This is it pancit!. Pagpasok ko andami ding nagpra-practice halatang bihasa na sila, sa bilis ng kilos nila at sa galing nilang magbalibag. Iniimagine ko palang na ibabalibag din ako baka hindi ko kayanin.
"Ahm excuse me? pwede ko bang makausap yung boss nyo?"
"Sure ma'am padating na si Sir intayin nyo nalang dyan"
Nagpasalamat ako bago umupo sa gilid,pinanuod ko sila habang nageensayo ng may tumawag sa pangalan ko. Este sa palayaw 'kuno' ko
"Prettynerd?...pretty nerd ikaw nga!"
"K-Kiro? ikaw ang may-ari neto?"
"Ako nga, ganun ba kaliit tingin mo sa'kin?,ano palang ginagawa mo dito?"
Tutuloy koba o hindi?,wala naman kasing nagsabing si Kiro Tan ang may-ari neto
"Ahm sasali sana----"
"HWAAAAT??!...Nagagalak akong maturuan ka"
Geez,kinilabutan ako sa pagngisi nya. Parang may binabalak syang ikakasama ko, mali talagang tumuloy pa ako.
"Ahm, ano hind---"
"Tara duon sa private room,sige dahil kaibigan ka naman namin libre kana"
"Hindi, i mean gusto ko sana kaso....hind---"
"Magpalit kana mang hingi ka nalang ng damit sa counter, just say my name bibigay nila sayo yun..bilis! iintayin kita dun, Jeric! hatid mo si prettynerd sa private room ha? wag na wag kang gagawa ng ikakagalit ni J at V okay?"
"Yes boss!, sige na po maam...dito lang ako"
Nasapo ko nalang ang noo ko bago tumungo sa counter na sinasabi nya.Ano to mall at may counter?,tsk tsk. Utak ka abnormalan talaga ng isang yun
Nakataray pa sakin habang inaabot yung susuutin ko. Inisnob ko nalang sila bago nagpunta ng cr.
Pagbuklat ko ng damit, halos lumuwa na ang mata ko sa gustong ipasuot sakin.
Sports bra at cycling na itim. Seryoso? hindi ba pwedeng tshirt nalang at jogging pants?
Nakakahiya!,tsaka hindi ako sanay humarap sa lalaki ng nakaganito. Awkward. Pero wala akong choice!...first time koto,wag lang akong manyakin ng lokong yun.
Pumunta na ako dun sa lalaking inutusan nya,naagaw ko naman ang pansin ng lahat ng nandun. May libag bako sa likod? duh naghihilod kaya ako!,tsaka sige self compliment maputi naman ako
Pagkarating namin sa private room, may boxing ring, may 3 nakalabit na punching bag may salamin na sinakop na ang buong pader. Nakaupo sa ibaba ng ring si kiro na naka sandong white at naka itim na shorts.
"Woah prettynerd,magiging proud ba ako na naunahan ko sila Jinjin at Vinz, shocks prettynerd!"
Namula ako sa pinagsasabi netong si Kiro
"Tumigil ka kundi uupakan kita!"
"HAHAHAHAHAHAHHAHAHA... joke lang 'to naman!"
Kumuha ako ng isang boxing gloves sa gilid at isinuot iyon, ang kapal pala talaga nito ano?
Sinubukan kong suntukin ang punching bag pero ang bigat, mas binuhos kopa ang pwersa ko pero gumalaw lang sya ng kaunti
"Self defense una mo dapat matutunan...kapag sumusuntok dapat matigas hindi malamya!"
BINABASA MO ANG
Met Each Other
Teen Fiction(Lavieghn Hidalgo and Jinro Park story) A transferee girl got the attention of BOYZ a famous group of boys in Park Institution.