Chapter 16

3K 185 11
                                    

Keegan Hadlee

"Ok, hintayin niyo na lang ako diyan. Did you get any answer from him?" She was talking about the man na bumaril sa kanyang sasakyan noon. It was six years ago pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang kaso.

And she was hoping that she'll get the answer today sa lalaking nahuli ng dalawang agent na hinire niya.

She secretly cleared her name on the registration para bawiin ang kanyang death certificate. She wasnt dead. Pinatanggal na rin ng asawa niya ang kanyang pangalan sa sementeryo. Just the thought na matagal ng nakahimlay sa batong nandon kung saan nakaukit ang kanyang pangalan ay kinikilabutan na siya. It really gives her the creep.

"Sige. I'll be there." Aniya saka tinapos ang tawag at kinuha ang kanyang bag bago umalis sa kanyang opisina. Kailangan niyang puntahan ang lugar na sinabi ng dalawang agent kung saan dinala ang lalaking nagtangka sa buhay niya noon.

Sumakay siya sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon paalis sa kanyang kompanya. Medyo nainip pa siya ng abutan ng traffic dahil gusto na niyang makita at makausap ang lalaking iyon.

Napahinga siya ng malalim ng umusad ang daloy ng traffic at makalabas siya doon. Tinahak niya ang daan kung saan papunta siya sa isang abandonadong factory. It was out of the way already.

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya iyon narating. Bumaba siya sa kanyang sasakyan at sinalubong siya ng isang matangkad na babae. She's got the body to die for at maganda ito. One thing is for sure. Maangas ang agent na ito but she's one of a kind. Matinik ito sa paghuli so she hired her kahit parang part time lang nito ang pinatrabaho niya.

"Miss Xen Peres." She extend her right hand.

May ngisi ito sa labi bago inabot ang kanyang kamay. "Miss Jentero." Binitawan nito ang kanyang kamay. "Inside. Shall we?"

"We shall." Sumunod siya rito. "I didnt expect it would be this early na mahuhuli mo siya."

She saw Miss Peres shrugged her shoulders. "What can I say, Miss Jentero?" May kayabangang sagot nito. "I'm one of the best."

Natatawa siya rito at hindi niya alam kung bakit pero naniniwala talaga siya sa kakayahan nito. Parang bad girl kasi ang datingan nitong may pagkamasungit, maangas na prangka at punong puno ng kumpiyansa sa sarili. Nahaluan pa ito ng pagiging katawa tawa sa hindi niya malamang dahilan at kung saang banda. Maybe it was her personality.

Tumayo itong parang isang militar dahil sa tindig nito sa harapan ng isang lalaking nakaposas sa upuan habang nakatayo naman ang isang babae sa tabi nito, watching him closely. This is agent Wyatt. Sa pagkakaalam niya, she's a hacker.

"That's the bastard who tried to kill you years ago." Wika nito.

Nag-angat naman ng mukha ang lalaki at ng mapagsino siya ay biglang nanlaki ang mga mata nito. Syempre, papaano makakalimutan ng isang mamamatay tao ang biktima nito. Sad to say, nakaligtas siya.

"You recognize me after all." Wika niya sa malamig na boses. "You almost took everything that I have. Mabuti na lang at walang nabawas kahit ilang taon na ang nakakaraan. If my wife find a new love, lagot ka sakin."

"Oh you dont talk that way, Miss Jentero." Sabat ni Miss Peres sa kanya.

Para siyang nalitong tinitigan ito. "Pardon?"

Sumilay ang mapanuksong ngiti nito sa mga labi. "You're hot when you're threatening."

Napatawa siya rito. "Do you want to know what's hot?"

"Mm-hm." Maangas itong tumango.

"When you hear me swear. Want me try?" She tease. Hindi lang ito ang marunong mambilog ng ulo.

"No thanks because right now. I like your sense of humor better."

"Likewise." Binalingan niya ulit ang lalaking parang nakakita ng multo ngayon. "Cat got your tongue?" Lumapit pa siya rito kaunti. "Tell me kung sino ang nag-utos sa iyo."

Dali dali itong umiling sa kanya. "Hindi po pwede. Kapag ginawa ko iyon. Papatayin po niya ang buong pamilya ko."

She frowned. "E sakin hindi ka ba natatakot na baka patayin ko ang buong angkan mo?"

Marahan itong umiling. "Hindi po kasi hindi naman kayo ganun."

"Kung alam mong hindi ako ganun. Then why did you tried to kill me?"

Napayuko ito. "Wala po akong pagpipilian. Kailangan kasi ng pera noon para sa operasyon ng asawa ko. Pero hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo dahil kapag ginawa ko po iyon. Papatayin niya ang mag-iina ko."

Napakrus siya ng kanyang braso. "May anak ka, think about it. Isa kang ama, paano kung pagdating ng araw. Ang ginawa mo sa akin. Babalik isa sa mga anak mo. I am not saying na mangyayari but as a father. Gusto mong protektahan ang mga anak mo."

"Please po huwag ang mga anak ko."

"Then cooperate. Mangangako ako ng full protection para sa family mo. I could support your children to go to school if you're worried about their future. Be a star witness. All you have to do, ituro mo lang ang may gawa. Case solve. About your side. Makukulong ka pa rin pero hindi ganun katagal dahil hindi mo naman iyon ginusto at tinakot ka lang. But ofcourse may pananagutan ka sa batas. Pero kung makikipagcooperate ka. Mas mababa ang parusa mo. Like I said, you dont have to worry anything dahil sagot ko ang mga anak mo. Hindi mo naman siguro gugustohing gamitin ka ulit ng taong iyon sa susunod para lang sa pansarili niyang kapakanan diba? Alam kong ayaw mong mamuhay sa takot at ganyan na lang na kung uutosan ka ay wala kang magawa."

"Kung pinapangako niyo po. Sige ituturo ko pero gusto ko munang lumayo ang pamilya ko para hindi sila madamay basta huwag niyo po silang pababayaan."

Napangiti siya rito. "You have the Jentero word and I dont break it. I assure you."

Napabuntong hininga ito. "Tama ka, Miss Jentero. Marami pa siyang mabibiktima dahil sa inggit. Sasabihin ko po lahat ng nalalaman ko."

"By any chance. Kilala ko ba siya?" She asked. She was really curious.

"Hindi po ako sigurado but what I've heard. Galit na galit po siya sayo. Naiinggit ng sobra. Inagaw mo raw sa kanya ang babaeng kinalolokohan niya dati pa."

Si Lennox? Kanino naman niya inagaw eh wala naman itong bf or gf nong makilala niya ito.

"Are you talking about my wife, Lennox?"

"Hindi po ako sigurado. Basta ang sabi niya sa akin dati. College sweetheart sila."

Siya lang naman ang naging college sweetheart ng asawa niya. Walang hiyang tarantado naman pala iyon e.

"Sino siya?"

"Si Malford."








Ang bugok na iyon? Aba't!

Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon