Lennox
Napahinga siya ng malalim pagkababa niya sa kanyang sasakyan. Bumukas sa kabila at bumaba doon si Karleex. Hinawakan niya ang kamay nito bago i-locked ang kanilang sasakyan. Nasa kompanya sila ngayon ng Mommy Kesha niya. She convince Keegan para sabihin na nito sa Mommy nito ang tungkol rito. Alam kasi niya ang pakiramdam ng nangangapa, nangungulila, nasasaktan at nalulungkot. At may karapatan ang biyenan niya para malaman ang totoo.
She had never really been in her Mother-in-law's company before dahil ito naman ang palaging bumibisita sa kanila. She have her company to manage as well. Si Keegan kasi dati ang namamahala dito pero hindi siya dumadalaw. Sa mansyon lang ng biyenan niya sila pumupunta.
Dumiretso sila sa entrada pero hinarang sila ng gwardiya.
"Ma'am goodmorning, ID niyo po."
"I have an appointment kay Mrs. Jentero."
"ID po."
Napahinga siya ng malalim at nawawalan ng pasensya. "I dont need to show you any. Kapag hindi mo ako pinapasok. Pagsisisihan mo mamaya."
"Mas pagsisisihan ko Ma'am kapag pinayagan kitang pumasok. Matatanggal ako sa trabaho."
And because she's a bitch. Tinabig niya ang kamay nito bago pumasok.
"Ma'am hindi po talaga kayo pwedeng pumasok."
Hinarangan siya nito.
"Mommy." Tawag sa kanya ni Karleex na parang takot. "Let's go home po baka barilin niya tayo."
Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi nito. She doesnt want her daughter na ganun ang tingin nito sa mga gwardiya pero hindi niya ito masisisi.
"No, walang mananakit sayo." Nagpatuloy siyang maglakad habang nakasunod na ang gwardya sa kanila. Subokan lang talaga nitong hawakan siya ni kaladkarin palabas. Makikita nito.
"Ma'am hindi po talaga pwede-"
"Office of Mrs. Jentero?" Tanong niya sa babaeng nasa reception.
"Good morning po, Ma'am. May appointment po ba kayo kay Ma'am Jentero?"
"Meron." She said flatly.
"Uhm. Sige na Roger. Ako na rito." Ngumiti ang dalagang nasa reception ng makitang hindi pa rin umaalis ang gwardya.
"Wala siyang ID. Bahala ka diyang sumagot kapag nagkaproblema." Turan nito bago umalis.
She doesnt care.
"Ano pong pangalan?"
"Sabihin mo sa sekretarya niyang, Lennox. Lennox Larkin Jentero."
Nanlaki ang mga mata nito. Ofcourse they knew her name pero hindi ang kanyang mukha.
Nabitin ang kamay nitong akmang hahawakan sana ang telepono para tumawag.
"Ma'am hindi na po. Tuloy po kayo sa may bandang kanan. Nandoon po ang elevator. Last floor po si Ma'am Jentero." Awkward itong ngumiti sa kanya. Iyong ngiting kinakabahan at alanganin.
Walang sabi sabing umalis sila doon ni Karleex.
"Bye Ate!" Paalam pa rito ng anak niya ng paalis na sila. "I like her Mommy. She's nice."
She just smiled at her.
Pagdating sa may bandang kanang bahagi ay nandon nga ang mga elevator. Anim na magkabilaan ang nandon but she saw the VIP sign on top sa isang elevator sa may pinakadulo. Doon sila pumunta at pinindot ang button don. Ng bumukas ay pumasok sila saka niya pinindot ang last floor.
BINABASA MO ANG
Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)
General FictionWill Lennox forget about Keegan and move on or will she find her missing piece with a new found love?