Lennox
Tuwang tuwa siya ng mahatulan si Malford na guilty at mahaba-haba ang panahong guguholin nito sa kulongan. He begged pero para sa kanya, sapat ng napatawad niya ito sa mga nagawa nito sa kanyang asawa pero kailangan pa rin nitong pagbayaran ang mga nagawa.
Hindi biro ang sakit, pangungulila, pagdurusa at paghihirap ng kalooban niya sa anim na taong inakalang patay na ang asawa niya. Mabuti na lang at hindi siya sumuko rito. Nagpakatatag siya kahit nawawalan na siya ng pag-asa't gusto na lang sumunod rito. If it wasn't for Karleex ay talagang bumigay na siya.
"I love you."
Napangiti siya kay Keegan habang naiiyak. "Oh bakit?" Tanong nito sa kanya pero umiling lang siya rito bago yumakap.
"Masaya lang ako kasi buhay ka. Akala ko talaga nawala kana sa akin noon at ngayon, nakamit na ang hustisya sa nangyari sayo. I would never be happy if its not you."
Niyakap siya nito pabalik. "Kung mabuti kang tao sweetheart. Mabuti rin ang balik sayo."
"I know and I love you too."
"Tama na ok? How about a date with me?"
"Seryoso ka?" Lumayo siya saglit pero hindi naman tinanggal ang pagkakapulupot niya ng kanyang mga kamay sa batok nito. "Katirikan ng araw?"
"Bakit? Kailangan bang may specific time sweetheart? E pagmamahal ko sayo buong buo."
Swear!
Niyakap niya ulit ito saka pinanggigilan.
"Aray sweetheart mapipisa ako." Reklamo nito sa kanya.
"Ikaw kasi nakakainis ka!"
"Bakit?"
"Kinikilig ako punyeta!"
Natawa ito sa kanya bago siya nito inakay paalis sa kanyang opisina. Natigil siya sa paglalambing ng makitang ang ilan sa mga empleyado niyang nasa lunch break ay nakatingin sa kanila. Umayos siya ng tayo.
"What are you looking at?!" Mataray na wika niya sa mga ito na siyang nagpabalik sa ulirat ng mga empleyado niya. Mabilis na nagsibalikan ang mga ito sa ginagawang pagk-kwentuhan ng mahina habang kumakain. Ang iba ay nagbaling ng pansin sa ibang direksyon na parang walang nakita. Now that's funny. Kanina kung makatitig para silang specimen sa ilalim ng microscope. Ngayon naman ay patay malisya ang mga ito kung umakto.
"Sweetheart huwag kang masyadong nagagalit. Sige ka, lalabas ang baby nating nakasimangot." Tudyo nito sa kanya kaya sinamaan niya ito ng tingin.
Nawala ang ngiti ni Jean, ang sekretarya niya ng mabaling ang pansin niya rito. Nakita niya itong nagbaba ng tingin habang namumula ang mga tenga nito. Tinaasan niya ito ng kilay bago bumaling kay Keegan at kinurot ito sa tagiliran.
"Aray sweetheart nagiging mapanakit ka na talaga."
"Kasalanan mo rin! Sinong nagsabing buntis ako ha?! Si Karleex lang ang magiging baby natin, naiintindihan mo?"
Nakangiti itong tumango sa kanya. "Got it sweetheart. Now shall we go and eat?"
Napahinga siya ng malalim bago ikinawit ang kamay niya sa braso nito. Pagdating sa baba ay pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan. Sumakay naman siya saka na ito nagmaneho paalis doon. Nagtaka siya ng dalhin siya nito sa mansyon ng Mommy Kesha nito.
"Teka akala ko ba magde-date tayo?"
"Oo nga." Parang wala lang na sagot nito.
"Bakit dito kay Mommy?"
"You'll see." Kinuha pa nito ang kamay niya't hinalikan iyon.
Pagdating sa bakuran ng mansyon ay bumaba ito kaya bumaba na rin siya. Kinuha nito ang kanyang kamay at nagpatangay na lang dito. Napadpad sila sa may left side ng mansyon kung nasaan ang garden at nakitang may nakahandang pagkain na doon. Ok, this is a date pero bakit kailangang dito sa mansyon ng biyenan niya?
"Like it?"
Tumango siya rito. "Oo pero diko pa rin maintindihan bakit dito?"
"Dahil magandang kumain sa tahimik na lugar. I want to spend some time with you."
Tinignan niya ito ng alanganin saka ito sinalat pero hindi naman mainit. Seryoso din ang tingin nito sa kanya.
"Ok, let's just eat. You're creeping me out." Aniya at siya na mismo ang humila rito. Pagdating sa kanilang lamesa ay ito ang pinaupo niya. Hinalikan niya ito. "Thank you."
Ngumiti lang si Keegan sa kanya. Nagsimula silang kumain pero panaka-naka siyang tumitingin sa asawa niya dahil para itong hindi mapakali sa upoan nito.
"What's wrong?" She asked ng hindi na siya makatiis.
"May sasabihin kasi sana ako sayo sweetheart."
Binagsak niya ang kubyertos at pinakatitigan ito ng seryoso.
"Huwag mong sabihing may babae ka?" Nananantiyang tanong niya rito.
"Hindi sweetheart. Wala." Tumayo ito saka kinuha ang kamay niya. "Marry me, again."
Binawi niya ang kamay rito ilang saglit ng matulala siya.
"Wala ka talagang ka-sweet sweet mag-propose ano?" Pero alam niya, sa loob loob ay sobrang saya niya. "Noong una basta mo na lang akong pinakasalan ng hindi ko-"
"I dont need your permission." And again, hinatak siya nito papunta sa loob ng mansyon ng biyenan niya.
"Teka lang Keegan. Bakit ba-" She was stunned to see the pavilion decorated at the back. May pari ng nakatayo doon at hinihintay sila. Nandon rin ang Mommy Kesha ni Keegan, their daughter Karleex. Si Erika kasama si Dobert at ang dalawang anak ng mga ito. Ang Daddy niya and lastly her Kuya Lennon with his wife and kids. At masaya ang mga itong nakatingin sa kanila.
"Ano ito?" She asked Keegan kahit alam na niya ang nangyayari. Gusto lang niyang marinig para makompirma dito.
Pinunasan nito ang kanyang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. Hindi niya alam na napaluha na pala siya ngayon.
"Stop crying. Gusto ko lang ulit makasal sayo, Lennox. Second life, second chance. Let's have that second in everything. Sabi nga nila, love is sweeter the second time around. Let's renew our vows. I have so many things to say to you at sa palaga'y ko. Hindi iyon magiging buo kapag hindi ko nasabi sa ganitong paraan. So marry me."
Inirapan niya ito. "Katulad rin ito noong unang proposal mo. Sapilitan talaga."
"Bakit ayaw mo ba?" Tanong nito. "Hindi ako tumatanggap ng sagot na hindi o kahit-"
She cut her off by kissing her passionately at wala siyang pakialam sa mga nakapaligid sa kanila ngayon na sila ring saksi sa pagmamahalan nila.
"I will marry you again kahit nakakaasar lang ang pagtatanong mo. Wala ka talagang baong kaunti man lang sanang tamis."
Natawa ito sa kanya.
"Siguro sa golden anniversary na lang natin ako magp-propose ng sweet sayo."
"Di ako aasa. Inulit mo nga ganun pa rin. Tara na nga at pakasal na tayo bago pa magbago ang isip ko."
Ito na ang humatak sa kanya at natatawa na lang siya sa kakulitan nito. In that day, they exchange their vows and I do's with the people they love and who love them in return. At wala ng mas masaya pa doon.
"I'd be a good wife to you."
"Napatunayan mo na iyon sa anim na taon, sweetheart. Ako naman ang babawi sa iyo sa mga panahong nawala ako. Let's start by loving each other more often in our sacred bed-"
"Tumigil ka, Keegan!" Suway niya rito habang namumula pero tinawanan lang siya nito ng malakas.
"I love you."
BINABASA MO ANG
Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)
General FictionWill Lennox forget about Keegan and move on or will she find her missing piece with a new found love?