi ay CEO sa Go Airlines at madami syang mga responsiblidad dun. Si daddy naman ay CEO ng car manufacturer nila, sa ibang bansa at dun na sila tumira kasama si mommy.
"We're here." Sabi ni Ryan at tumingin sa akin na may ngiti, pagkahinto ng koste sa tapat ng resto. Ngumiti din ako sa kanya at hinalikan sya sa lips, smak lang naman.
"Wag mo kalimutan yung sinabi ko sa'yo kanina, ok?"
"Yes po ma'am." May pa salute salute pa. "Wag mo ring kalimutang umuwi ng maaga mamaya. Magpasundo ka kay mang Teng."
"Opo boss." Then I kissed him and he responded hanggang sa hinawakan nya yung nape ko dahilan upang mas lalong lumalim yung halik namin.
"Sige na, bumaba ka na. Baka hindi ako makapagpigil at dito tayo makagawa ng panibagong baby." Sabi nya pagkahiwalay ng mga labi namin. Nagsmirk sya pagkasabi nya nun. Pinalo ko naman sya ng mahina sa braso na nakangisi tsaka umiling.
"Magtigil ka nga. O sige na baba na ko. I love you."
"Bye. I love you too." At bumaba na ako ng kotse. At dun naman nya pinaandar ang kotse at umalis na.
Pumasok na din ako sa loob at dumiretso sa office ko. May office din kasi dito sa loob ng resto. Nagluluto din ako dito pero ang niluluto ko lang ay ang mga mag oorder lang ng specialty ko.
Ano yung story ng restaurant na ito? Ganito kasi yun. Nung nagluluto ako sinabi nila masarap daw yung specialty ko. At para daw may paglilibangan ako, nagpatayo kami ng sarili naming restaurant.
--sa US--
James POV
"Sir, Mr. De Guzman called me. He said that your company in the Philippines has a problem and they need you right a way." Sabi ng secretary ko na nasa harapan ng table ko.
"Ok. I'll call my mom first." Sabi ko at lumabas na sya ng office.
Kailangan kong kunin yung passport ko at nasa kanya yun. For 7 years tinago nya yun para daw hindi ako tatakas. Hindi ko sya masisisi kung ba't ginawa nya yun, baka akala nya hindi ako marunong tumupad sa usapan.
I need to call my mom right a way. Kinuha ko yung phone sa bulsa at hinanap ko ang sa phonebook ang pangalan ni mommy.
Calling Mommy..
[Hello? Ba't ka na patawag anak? May problema ba?]
"Meron and I need my passport right a way." Diretsong sabi ko sa kanya at tumayo na sa swivel chair ko. Lumapit ako sa bintana kung saan makikita ko ang view sa labas ng kompanya habang hawak hawak ang wine glass na may laman.
[What?!] Alam ko na na yan yung magiging reaction nya.
"You heard me right? I need it kasi uuwi ako ng pinas pa---" Hindi nya ako pinatapos. Inikot ikot ko ang lamang ng wine glass habang tumitingin doon at inaamoy yung laman.
[No! You can't go back to the Philippines. Sinabi ko na sa'yo yan dati diba?! Dahil na naman ba yan sa kanya?! Ha?] Dahil sa sinabi nya ay ininom ko yung lahat ng laman. Pagkatapos inilapag ko sa maliit na mesa na nasa gilid ko lang. Gusto kong sabihing oo na isa din yun sa dahilan kaso'di pwede.
"Shit ma! Patapusin mo muna ako! Pwede ba?!" Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita ulit. "Kailangan ako ng kompanya dun, they need my help. Ayaw mo naman sigurong may mangyaring masama sa kompanya natin diba?"
BINABASA MO ANG
Just Move On
Teen FictionWhen you say Move on it means kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan at wag ng balikan. Isa lang ang masasabi ko sa story na ito 'Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya kung maaari lang Just Move On'. Sa storyang ito alam kong may makakarelate kaya kun...