23 • Sembreak

1 2 0
                                    

Ilang linggo agad ang lumipas at eto semestral break na namin. Kinausap ko sila mommy nung nakaraang araw na gusto kong pumunta ng america.

Nagulat sila pero sa huli pumayag din. Kinuwento ko kasi yung about kay Tasha, at eto nasa airport na ako. Lahat kasi sila may pasok parin eh. Kasama ko si Savee,na pinsan ko sa side ni mommy. Second cousin ko sya.

"Si Natasha Himedes ba ang friend na tinutukoy mo?" simula kanina hindi pa kami nag-uusap kasi hindi naman kami close. Pero sya na ang nagsimula.

"Oo,kilala mo sya?"

"Yeah...she's really famous in IG, because of her styles. Magaling syang mag style ng mga damit..." hindi na ako magtataka. Sa school halos kita ko ang pagiging fashionista sya "...kaya pala hindi na sya nagpopost because she sick"

"Ahm..Savee,please don't tell--"

"Of course!, i don't!" tumango nalang ako. Pagpasok ko sa loob ng eroplano may nakabangga akong isang lalaki.

"Sorry miss" hindi naman ako natumba,kaya ayos lang. Ngumiti lang ako at humingi din ng tawad.

Pumunta na ako sa reserve seat namin ni Savee. Inakyat ko sa taas yung ibang gamit namin. Matapos naupo na din ako sa tabi nya.

Nanonood sya ng isang drama. Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Natasha. Pero hindi sya sumagot.

Kinuha ko yung papel sa loob ng phone case ko,kung saan nakasulat ang adress nila Natasha. Thanks to Vinz. Binalik kona ulit iyon. Kinuha ko ang headset ko at nakinig nalang ng music.

Nakapikit ako habang nakikinig ng marinig kong may tumawag sa'kin.

"Excuse me,Miss Elyxia Luther?" tumawag in my birth name.

"Yes po?..." may iniabot sya sa'king flowers. Napakunot ang noo ko."Saan po galing 'to?"

"Pinabibigay po ng isa naming passenger, hindi nya po sinabi name nya eh baka po may nakasulat dyan sa flower...sige Miss Luther" tumango nalang ako. Tulog ang katabi ko,kaya paniguradong magugulat to sa hawak ko mamaya.

May isang maliit na card na nakaipit duon.

For the wonderful girl that i know
-Rence

Rence?, sino naman 'to? naglinga linga ako sa paligid baka may nakalingon sa'kin o ano? pero wala. Baka nagkamali lang---hindi Miss Luther daw eh kasama pa firstname ko.

Bahala na, tago ko nalang 'to o bigay ko kay Tasha tanggalin ko nalang yung card hehe.











Nakalapag na kami sa airport dito sa america,sumalubong sa'min ang malamig na temperatura.  Malapit na talaga ang pasko.

"Omo! is that Kendra?...Kendra!" nagtatakbo sa kung saan si Savee may kakilala siguro sya dito. First time kong mapunta dito kaya wala akong alam sa lugar na 'to.

Hinigit ko nalang din ang maleta ni Savee at sinundan sya sa direksyon na tinahak nya pero sa kamalasan malasan, may nabangga ako. This time natumba na ako.

Met Each Other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon