05 • Prettynerd

5 2 0
                                    

Pagpasok ko sa room, nakanganga silang lahat sa'kin, at parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik.

"So? gaano kakapal ang make up na nilagay mo para maging matino ang itsura mo?"

Si Yvette na ang bumasag ng katahimikan,nakatingin parin sila sa'kin. Naghihintay ng sagot ko

"Or, baka may na meet kang fairgodmother tapos ginawan ka ng magic na aabot lang hanggang 12midnight, tsk...lumaklak ka ng rejuvenating ano?"

"Yvette tama na!" - Vinz

Napailing iling nalang si Jayson at naglakad na papuntang upuan nya. Hindi nya pinansin ang dalawang magpinsan na mukhang sasabak sa gyera.

"Hindi ba ako pwedeng mag-ayos?, ganun naba kababa tingin nyo sa'kin?"

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga yun. ngayon sobrang kinakabahan na ako.

"Ha-Ha-Ha, matapang ka kasi may magtatanggol sa'yo incase na balikan ka namin. Pareho lang kayo ni Dennise, wala kayong pinagkaiba"

Tinarayan nya muna ako bago lumabas, pero nakasalubong nya si Mrs. Ariola na masama ang tingin sakanya, inis syang bumalik sa pwesto nyo sa likod.

Kasunod ni Mrs. Ariola si Jinro, hindi nya kami pinansin at tahimik lang na umupo, tinanong ako ni Vinz kung ayos lang ako pero tanging tango lang sinagot ko. What if, sa labas nya ako abangan? sa labas nya ako ibully?

Ano ba kasing pumasok sa utak ko at sinagot ko sya?, Vieghn, gaya dapat dati wala kang pakialam! wala! wala! wala!

"Wala!"

Natakpan ko ng wala sa oras ang bibig ko. Galit na napatingin sa'kin si Mrs. Ariola,bakit ba kasi lumabas sa bibig ko yung iniisip ko?

"What's your problem Miss Hidalgo?"

"N-Nothing ma'am"

"Go to detention office now!"

Bwiset kasing bibig to, na detention pa tuloy. Nakayuko akong tumayo pero may humila sa'kin bigla paglingon ko si Jinro. Nauna syang lumabas habang hila hila ako, dahil nabigla pa ako sa pangyayari di ko agad nabawi ang kamay ko. Nakarating kami sa garden sa likod ng isang malaking puno.

"A-Anong ginagawa naten d-dito?"

"Don't talk, just listen to me"

Naitikom ko ang bibig ko at lumapit sakanya

Hinila nya ako paupo at humiga sa lap ko, nagulat ako. Kaya nya ba ako dinala dito ay para gawin lang unan?

Like, hindi naman ako baboy pero parang nakakainsulto. Pero kapatid sya ng may-ari ng JP15 na pinagtratrabahuhan ko. Isang sabi nya lang sa ate nya na tanggalin ako, matatanggal ako

T_T

Tinusok tusok ko ang pisngi nya,pero hindi sya nagmulat. Tulog na agad? weh kilitiin ko nga? Joke baka masuntok ako ng wala sa oras, sabi nga nila magbiro kana sa lasing wag lang sa bagong gising, i mean bagong tulog.

Hay, sinandal konalang ang likod ko sa puno at pinagmasdan ang paligid. Hindi ko alam na may ganito dito, hanggang sa harap lang kasi ako ng garden. Tumingin ako sa itaas, may nakita akong tree house duon, parang gusto ko tuloy umakyat duon.

Dahan-dahan kong ibinaba ang ulo ni Jinro sa bag ko. May hagdan sa gilid, umakyat ako duon sa tingin ko medyo matagal na 'tong hagdanan dahil maling apak ko lang baka mahulog ako. Kay Jinro, literal na mahulog ha? baka kung anong iniisip nyo?

Ng makarating ako sa loob ng tree house, malaki laki sya, may iilang gamit sa loob. Lumapit ako sa isang table dahil may nakataob na picture frame duon. Inangat ko yun. Nagulat ako sa nakita ko....

Picture ni Jinro na may kasamang isang magandang babae...

Sa itsura palang nila at sa ngiti, halatang inlove na inlove talaga sila sa isa't isa. Halatang masaya sila dito, at ang ngiti na 'to ni Jinro, hindi ko kailan man nakita. Laging expressionless kasi sya, laging naka serious face kaya mukhang nakakatakot minsan. Sino kaya sya?

Ayoko namang guluhin si Tasha ng dahil lang dito, baka nag uundergo na yun sa isang operation. Sana maging successful, hay maisip ko palang na ganun ang kalagayan ni Tasha naiiyak na ako.

"What are you doing here?"

Nakita ko ang galit na mukha ni Jinro, meron nga syang expression pero galit naman. Sa gulat ko,nabitawan ko ang picture frame at kumalat sa sahig ang bubuog nuon

Agad na lumapit sa'kin si Jinro at tinulak ako palayo, tumama ang likod ko pader,medyo masakit. Nakita kong agad pinulot ni Jinro ang picture at nangingig nya itong tinitigan

"Look what you've done!,darn"

"S-Sorry Jinro"

Ayan ang hilig ko kasing mangialam, mukhang nagalit tuloy sa'kin si Jinro. Kinuha nya ang picture at sinuksok sa bulsa nya. Sinamaan nya muna ako ng tingin bago bumaba. Nataranta ako, naapakan ko ang butas na hindi ko napansin kanina, dahilan para mahulog ako sa tree house.

"AHHHHHH!"

Marami papo akong pangarap, ayos lang pong mapilayan ako wag lang may madamage na buto or organ sa'kin. Gusto ko papong makatapos at matulungan ang pamilya ko kaya please, Jinro save me!

"Romeo,save me!"

"Huh?"

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, nasambot ako ni Vinz, at ano yung sinabi ko? tumayo agad ako at nagpagpag

"A-Ah, w-wala, mag ccr muna ako bye!"

Dinampot ko ang bag ko at kumaripas ng takbo papuntang girls rest room, sinara ko ang pinto mukhang ako lang naman ang tao. Suminghap ako ng hangin, mabuti nalang laging malinis tong cr.

Lumapit ako sa salamin at tinignan ang itsura ko ngayon. Mukhang hindi naman nasira ang make-up sakin ni Jayson. Pero gosh ano ba yung sinabi ko? Pangalawang pagkakataon na lumabas sa bibig ang iniisip ko! Delikado to

*knock...knock*

@meteachother

〰〰〰〰〰〰〰〰
sorry for typos

Met Each Other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon