12 • Real Friend

2 2 0
                                    

"PANGEEEEEEEET!!!"

Sinalubong ako ni Carl pagpasok ko palang ng mall, napatingin tuloy sakanya ang ibang tao.

Tama, andito kami sa mall dito daw kami magkita. Nalaman kong malapit sya sa bahay nila Jinro. Duon sya ngayon naupa.

"Hoy ano kaba!,pinagsigawan mo pa talagang panget ako noh?"

Kanina pa  tawa ng tawa. Pumunta kaming Dairy Queen at duon muna tumambay. Namiss ko na naman si Tasha, cookies and cream ulit ang pinili ko. Samantalang kanya ay Chocolate.

"Ano kamusta dito sa maynila?"

"Okay lang naman....."

Pinaningkitan nya ako ng mata na para bang inoobserbahan kung totoo ang sinasabi ko.

"Hmm...wala bang nambubully sayo?"

Medyo hindi ako prepared sa tanong nya, sa probinsya kasi namin hindi uso ang mambully ng kaklase mo, basta bibihira ang ganun sa lugar namin. At duon walang nambubully sakin.

"W-Wala"

"Talaga? eh ano to?"

Pinakita nya sakin ang isang post sa park institution blog namin.

Lilirajoy_

The new transferee is so ugly!

replies;

maggieee_ True bitch! PUG is her nn
rasheyyyn11 walking rug, eww
imdaliah_9  i don't like her, never!

Napahinga nalang ako ng malalim at nag-iwas ng tingin sakanya. Alam kong magagalit sya,simula bata palang kapag may nangaaway sakin pinagtatanggol nya ko. Ano pa kaya ngayon?

Pagtapos namin sa DQ, nagikot ikot kami sa mall. Kanina pa kami tahimik habang nagiikot.

Simula kasi sa DQ,hindi na kami nag-usap ulit. Ang awkward nga eh.

"Sorry Carl...."

Binasag kona ang katahimikan namin. Nasa tapat kami ng isang arcade kaya medyo maingay,hindi ko alam kung narinig nya ba o hindi dahil hindi sya lumingon or nagsalita.

Uulitin kona sana,kaso nagulat ako ng yakapin nya ako.

"I'm sorry vieghn kung wala ako dito ng panahong pinagdadaanan mo yun, sorry din"

"Babe?"

Napalingon kami pareho sa isang lalaki. Wrong timing ang luko. Napatingin tuloy ng masama sakin si Carl

"Ahm..." sinuyod ko ng tingin ang paligid, may iilan ditong kaklase namin. Shet,sana wag silang maissue ngayon "Babe, kaibigan ko pala mula pampanga...si Carl...Carl si Jinro, b-boyfriend ko"

Nakita ko ang lihim na ngiti ni Jinro, pero agad yung nawala ng makita nya akong nakatingin sakanya.

Gulat ang mukha ni Carl, nakaawang ang bibig nya habang ang laki nh mata nya. Natatawa ako sa itsura nya pero hindi eto yung time na dapat tumawa ako,dahil alam kong malalaman nila papa at mama to. Paniguradong magagalit yun kapag nalaman nila ang dahilan ko.

Napayuko nalang ako, naramdaman kong may yumakap sakin, sobrang higpit. Pagangat ng tingin ko,bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Jinro. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko, hindi ko inaasahan to.

Ganun nalang din ang gulat ko ng higitin ako ni Carl kay Jinro at tinago ako sa likod nito.

"Hindi ako naniniwala, hindi basta-basta nagpapaligaw si Vieghn, i know her since birth"

Napalunok nalang ako dahil nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Magkalapit pa naman sila ng bahay,baka magbugbugan sila...

"Ahm, Jinro....mauna ka na muna ha?...Carl let's go, mag-uusap muna tayo"

"Babe?...can you do me a favor?"

Napalingon akong muli kay Jinro, ano kayang pabor ang hihingiin nya at mukhang seryoso sya

"Ano?"

"Don't tell to anyone about this hmm??...take care"

Yun lang ang sinabi nya at tinalikuran na kami, narinig ko naman ang pagmamaktol ni Carl. Kaya nilingon ko sya at piningot ang tenga

"Ahhh---Ahhh-, tama na please!!!"

"Ikaw masyado ka noh?,tara na nga. Hoy ikaw,wag na wag mong sasabihin to kanila mama, naintindihan mo?"

"Kapag nagsumbong ako anong gagawin mo? hmm?"

"Friends over?"

"Sabi ko nga, i'll keep my mouth shut"

"Good. Tara na"

Madali lang palang kausap eh











Hinatid ako ni Carl sa apartment ko, gusto nya pang palipatin ako sa apartment nya, mas malaki daw yun at mas maaliwalas tirahan. Kaso mas gusto ko dito,.malayo kay Jinro at malapit sa school.

Bukas na daw sya papasok,yun ang sabi sakanya ng dean. Tuwang tuwa sya dahil makakasama na naman nya daw ako sa school.

Pagod akong humiga,gabi na din kami nakauwi, namimiss ko si Amaliah, madalaw nga bukas,hindi na nasundan pa yung pagtuturo ko sakanya. Epal kasi tong si Jinro eh. Hay hayaan mona Vieghn, kumikita ka naman kaya anong nginagawangawa mo dyan?

Eh,kasi naman ilang linggo na ang nakalipas tapos hindi ko man lang nadalaw si Amaliah, ang sama kong kaibigan huhu.

Kinuha ko ang bago kong phone. Samsung A50 to, salamat kay Jinro kundi gamit ko parin yung cherrymobile ko.

Dalawang buwan na din ang nakalipas simula ng umalis si Tasha papuntang amerika. At eto ang unang pagkakataon na tatawagan ko sya.

*ring...ring*

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan, mas lalo akong kinabahan ng sagutin na nya 'to

Hello?....

"Tasha? si Vieghn 'to!"

Nanahimik ang kabilang linya, hindi ko alam kung natuwa ba sya o hindi, basta hindi sya sumagot.

Napatawag ka?

"Gusto sana kitang kamustahin, okay kanaba?"

Hindi,hindi ako okay

"Huh? anong---*toot*"

Natasha.....

Naguguluhan ako, anong hindi sya okay?, galit ba sakin si Tasha? anong ginawa ko?

Nagtampo ba sya kasi hindi ako tumawag agad?, tinawagan ko ulit sya pero ayaw nya ng sagutin. Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon.

Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-iyak ko ngayon, hanggang sa makatulugan ko nalang.


@MetEachOther

•••••••••••••••••••••••••••••

sorry for typos,hope u like it💖

Met Each Other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon