Lennox
"Explain it to me. Both of you!" Their Mom isn't mad kundi masaya ito na naiinis.
Magkatabi sila ngayon ni Keegan habang nakaupo si Karleex sa tabi niya.
"Mom, aren't you happy I'm alive?" Malumanay na tanong ng asawa niya sa ina nito.
"Ofcourse I am! But how? I want to know what happened." Hindi pa rin ito makapaniwala.
"Lennon saved me-"
"Ng hindi man lang ako ini-inform? I thought my daughter's dead already! Two years Keegan!" Napahilot ito sa sentido. "Lennox, I know you don't know anything about this because I saw you grieve. I saw how broken you are just like me-"
"Mom, I was in a coma for two years. Hindi ako pinabayaan ni Lennon. I understand his reasons-"
"Well I'm your mother Keegan and I should know everything that had happened to you. Nagluksa kami sa wala. Kahit ano pang rason ni Lennon. May karapatan kami ni Lennox na malaman ang totoo. We could've take care of you when you needed us."
"And let you suffer Mom?" Hinawakan niya ang kamay ni Keegan para pisilin ito ng marahan. "Gusto lang ni Lennon na makatulong dahil noong na-coma ako. Hindi niya alam kung anong tamang gawin at heto ang naisip niya kasi hindi niya sigurado kung kelan ako magigising. He wanted to make sure na kapag hinarap niya ako sa inyo. Ganito ako at hindi buhay na parang patay. He wanted to help and ease the pain."
Umiling ang matanda sa kanyang asawa. "I am so disappointed with Lennon for what he did."
"Cant you just be grateful for what he did for me, Mom? I am here now, iyon naman ang mahalaga diba? Magsimula ulit tayo. Let's forget about the past at iyon ang gusto kong mangyari. No matter how you rant and talk about things Mom. Hindi na non maibabalik ang mga nangyari na. Hindi na mababago. Why stuck our selves in the past if we could start to make a new life? And new memories. Besides, noong una pa lang. Kung hindi ako hinanap ni Lennon. Patay na dapat ako ngayon at malamang wala ako dito sa harapan niyo."
Hindi ito umimik at mukhang nag-iisip. Siya? Nakamasid na lang at hindi nagsasalita. It's a mother daughter thing at ayaw niyang makialam. Keegan can do the explaining.
Ilang sandali pa at nakita niyang napabuntong hininga na lang ito saka dahan dahang tumayo. Lumipat ito sa mahabang couch kung nasan sila nakaupo. Tumabi ito kay Keegan bago nito niyakap saka niya narinig ang mahinang iyak nito.
"We'll go out first." She mouthed Keegan at tumango naman ito. Hinalikan niya ito sa pisngi bago tumayo at hinawakan ang kamay ni Karleex. Iginaya niya ito papunta sa may kitchen. Magluluto na lang sila ng anak niya.
"Mommy, was grandmi mad at you and Mommy Kee?"
Nilingon niya itong nakaupo sa may stool sa counter. Napangiti siya rito.
"Your grandma's not mad. She's happy."
Hinugasan niya ang mga sangkap sa kanyang lulutohin.
"Oh, so when you get old. You raise your voice when you're happy. It's complicated Mommy. I dont want to grow old."
Natawa siya sa sinabi nito. "You'll know when you reach that age cabbage."
Hindi na ito nagsalita. She knew Karleex doesnt like to be called cabbage pero hindi niya mapigilan. Naalala pa niya ng unang mahawakan niya ito sa hospital ng kapapanganak pa lang niya. She was sleeping so peaceful at kung na-inlove siya kay Keegan. Karleex was her first love the moment she laid her eyes on her. She was such a beauty and a sight to be hold.
Nagsimula siyang magluto. She cook for a couple of minutes at malapit na siyang matapos. Napangiti siya ng may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. She knew it was Keegan. She recognize her by her touch, smell and softness.
"Ang swerte ko talaga sayo." Wika nito.
"Alam ko." Humarap siya rito saka ipinulupot ang kanyang mga kamay sa batok nito. Keegan was about to kiss her ng may tumikhim.
"Don't do that infront of my grand daughter. Kung may balak kayong sundan si Karleex. Mamayang gabi na lang." Tudyo ng Mommy Kesha nila. Agad na uminit ang kanyang mga pisngi kaya siya napasandal sa leeg ni Keegan upang itago ang kanyang pamumula. Nakakahiya!
Narinig niya ang mahinang tawa ni Keegan. Gusto niya itong kurotin pero huwag na muna.
"Si Lennox lang po ang makakapagsabi kung masusundan pa si Karleex o hindi na Mommy." Sakay rito ng magaling niyang asawa. Tinampal niya ng mahina ang braso nito.
"Isa. Dika titigil? Pinapahiya mo ako kay Mommy." Mahinang wika niya.
"It's ok. We're married." Hinalikan nito ang kanyang noo. "So what you're making for lunch sweetheart?"
"Ako ng bahala." Aniya bago tumalikod rito para harapin ang kanyang niluluto. Ilang sandali pa ay naihanda nang lahat sa lamesa.
"Let's eat." Si Keegan bago nilagyan ng pagkain si Karleex.
"Kailangan niyong magbakasyon as a family. Gaya ng sinabi mo anak. It's a new life so make new memories." Suhestiyon ng kanyang biyenan. "Kailangan niyong bawiin iyong mga oras at panahon na nawala sa inyo."
"Maganda iyan Mommy pero dapat kasama ka rin." Wika niya. Ngumiti ito saka umiling.
"I'm old for that hija. The company needs me while my daughter's away. She's gonna come back and manage it but not that soon."
Maybe within two months kasi kailangan pa talaga ni Keegan na bawiin ang lakas nito. Kailangan nitong makapagrelax. She was lifeless for the past six years so two more months wont hurt her wife. Alam niyang may mga responsibilidad silang dalawa dahil hindi lang nila ito ginagawa para sa kanilang pamilya kundi para na rin sa mga taong nagt-trabaho sa kompanya at umaasa sa kanila. And they cant fail them. Someday, Karleex will take over and run both of their companies.
"Give her two months to gain her strength at para maihanda ang kanyang sarili Mommy."
"I dont mind hija kahit limang buwan pa. I just want her to fully recover kasi ang kompanya. Nandiyan lang iyan, hindi aalis at nandito lang naman ako para umalalay sa inyo. Whenever she's ready, she's welcome anytime."
Napangiti si Keegan sa kanila habang panaka naka siyang kumakain ganun din ang Mommy nila. Magana namang kumakain si Karleex at parang walang pakialam sa mga pinag-uusapan nila.
"You two really get along very well and I'm happy about that. Atleast you're not fighting each other lalo na nong wala pa ako. Hindi kagaya ng ibang mag-byenan na sila talaga ang magkalaban."
"Well, I love your wife as my own daughter. She's very nice ever since I met her, plus she loves my only daughter. You dont know how miserable she was when we thought you were dead. Hindi ka nakalimutan ng puso niya at hindi kailanman nag-isip na maghanap ng iba. Hindi na ako makakahanap ng ideal na babae o lalaki na para sayo maliban kay Lennox. So take care of each other dahil mahal ko kayo lalo na ang apo ko."
Her heart filled with so much joy.
"Thanks Mom. I, we love you too and you're such a cool in-law."
"I know that." Nakangiting sang-ayon nito. Pinagpatuloy nito ang pagkain.
Namula ang kanyang mga pisngi ng maramdaman ang palad ng asawa niyang nakadantay sa kanyang hita.
Pagbaling niya rito ay kumindat lang ito sa kanya.
"Kain na sweetheart habang mainit pa. Mas malambot ang karne kapag kakaluto."
Pinanlakihan niya ito ng mga matang hindi pinapahalata sa biyenan niya but Keegan just wiggled her eyebrows to her.
Darn she's naughty!
Hindi niya papayagan itong manalo sa panunukso. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa hita niya at pasimpleng pinadaan iyon pataas pa sa kanyang hita hanggang sa kanyang gitna.
Keegan's eyes widened. Napangisi siya rito bago niya ito taasan ng kilay.
"Later." She mouthed her saka niya ito kinindatan. Kamuntikan na siyang mapahagalpak ng tawa ng makitang napanganga ito.
Hindi lang ako ang marupok! Ikaw din Kee!
BINABASA MO ANG
Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)
General FictionWill Lennox forget about Keegan and move on or will she find her missing piece with a new found love?