Chapter 7

2.6K 140 13
                                    

Lennox

It's been two weeks ng huli silang magkita at mag-usap ng Kuya niya. She was pissed. Ang akala niya nag-t'train si Garvin sa kompanya nito? Pumasok ba ito para magpanggap? Hindi niya alam kung tuloyan na ngang ibinenta ng Kuya Lennon niya ang shares nito kay Garvin. Ang ahas na iyon. Sinasabi na nga ba niyang hindi ito gagawa ng mabuti at mas lalong hindi ito mapagkakatiwalaan.

Now he wanted her in exchange of the company. Ano siya tanga? Kaligayahan niya ang nakataya at buong buhay niya. Lahat ng natitira sa kanyang naiwan ni Keegan, basta basta na lang iyon matatapon at mapupunta sa wala?

Isa pa ang Kuya niyang nagpa-uto dito. She couldnt understand kung paano nabilog ang ulo nito ng isang Garvin. And about her telling her Ate Adelaide about it. Wala na siyang pakialam, gaya ng sinabi niya. Problema na iyon ng Kuya niya. Total, kapamilya naman ito ng kapatid niya since pinsan ito ng Ate Adelaide niya. She had nothing to do with it.

She's on her way to the cemetery. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang makasama si Keegan. Iniwan niya ang kanyang kompanya pagkatapos niyang magawa ang lahat ng trabaho niya. Karleex's still in the school at susunduin niya ito mamaya. May isang oras pa naman siya para dalawin ang taong mahal niya.

Nag-park lang siya sa lilim ng isang puno at kinuha ang isang bulaklak na binili niya kanina. Naglakad siya papunta sa puntod nito at ng makalapit ay saka siya naupo. Pinalitan niya ang bulaklak na nalanta na.

"I came over to see you, my love. Gusto ko lang may makasama ngayon and you're that perfect company." Napatingala siya't napabuntong hininga. "I know you're looking down at me." Nagpikit siya ng kanyang mga mata at hinayaang makalaya ang anumang damdaming kinikimkim niya.

Hindi niya ito kailanman napanaginipan. She wanted to see her kahit doon na lang ito magpaalam sa kanya pero wala. Maybe she's at peace now. Paano naman siya?

"I missed you Keegan." She sighed bago ulit napatitig sa pangalan nitong nakaukit sa marmol. "Sana nandito kana lang. Sana hindi ako nagkakaganito, na maayos ang lahat. Na hindi ako nahihirapan."

Hinaplos niya ang pangalan nitong nakaukit doon.

"Masama mang sabihin pero sana multohin mo si Garvin. Ginugulo niya ako. I dont like him, Kee. And he wanted me for his own happiness. Pero alam mong ikaw ang kaligayahan ko at hinding hindi iyon magbabago. I really wished you're here."

Nagtagal pa siya ng ilang minuto bago nagdesisyong magpaalam rito saka umalis. Kailangan niyang sunduin ang kanyang anak. Pagdating doon ay nakita niyang hawak hawak ni Garvin sa kamay ang kanyang anak pero pigil ito ng gwardiya.

Nagmamadali siyang bumaba ng kanyang sasakyan pagka-park pa lang niya.

"Ano ito ha?!" Galit niyang baling kay Garvin matapos ilayo ang anak niya rito. This man is dangerous at hindi niya alam kung ano pang kaya nitong gawin aside sa pangsusulot nito sa kompanya ng Kuya niya.

"Ma'am kasi po. Pinipilit niyang kunin si Karleex, wala naman pong authority mula sa inyo at kahit sa mga pinermahan mo. Ang sabi niya kaibigan mo siya."

"Thank you. And please continue your job doing that. You're gonna save lives because of it. At tama ka, walang ibang susundo sa anak ko kundi ako lang maliban sa kung may sakit ako then ako mismo ang tatawag sa inyo kung sino ang susundo sa anak ko."

Tumango naman ito. "Huhulihin na po ba natin siya for questioning-"

"No. Salamat. Ako na lang ang kakausap."

"Sige po, Ma'am." Saka na ito bumalik sa pwesto.

Binalingan niya si Garvin na maangas na nakatayo habang nakapamulsa ang mga kamay nito.

"Stay away from me lalong lalo na sa anak ko. I swear hindi mo magugustohan ang gagawin ko sayo!"

"Try me." Gusto niyang burahin ang ngisi nitong nakapaskil sa bibig nito. Anong akala nito sa sarili nito? Kuya lang niya ang nagpauto at hindi siya kasali doon!

"Propesyonal ako kaya huwag mong hintaying maging bastos ako sayo ng tuloyan. Sa susunod ipapa-restrain na kita. And didnt I told you that I dont want to see you? Hindi ka lang manhid. Tanga ka ngang talaga!"

Binuhat niya si Karleex at naglakad na sila palayo leaving the man dumbfounded. Hindi siya papayag na may mangyari kay Karleex. Nawala na si Keegan sa kanya. Not her Karleex.

Ipinasok niya ito sa sasakyan at ikinabit ang seatbelt nito pagkatapos ay umikot siya't naupo sa may drivers side bago paandarin ang sasakyan at umalis don.

"Mommy, are you mad again?"

Lumingon siya rito at pilit ngumiti. Andami niyang agam agam ngayon. Paano kung pati anak niya ay mawala sa kanya? Paano kapag may nagbalak dito ng masama at ang masaklap ay ang pinsan pa ng hipag niya.

"I'm not. Natatakot lang akong mawala ka sa akin kagaya ng Mommy Keegan mo. You understand Mommy right?"

Tumango naman ito. "He said we're going out to buy an ice cream while we're waiting for you but I didnt go. You told me not to go with strangers or talk with them."

"That's my baby girl. Ako lang ang susundo sa iyo at wala ng iba. Kung may pagkakatiwalaan man ako sayo, iyon ang Grandmi mo at si Tita Erika mo."

"What about Tito Lennon?"

She cleared her throat. "I dont know if you're safe with him since Garvin's always around them."

"Now I understand Mommy."

Natawa siya rito."So you want an ice cream?"

Nakita niyang nagliwanag ang mukha nito. "Really? I can cheat?"

"If that is cheating then yes you can."

"Thanks Mommy! You're the best!"

Pagkarating sa isang ice cream shop ay saka sila bumaba para bumili. She was smiling dahil ang bibo talaga ng anak niya. She always make her day.

"So what do you like? You can just point at it."

"I want the ube and the mango and the chocolate."

"Hindi kaya sumakit ang tiyan mo sa dami niyan?"

Tumingala ito sa kanya. "E Mommy. It doesnt mean na uubosin ko po lahat. Gusto ko lang tikman. We're gonna share right, Mommy?"

Tumango siya rito. "Ofcourse yes." Bumaling siya sa lalaki at ngumiti. "My daughter wants ube, mango and chocolate."

"Yes Ma'am. Asan na po iyong girlfriend niyo? Bumili siya dito noon. Natatandaan ko kayong dalawa."

Iyong saya at ngiti niya ay unti unting nawala.











"She's gone."

Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon