04 • Prinsesa

6 2 0
                                    

Tahimik akong naglalakad papasok sa school. Hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa nalaman ko tungkol kay Tasha, tinext ko sya kagabi at chinat sa facebook pero hindi pa sya nasagot.

Sa sandaling panahon na nakasama ko si Tasha, hindi nya deserve ang sakit na yun, pero alam kong may nakalaan na plano para sakanya, patuloy akong mananalangin na gumaling sya.

Pagpasok ko palang sa mismong gate, nakaabang na naman sila Yvette, napabuntong hininga nalang ako at tumakbo hanggang makarating ako sa CR. Pagbukas ko palang sa pinto, may malagkit at mabahong likido ang tumapon sa'kin. Pintura.

Gusto kong umiyak pero mas lalong magbibigay saya yun sakanila. Tinignan ko ang isang babae na nakatungtong sa likod ng pintuan, natawa sya habang nakatingin sa'kin. Sa likuran ko naman nanduon na sila Yvette at ang Ponytail girls. Ang lakas ng tawa ni Daliah(ponytail girl 1). Nakangisi naman sa'kin si Jaimee (ponytail girl 3)

"A bitch, a slut, a flirty bitch gosh! anong karapatan mong landiin si Papa Vinz?, remember this Pug!...Vinz is mine,soon to be mine. Kaya matuto kang dumistansya okay?"

May inilabas na picture si Daliah,yun ang picture kagabi kung saan nakayakap sa'kin si Vinz dahil umiiyak nga ako. Pero....hindi ko sya nilalandi, dahil hindi ako malandi.

Hindi ko nalang sila sinagot pa, kumuha ako ng tissue bago punasan ang mukha ko. Naka crossed arm pang nanunuod sakin si Yvette. Habang si Daliah nasa gilid ko at si Jaimee, hindi nila kasama si Ylaiza(ponytail girl 2)

''Balita namin, nasa america na si Natasha, wala ka ng tagapagtanggol paano bayan?...kawawa ka naman"

Hindi ko sila sinagot ulit, pinakiramdaman ko muna sila bago ako mabilis na tumakbo palabas. Sa ngayon eto lang magagawa ko ang tumakbo, narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi kona sila nilingon. Pagkarating ko sa room namin kararating lang din ni Mrs. Ariola.

"Hingal na hingal ka ayos kalang?"

"A-Ayos lang ako"

Ayokong sisihin si Vinz sa nangyayari sakin ngayon,sadyang marami lang talaga ang patay na patay sakanya. Ako ang kailangan na dumistansya, nginitian ko lang sya at hindi kona sinagot. Nakinig nalang ako sa discussion, ganun din ang ginawa ko ng mga sumunod na subject hanggang umabit ng recess, pero wala akong idadahilan ngayon recess.

"Vieghn, pasensya kana kahapon kung feeling close ako ha?...dahil wala kang ibang kaibigan bukod kay Tasha, pwede ba akong maging kaibigan mo?"

Napangiti ako ng yumuko pa talaga sya na parang nagbibigay galang. Nawala tuloy lahat ng iniisip ko.

"S-Sige"

"Yes!"

Napasuntok suntok pa sya sa ere na akala mo nanalo sa lotto, nagsilapitan naman ang mga kaibigan nya at tumingin samin salitan.

Met Each Other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon