Sa loob ng 4 months na panliligaw ni Jinro sa'kin nakikita ko ang labis na pag-e-effort nya.
"Sa'n mo gustong pumunta baby?" sinamaan ko sya ng tingin sa huli nyang sinabi. Pero hindi nya ako pinansin at kunwari ay busy sya sa paglilibot ng tingin.
"Hmm...sine tayo? may new showing" turo ko sa bagong poster na nakakabit, agad namang kaming lumapit sa counter para bumili ng ticket. Sunod ay bumili kami ng popcorn at softdrinks.
Papasok na kami ng makita ko si Luke at magugulat kayo, may kasama syang girl!
"Luke!" pagtawag ko, agad nya namang kaming nakita, nakita kong namula sya parang nahihiya.
"Hi!" bati sa'min nung girl ng nakangiti, binati ko din sya pabalik at nginitian
"Bro, wala ka man lang sinasabi samin na may nililigawa kana pala ha?" pang-aasar din ni Jinro, mas lalo tuloy namula ang pisngi ni Luke, ang cute
"Ano...Camille si Lavi--Elyxia at Jinro nga pala mga kaibigan ko, Vi--Elyxia at Jinro si Camille girlfriend ko" namangha ako at ang laki ng ngiti, masaya ako para kay Luke, mukha namang inlove na inlove siya kay Camille
"Nice to meet you Camille, Ely nalang tawag mo sa'kin...Lavieghn is my adopted name lang,pwede mo din ako tawagan sa name na yun" aniko sabay lahad ng kamay, tinanggap nya naman iyon ng nakangiti, ang ganda nya at ang bait pa. Sexy nya pa at ang puti
"Mas bet ko yung Ely, hehe nice to meet you too Ely...manonood din ba kayo?, tara sabay sabay na tayo" kumawit sya sa braso ko at nauna kaming dalawa habang nasa likuran namin si Jinro at Luke.
Nakakatuwa dahil tabi din kami sa seats, kaming apat. Nasa gitna kaming dalawa habang magkabilang gilid ang dalawang boys, pareho silang tahimik at kanina pa hindi umiimik, pero kami ni Camille, kanina pa nag-uusap.
"Kung ako kay ate girl, mag rerest day muna ako para mabigyan ng time si boyfie, napaka workaholic naman nya kasi, wala na sa lugar, ayan tuloy naghanap na ng bebe time sa iba" natawa ako sa kanina pang pag rereklamo nya, nakasandal ang ulo nya sa balikat ko imbes na kay Luke,feel ko tuloy kaming dalawa may date
"Sige paano mo kokomprontahin yung bestfriend mo kapag nalaman mong siya ang ka bebe time ng jowa mo?" dun kasi sa story, napaka workaholic ng babaeng bida kesyo para daw sa future pero syempre may jowa naman si ate girl, tapos kapag sa huli iiyak iyak sya kasi ayaw na sakanya nung lalaking bida.
"Hmm, syempre magagalit ako bestfriend ko sya at alam nyang jowa ko yun tapos aagawin nya?..hindi man lang muna nya pinaalam sa'kin ang pinaggagawa ng jowa ko, ikaw ba Luke if ever na ako ang bidang babae, gaganyanin mo din ba ako?" bumaling sya kay Luke, pero nakatulala lang 'to sakanya, sa asar nya pinitik nya ang noo nito na nagpabalik sa ulirat nito.
"A-ano?"
"Psh,nevermind may tiwala ako sa'yo at wag na wag mong sisirain yun!" aniya at bumalik sa pagkakahilig sa balikat ko.
Mabuti nalang hindi nag reklamo mga katabi,kaharap at kalikuran namin dahil sa ingay ni Camille.
Masaya syang kasama, natapos na namin ang movie at sabay-sabay din kaming lumabas.
"Saan kayo pupunta sunod?" tanong sa'min ni Camille. Tinignan ko naman si Jinro para magtanong den.
BINABASA MO ANG
Met Each Other
Novela Juvenil(Lavieghn Hidalgo and Jinro Park story) A transferee girl got the attention of BOYZ a famous group of boys in Park Institution.