19 • Elyxia Luther

2 2 0
                                    

"Aww,ang pretty pretty ng baby ko" inayusan ako ni mommy,hindi nya daw kasi to nagawa nuon,namiss nya daw kaya eto hinayaan ko nalang.

Hindi nya ako pinagsuot ng salamin, inipitan nya lang ako,pinolbohan at ginamit ko ang liptint na bigay ni Tasha sakin. Yun lang,pero parang bagong tao ako.

"She looks like you mom" hirit ni kuya,bahagya syang hinampas ni mommy.

"Nah, take care of my baby,Axle"

"Of course dad, you know she's my princess" hindi ko alam kung kikiligin ako sa pinagsasabi ni kuya o ano. Sya kasi ang maghahatid sakin sa school,dahil may lakad sila mommy at daddy

"Good. Study well baby, see you later!" nagpaalam na kami sakanila. Pumasok na din naman akong naka kotse pero iba ang ngayon, sarili naming kotse. Natutuwa na nalulungkot ako, basta halo halo ang emosyon ko.

"I'll talk to your dean to change all your information...now you will be Elyxia Luther, okay?" agad akong napalingon kay Kuya, seryoso ba sya?,bakit kailangan pa nuon? "and your scholarship will be cancelled...we pay for your tuition"

"Kuya,ayos lang naman,sayang yun eh,tsaka tago nyo nalang yung pera" sinamaan nya ako ng tingin, okay nakakatakot,kaya nanahimik nalang ako. Ganyan pala magalit si kuya,pero infernes ang gwapo padin nya.

Ilang minuto bago kami makarating sa school ko,medyo malayo kasi ang bahay nila---este namin sa school

"Kuya,pwede bang...mamaya dadaan muna ako sa apartment ko?, kukunin ko lang yung ibang gamit ko,tsaka magpapaalam nadin ako sa landlady"

"Okay,no problem...susunduin kita mamaya,kaya intayin moko bago ka pumunta dun,hmm?...see you later,princess" tinap muna nya ang ulo ko bago lumiko papuntang dean's office. Pinagtitinginan na naman nila ako.

"Is that your sugar daddy?" hinarang na naman ako ng grupo ni Yvette.

"Kuya ko yun" tipid kong sagot,nanlaki naman pare-pareho ang mata nila.

"How?" napangiti ako, wala na akong dahilan para katakutan sila,hindi dahil sa mayaman na ako or what. Dahil wala naman talagang dapat ikatakot sakanila,ngayon ko lang na realize yun

"May i introduce my self?...I'm Elyxia Luther,and that's my brother, Axle Luther" halos malaglag ang panga nila sa sinabi ko. Bakit? Kilala ba nila sila mommy?

"You're insane!" saad ni Ylaiza, nakita ko na si kuya. Papalapit samin. May inabot syang id, napangiti ako ng makita na iba na ang pangalan ng id isusuot ko. This is the real beginning for me.

"For real?" hindi makapaniwalang tanong ni Yvette

"Yes ans why?, she's my long lost sister, don't you dare hurt her or else..." may pagbabanta sa boses ni Kuya, pinagkaguluhan na kami ng iba. Nakiki chismis at nakikisagap ng bagong balita.

Nakita ko si Vinz sa malayo, nakamasid sakin,ngumiti sya ng bahagya at tumalikod na. Nagpaalam na si kuya, mabuti nalang at umalis na sya.

Hinabol ko si Vinz. Nagtatakha naman syang lumingon sa'kin.

"Do i know you miss?" natigilan ako. Nagbibiro lang naman sya diba?. Tinitigan ko sya,pero sa tingin nya halatang seryoso sya. Ngumiti panga sya sakin kanina eh. Baka hindi nya ako nakilala sa ayos ko?

''Vinz!, si Vieghn to, ano kaba...inayusan lang ako ni mom--"

"You're not Lavieghn Hidalgo anymore, Elyxia Luther huh?" binaba ko rin ng tingin ang id ko,kaya pala. Pero ako parin naman to si Lavieghn,kaibigan nya. Nagustuhan nya

Vinz....

"Vinz,hayaan mo muna akong magpaliwanag"

"Para saan?,wala ka naman dapat i-explain, inuubos mo lang ang oras mo sa wala...mauna na ako"

"Vinz!" hahabulin kopa sana sya kaya lang may humawak sa pulsuhan ko. Si Jayson,nasa likod nya ang ibang Boyz.

"Hayaan mo muna sya..." napabuntong-hininga nalang ako, ano bang magagawa ko?. "...kalat na sa buong Park Institution na ikaw ang nawawalang unica hija ng Luther's Clan, hindi ko akalain na ganun ka pala kayaman Vieghn, mas mayaman ka pa nga samin eh" hindi naman yaman ang tinitignan ko,kundi ang taong kaya akong tanggapin.

"Galit din ba kayo sakin?" umiling sila at ngumiti. Maliban kay Cleo as usual, may galit ata to sakin eh. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sila galit sakin.

"Pasok na tayo, ayun na si ma'am" sabay-sabay kaming napalingon tinuro ni Luke,agad kaming nagtakbuhan ng masaya.









Bakit ganun? parang napaka taas ng pamilya namin?,parang halos buong school kilala ang Luther. Tapos parang kinakatakutan sila?

"Miss Luther,can you introduce again yourself?" may halong paggalang sa tono ng boses ni Mrs. Ariola, hindi ako sanay ng ganito.

"Goodmorning classmates. I'm Elyxia Luther now, pero ako padin naman to, yung Lavieghn na kilala nyo. Pangalan lang nagbago,pero hindi buong pagkatao ko" kasabay ng huli kong sinabi tinignan ko si Vinz, nag-iwas lang sya ng tingin. Parang nakahinga silang lahat ng maluwag.

"Okay, congratulation sayo Miss Hidal---este Miss Luther" napangiti ako kay ma'am.

"Kung saan po kayo sanay,ayos lang po" tinignan ko silang lahat. Nakakalito din naman kasi talaga.

Naupo na ako sa tabi ni Vinz,bakante naman ang kaliwa ko,sa hindi malamang dahilan nanghinayang ako. Alam nadin kaya nya? Siguro? baka buong mundo alam.

@MetEachOther

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

sorry for typos,hope u like it💖

Met Each Other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon