Lennox
"Kuya, bakit nandito ka?" Tanong niya ng mabungaran ito sa terasa. Sumama ang timpla niya ng makita si Garvin. Ang pinsan ng Ate Adelaide niyang asawa ng Kuya Lennon niya.
"Masama bang dalawin ko ang nag-iisa kong kapatid?"
"Hi Lennox." Agaw pansin sa kanya ni Garvin pero hindi niya ito binati, ni hindi rin niya ito tinapunan ng tingin.
"No, its not bad." Sagot niya sa kanyang Kuya bago naupo sa harapan ng mga ito. Nagdala naman ng meryenda ang kasambahay niya para sa dalawa.
"Spill." Walang pasensyang wika niya.
Napabuntong hininga ang Kuya niya sa kanyang inasta. Gaya ng sinabi niya, nagbago siya ng mawala si Keegan sa kanya. And her family knew about it. Alam ng mga itong hindi rin siya matutulongan, sarili lang niya ang makakatulong sa kanya kaya hinayaan na lang siya ng mga ito.
"I heard from Keegan's Mom, Aunt Kesha, that Karleex is sick. Is she ok now?"
Hearing her late wife's name broke her, again. Bakit ba lahat nalang ng nakapaligid sa kanya ay pinapaalala ang sakit sa kanya.
"She's ok now. That's why I didnt go to work." Tumitig siya kay Garvin. "Because that's what a good Mom do." Binalik niya ulit ang tingin sa kanyang Kuya Lennon. "To take care of my daughter."
Tumango ang Kuya niya habang si Garvin ay namula. Hindi lang isa o dalawang beses siya nitong binalak ligawan. Maraming beses but she turned him down. He's not bad at first pero habang tumatagal ay nagiging makulit ito sa kanya. Ilang beses na niyang sinabing hindi niya ito gusto. Hindi niya kayang mahalin at hindi pwede.
Nawala man sa kanya si Keegan. Sapat na si Karleex para sa kanya at ito ang mahalaga. Alam din naman niyang hindi na siya magmamahal pa ng iba kundi si Keegan lang.
"Hija." Napalingon silang tatlo ng makita ang kanyang biyenan, si Mrs. Kesha.
Agad siyang napatayo sa pagkakaupo at nilapitan ito bago hinalikan sa pisngi.
"Mom. Salamat po sa pagbisita. Natutulog pa po si Karleex."
Napangiti ito sa kanya. "It's ok. Let her rest hija. I hope she's fine now. I brought some fruits pero binigay ko na sa kasambahay para maiayos."
"Salamat po, Mom. Dito po tayo." Anyaya niya sa may terasa.
"Lennon, how are you hijo?" Tanong nito ng makita ang Kuya niya. Tumayo naman ang dalawa para bumati at ibeso ang biyenan niya.
"I'm ok Tita and I hope you're ok too."
"Maayos naman ako hijo, salamat." Ngumiti ulit ito sa Kuya niya. "There are times I just missed my daughter pero iyon nga. Bumibisita ako rito dahil nandito ang dalawang pinakamamahal ng anak ko. Kapag nakikita ko sila, masaya ako and I know masaya na rin ang anak ko kung nasaan man siya ngayon."
She smiled at what her mother in-law said but hurt was evident in her eyes. She misses Keegan more than ever. She's longing for her wife.
"Oh by the way. This is Garvin Tita. My wife's cousin."
"It's a pleasure to meet you Ma'am." Nakipagkamay ito sa biyenan niya.
"Likewise Garvin. What a charming young man." Nakita niyang parang nahiya ito sa papuring natanggap. Namumula pa. Palihim siyang napairap.
Ilang beses na niyang sinabihan ang Kuya niyang huwag nitong dadalhin ang bayaw nito sa kanyang pamamahay. Laging rason nitong kailangan daw kahit ngayon lang dahil tinetrain ito ng Kuya niya sa company nito kaya kailangang sabay pumasok. Garvin could use his own car pero mas gusto daw nitong sumabay sa Kuya niya. She smell something fishy at kung ano mang training iyon ay wala na siyang pakialam. May sarili siyang kompanyang intindihin kasama na ang kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)
General FictionWill Lennox forget about Keegan and move on or will she find her missing piece with a new found love?