"You know what you're crossing the line" natahimik ako, wala man ibang tao pero nahihiya ako. Nahihiya ako na nagkamali ako."Jinjin,hindi naman kasalanan ni--"
"Shut the fvck up!, look Vieghn, kaya nga diba hin-hire kita diba?! tapos ano 'to?,you're making decision all by yourself?!" napayuko nalang ako at wala na akong masabi, tama sya. Dapat ginagawa ko ng tama ang trabaho ko, sinasahudan nya ako pero ano 'tong ginawa ko?. Nahihiya ako dahil alam kong tama sya, tama ka Jin.
"Jin, please pakalmahin mo muna sarili mo...Vieghn, samahan ka muna namin sa labas" aya sakin ni Vinz, ngayon naiiyak ako pero pinipigilan ko. Ayokong umiiyak, ayoko dahil ako ang mali.
"No!, she deserved it...guys,please leave us alone for while" napatingin kami kay Jinro. Seryoso sya, nagdadalawang isip pa silang umalis pero nagpaalam na muna sila sakin, tawagin ko lang daw sila sa labas kapag may kailangan ako. I appreciate that.
"J-Jinro, sorry......" pagkaalis palang nila agad,duon palang ako nagsalita.
"Vieghn......kiss me" nagitla ako, nagulat akong napatingin sakanya. Seryoso ba sya?
"B-Bakit?"
"Just kiss me, before i get mad" nataranta ako ng bigla na naman syang sumigaw,agad akong lumapit sakanya. Pa-paano ba gagawin ko?
Hindi ako makatingin ako sakanya,hindi ko alam gagawin ko. Bakit ba naman kasi bigla-biglang magsasabi ng ganito si Jinro.
Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko, napapikit ako ng mariin ng sobrang lapit kona. Napalunok ako,ng maramdaman ko ang mainit na palad sa batok ko. At malambot na labi sa labi ko.
Is dis for real?
Naghahabulan ang kabog ng dibdib ko,dahan-dahan ang paggalaw ng labi ni Jinro,halos hindi ko masundan ang bawat galaw ng labi nya.
"Viegh---" narinig ko ang boses ni Vinz,nagulat na naman ako ng kunin ni Jinro ang kamay ko at ilagay yun sa batok ko,at mas hinapit nya pa ako habang ginagawa namin yun. Naramdaman kong mainit ang pisngi ko.
Tuloy-tuloy padin sya. Natauhan nalang ako ng may humigit sakin palayo kay Jinro at nakita ko nalang na nagbubugbugan na sila Vinz at Jinro.
"Vieghn,are you okay?" alalang tanong ni Jayson sakin. Lutang akong napatango,at napalingon na naman sakanila.
Kusang gumalaw ang katawan ko at inawat sila. Ansama ng tingin nila sa isa't isa,pareho ding maga at may galos ang mukha nila. Mamaya kona muna paiiralin ang hiya ko. Nang mapagawi sakin ang tingin ni Vinz, may lungkot sa mata nya,lungkot at sakit. Pero bakit?,minsan hindi ko sya mabasa, parang andami nyNg gustong sabihin pero di naman nya masabi.
"Please,jinro and Vinz, wag muna kayong mag-away okay?,ayos lang naman ako eh. Salamat sa concern pero hindi nyo naman kailangan magbugbugan!" hiningal ako sa mga sinabi ko. Nagulat ako ng may luhang lumabas sa mata ni Vinz habang nakatingin sakin.
Vinz...
"Akala ko.....akala ko ngayon,mapipili na ako, akala ko ngayon,ako naman ang mananalo. Pero akala ko lang pala yun, hindi ko alam kung anong meron kay Jinro bakit laging sya ang pinipili nyo. Hindi ko alam bakit sa pangalawang pagkakataon talo na naman ako.....I like you,Vieghn. Pero mukhang huli na ang lahat....huli na ako,bakit ba kasi ngayon lang ako nag confess?...aarrrghh" padabog na umalis si Vinz at naiwan naman akong tulala. Ano to?,bakit nasasaktan din ako?,nasaktan ko ang kaibigan ko. At dahil yun sa pagkagusto ko kay Jinro.
Bakit kasi hindi nalang si Vinz?,atleast sakanya wala akong problema bakit kay Jinro pa? Nagsisisi ba ako?
"Vieghn,please stop crying" alo sakin ni Jayson, hindi ko namalayan na umiiyak napala ako. Kung nandito lang si Natasha....Umiyak lang ako ng umiyak.
Naalimpungatan ako,nasa ibang kwarto ako, at ang sakit ng ulo ko. Naalala ko ang nangyari kanina, hindi ko namalayang kakaiyak ko,nakatulog ako
Nakita ko si Vinz na nakahiga sa sofa tulog, at tsaka si Jinro na nakaupo sa kabilang sofa,tulog din.
Siguro ganito din naramdaman ni Dennise?,pero ganito nga ba talaga?. Pinagmasdan ko ang mga sugat sa mukha nila.Nagamot na naman yun pero kita ang maga sa mata at pisngi nila.
Hindi ko akalain na ganyan ang nararamdaman mo sakin Vinz, i'm sorry....you deserved someone better...not me.
Lumabas muna ako at naupo sa isang bench sa gilid ng pinto, ewan ko kung saan na parte to ng school pero walang nadaan ditong ibang estudyante. Nagpahangin muna ako dito, ramdam kong mugto ang mata ko,iimpis din naman siguro yan.
Nag vibrate ang cellphone ko,kaya kinuha ko agad to sa bulsa
From: Jayceebesh
~excuse na kayo besh dont worry,wag kana muna pumasok, take care :)Napabuntong hininga nalang ako at tinago na ang cellphone ko. Siguro,mamaya pag-uwi ko,kailangan ko ulit tawagan si Natasha. Baka hindi na sya galit sakin.
Akala ko tahimik lang magiging buhay ko sa Park Institution,pero akala ko lang. Simula palang to,mas marami pa akong malalang mapagdadaanan dito, ahh tama. Kay Carl muna ako sasabay,mas maigi ng may makausap ako at baka mabaliw ako kakaisip. Tama!
@MetEachOther
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
sorry for typos,hope u like it💖
btw, first time ko lang po gumawa ng story,if nakukulangan or may mga scene na di nyo like, sabihin nyo lang po sakin then susubukan kong ayusin, this is my first story kaya don't expect too much, thanks for support
#supportunderratedauthor
BINABASA MO ANG
Met Each Other
Teen Fiction(Lavieghn Hidalgo and Jinro Park story) A transferee girl got the attention of BOYZ a famous group of boys in Park Institution.