A day passed, at balik na ulit kami ng pasok. Tuwang-tuwa sila Jayson na nagke-kwentuhan sa nangyari sa kani-kanilang New year celebration"Vieghn! waaah...i miss you" niyakap agad ako ni Jayson pagkarating ko. Paglingon ko punong puno iyon ng regalo napangiti tuloy ako sakanila
Inilabas kona din sa bag ko ang regalo sakanila, aba'y tuwang tuwa naman ang mga loko ng tanggapin nila ito. First time daw may mag regalo sakanila. Napangiti ako dahil akala ko binibigyan din ni Dennise sila ng regalo.
Natahimik lang kami ng dumating si Vinz, seryoso padin sya gaya ng huli kong kita sakanya.
Nilapitan ko sya at inilahad ang regalo ko, takha naman syang tumingin duon at sakin. Nginitian ko lang sya at inilapag sa desk nya dahil ayaw nya pang kuhain. Napabuntong hininga nalang sya at itinago iyon sa bag nya.
Naglingunan ang lahat ng pumasok si Jinro sa pinto, naghiyawan naman ang mga kaibigan nya ng pumasok sya
"Woah Jinjin,is that you?" naka clean cut padin sya, may ahit na yung left na kilay nya, mas pumuti din sya.
"No, i'm not" sarkastikong sagot nya at agad na lumapit sa'kin at may inabot na box.
Takha ko syang tinigna bago ibaba ang tingin sa note na nakadikit duon.
'I'll court you, for real'
-J.P.
Nang mag angat ako ng tingin sakanya, ngumisi lang sya at naupo ng ayos. Bakante ang pangalawa at pang-apat na upuan nila. Hindi naman siguro mapapansin ni miss na lumipat ako. Inasar asar muna ako nila Luke,bago ako pumunta sa dati kong upuan.
Nilapag ko din sa table nya ang gift ko, necklace yun na may name nya. Lahat sila pinagawa ko ng ganun. Pati ako, pero 'Lavieghn' ang ipinagawa ko. Remembering my old self.
"So what's your answer?" tanong nya sabay baling ng tingin sakin, seryoso.
"Dapat ko bang sagutan iyon?, so kung hindi ako pumayag hindi mo din gagawin?" panghahamon ko, nagtaas sya ng kilay.
"Of course!, syempre inaalam ko lang kung magpapakipot kaba....naku matutuwa si Jillian kapag nalaman nya, diba mommy? " sinamaan ko sya ng tingin ng asarin nya na naman ako duon. Narinig naming umubo ubo si Vinz kaya napalingon kami pareho sakanya.
Gusto kong humingi ng tawas sakanya, dahil hindi ko kayang ipilit na mahalin sya, pangalawang beses nya ng nadurog, at ang dahilan pa nuon ay ang bestfriend nya. Paniguradong may lamat na ang pagkakaibigan nila pero sana maayos nila ito agad. He deserved someone better than me.
"Are you okay bro?" tanong ni Jinro, tumango lang si Vinz pero hindi padin nya kami nililingon.
Everyday may binibigay na flowers si Jinro kapag pumapasok ako. Pinigilan ko na syang magbigay dahil halos mapuno na ang kwarto ko ng red rose, amoy gamot na din ang buong kwarto ko dahil duon. Alam din ni kuya na nanliligaw si Jinro dahil last time na pumasok sya ng kwarto ko nagtakha sya sa amoy pagpasok nya.
"What smell is this?, are you doing some--- i didn't know you're start collecting roses, but why here instead on garden?" hindi ko alam ang idadahilan ko, at ayoko naman na magsinungaling.
"May nanliligaw na po sa'kin Kuya..."
"What?! who?"
"Jinro Park, classmate kopo"
He sigh. "I know him, sabihin mo sakanya kung manliligaw sya unahin nya kami bago ikaw. Wag mo muna syang sagutin hmm?"
"Opo naman!, pero kuya hindi ka magagalit?" tumingin sya sakin ng may pagtatakha at bumuntong hininga.
"Hindi, gusto kong bumawi sakanya kilala ko ang batang iyon, alam kong hindi ka nya sasaktan...pero kung saktan ka man nya babawiin kita at hindi kana hahayaang bumalik para lang masaktan ulit"
Nakakaiyak na nakakatuwa ang mga sinabi ni kuya.
Ilang buwan ang lumipas at sa wakas, sa wakas mahahawakan kona ang pinaka matagal ko ng pinaghihirapang diploma.
"Congratulation,baby we're so proud of you" kasama ko sila mommy,daddy ang kuya ngayong graduation day namin. Inimbita ko din sila mama at papa na pumunta sa bahay para magkasalo salo kami. Sinundo sila ng driver ni mommy sa pampanga.
"Congarts dude, take care of my princess, she's turning adult tomorrow" narinig ko si kuya kaya napalingon ako sakanila. Nakita ko si Jinro na tumango sakanya at agad na lumapit sa'kin. Bagay sakanya ang suot nyang toga,pero hindi pa dito nagtatapos ang paghihirap namin marami pa kaming pagdadaan bago namin marating ang pangarap namin.
"Congrats Jinro..."
"Congrats din, kelan mo kaya ako sasagutin?"
"Hmm siguro next day? next year? next life?.." nakita kong napasimangot sya kaya natawa ako
May grupo ng maiingay na lalaki ang lumapit samin.
"Congrats pretty nerd!" sabay sabay na bati nila, napangiti ako at binati din sila.
"Road to success tayo!"
"Road to success!" sabay sabay naming ibinato ang hat namin.
@MetEachOther
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
sorry for typos,hope u like it💖 ansaya saya ko dahil umabot ng ganito kahaba ang story ko, na this time makakakompleto ako ng isang story, hindi man kasing level ng iniisip nyo, masaya lang ako basta nakagawa ako ng kaunaunahang story ko, salamat sa pagbabasa ng magulo kong akda haha...i appreciate it
BINABASA MO ANG
Met Each Other
Teen Fiction(Lavieghn Hidalgo and Jinro Park story) A transferee girl got the attention of BOYZ a famous group of boys in Park Institution.