Nagkukumpulan silang lahat pagpasok ko palang sa gate, may something atang nakapaskil sa may bulletin board.
Nakisiksik ako, at sinubukang hanapin ang pinagkakaguluhan nila.
Jinro Park and Lavieghn Hidalgo relationship are all FAKE! *insert photo of us*
Nanlaki ang mata ko,at saan nila nakuha ang picture na 'to?, picture namin ni Jinro to nuong first date namin as Fake mag jowa, naalala ko pa ngang win-wallpaper nya to para daw mas kapani-paniwala.
Pero ano to?,sya ba ang nagplano nito?. Dinumog nila akong lahat, at binigyan ng masamang tingin
"Feeler ugly b*tch!"
"Assumera! slut!"
"Panget na nga assumera pa"
Napatakip ako sa tainga ko. Umatras ako ng umatras hanggang sa makaalis ako sa pagkakapalibot nila sa'kin.
Tumakbo ako palabas, hinabol pa nila ako pero nasuway sila agad ng guard. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalayo ako sa school. Malayo sa Park Institution.
Napasalampak ako at duon binuhos ko lahat ng sama ng loob ko,simula ng mag-aral ako dito sa maynila hindi na tumahimik ang buhay ko. Mag-isa ako at walang kakampi, wala akong matakbuhan kapag may problema ako. Walang dumadamay sakin kapag may pinagdadaanan ako.
Umiyak ako ng umiyak,tahimik naman dito at parang hindi dayuhin ng tao. Nagitla ako ng may humawak sa balikat ko. Kinabahan ako.
"Miss, are you okay?"
Nag-angat ako ng tingin, isang hindi pamilyar na mukha ang nakita ko. Lalaki sya, mistiso,singkit at parang kalahi ni Jinro.
Agad kong inayos ang sarili ko,pinunasan ko ang mukha ko at tumayo.
"Sorry for what you see...i'm going"
"Wait....are you? are you Lavieghn Hidalgo?" agad akong napalingon sakanya ng marinig ko ang pangalan ko.Hindi ko naman sya kilala pero kilala nya ako. Stalker koba sya?
"Yes? do i know you?" napangiti sya at parang nakahinga sya ng maluwag.
"Yes you know me...." kunot noo ko syang tinignan at kinilatis ng tingin......
(a/n: i have surprise to you guys, andito anh thrill ng story naten!)
Kanina ko pa sya tinititigan pero hindi ko talaga maalalang kilala ko sya. Kanina parin sya tawa ng tawa dahil tinititigan ko daw sya. Nasa isang mall pala kami, malayo sa school. Hindi na ako pumasok, bahala na.
"Okay, you still don't remember anything...I'm Choi Jaehwa, but here i always use is Lance Choi. Long time no see,cousin" literal na nanlaki na naman ang mata ko. Baka lumuwa na mata ko sa susunod nyang sasabihin, ano daw pinsan? ni wala ngang sinabi or pinakilala sa'kin sila mama na mga kamag-anak naming koryano o ibang lahi, tapos sya? magpapakilalang pinsan ko?. Don't talk to strangers. Baka kidnapper sya at inuuto nya ako, sorry pero hindi ako kpop fan kuya!
"Cousin?, kuya you are crazy aren't you?, I'm from pampanga,pure pinoy,so how we related?" natawa na naman sya, kanina pa sya nakangiti na minsan tatawa, ang happy naman ni Kuya masyado, prankster siguro sya,tapos ako nakita nyang i-prank. Hay,mga tao nga naman ngayon walang magawa sa buhay
"Here, the proof..." naglabas sya ng isang brown envelope,may kinuha syang pictures at ipinakita sa'kin, ako to nuong bata at may kasama akong isang lalaki "....this is you right?,and this is me,do you want to know who is your real parents?"
Wait...wait, ngayon naman real parents, marami pa akong iniisip,tapos eto na naman? hayy ang gulo ng buhay ko ha?
"Wait,kuya i know my real parents, they're living in Pampanga"
"Nah...nope,they are here in Manila,your biological parents, you know Elyxia--I mean Lavieghn....10 years ka nilang hinanap. 10 years kang nawala samin" nabigla ako sa pagtatagalog nya,marunong naman pala pinahirapan pa ako.
10 years?,totoo ba ang sinasabi nya? pero may hawak syang pruweba,eh pano kung pina-photoshop nya lang yun?,baka fake yun or edit.
"Teka kuya,pwede ko ba munang tawagan ang mama ko?" tumango sya at niligpit ang mga picture na inilabas nya kanina.
Tinawagan ko si mama at agad naman nyang sinagot.
Anak...ang tagal mo na kaming hindi tinatawagan,miss na miss ka na namin
Hindi ko maimagine na hindi ko sila tunay na magulang, pero hindi ko din ma-imagine na nagsinungaling sila sakin,pinaniwalang anak nila ako.
"Ma?....tunay mo ba akong anak?" ilang minutong tumahimik ang kabilang linya, sinilip ko ang cellphone ko baka naputol pero hindi.
A-ano bayang sinasabi mo anak,s-syempre naman...saan mo ba nakuha iyang tanong na iyan?
Nanlalabo ang paningin ko, nagsisinungaling parin ba sila sakin?,bakit ayaw nila sabihin ang totoo?
"Ma,yung totoo?,anak nyo ba talaga ako?..."
Narinig ko ang hikbi ni mama sa kabilang linya,nasasaktan ako.
6 years old ka nang makita ka namin ng papa mo na pagala gala sa kalsada---*toot*
Totoo nga?,na hindi nila ako anak. Yumuko ako sa lamesa at umiyak ng umiyak, naramdaman kong tinapik tapik nya ang likod ko.
Hindi ko akalain na totoo.
Nang mahimasmasan ako....
''Pwede mo bang ikwento sakin lahat lahat kung saan ako nanggaling?" tumango sya at naglabas na naman ng mga picture
"This is your father, and this is your mother...this is you older brother and you are the youngest...Our plane crash near Pampanga, we thought you're already died,but your body isn't found..." nawala ako,dahil sa isang aksidente
"Pwede mo ba akong dalhin sakanila?" nagliwanag ang mukha nya at agad na tumango.
Akala ko tahimik ang buhay ko sa pampanga,hindi rin pala....
@MetEachOther
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
sorry for typos,hope u like it💖
BINABASA MO ANG
Met Each Other
Teen Fiction(Lavieghn Hidalgo and Jinro Park story) A transferee girl got the attention of BOYZ a famous group of boys in Park Institution.