Chapter 12

3.1K 194 16
                                    

Lennox

Patakbo siya sa kanilang kwarto ng marinig ang kalabog doon. Naghahanda kasi siya ng pananghalian nila. Tulad ng sinabi niya, kahit may mga kasambahay sila. Gusto niyang siya mismo ang magprepara sa pagkain ng mag-ina niya.

Pagdating sa kwarto nila ay nag-aalala niyang nilapitan si Keegan na nakasalampak habang nakasandal sa tabi ng kama.

Ngumiti ito ng matamis ng makita siya. Gumaan ang pakiramdam niya pero hindi non nabawasan ang pag-aalala niya rito.

"What happened?" Tanong niya rito saka tinulongang makaupo sa gilid ng kama. Minasahe nito ang panga nito. Kitang kita pa rin niya kung gaano ito kahina at putlang putla pa rin ito. Kailangan na nitong maarawan simula bukas. Naupo siya sa tabi nito.

Dr. Melendez came over the other day para icheck ito and she was relieved when she knew na ok naman ito at walang diperensya. Her body recovered from the injuries she got two years ago. Mabuti at hindi ito na-amnesia dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag nangyari ang bagay na iyon dito.

Iyon nga lang ay kailangan nito ng therapy para bumalik sa normal ang lahat. Isa sa mga mabisang paraan para madali itong makalakad ay ang aquatic therapy. Ang pagkain din nito ng soft to hard foods para sa facial muscles at facial nerves nito. She needs to do a facial exercises lalo na sa jawline nito para madaling bumalik sa dating pagsasalita. She could speak pero sobrang hina, it needs some adjustments. Para kasi itong na-stroke kung tutuosin. Keegan's body needs to take some time para masanay ulit ito. She needs to do some exercises habang ibinabalik nito ang dating lakas.

Those nurses gave Keegan the best treatment. Part of it, kahit nagalit siya sa Kuya niya, kahit nadisappoint siya dahil sa paglilihim nito. It doesnt change the fact that her brother saved her wife. Kung hindi dahil dito baka nga patay na si Keegan noon. And her Kuya Lennon gave everything para lang mapanatiling buhay si Keegan kahit walang kasiguradohan kung magigising pa nga ito mula sa pagkaka-coma. At ang paglilihim nito sa kanya ay nabigyan rin naman ng hustisya sa pagiging mabuti nito sa kanyang asawa.

Ang hindi lang niya nagustohan ay ang paghahanda nito para sa kanyang hinaharap. He tried to match her sa bayaw nitong uto-uto habang buhay pa pala ang kanyang asawa. Hindi nga sigurado kung magigising pa si Keegan noon but it doesnt mean na kailangang agad palitan when infact, Keegan needs her love, care and attention.

Isa pa, hindi niya mahal si Garvin at hindi mapapalitan ng kahit sino si Keegan sa puso niya. Keegan took her heart, the whole of it. Kahit sa sarili niya'y kaunti lang ang natira. When you love someone, depende sa isang tao. Some people could love enough, some people were too much pero sa kaso niya. When she love, she gives her everything dahil para sa kanya hindi kontrolado ng isang tao ang puso nito. Hindi nito kontrolado ang nararamdaman nito and the love she have for Keegan is selfless.

Keegan's her true love.

"I miss you." Halos hindi niya marinig ang sinabi nito but that was enough to cause a wrecking havoc in her system.

Napangiti siya't hinawakan niya ang baba nito bago pinaghahalikan ang pisngi nito. Nakikita niya itong masaya dahil nakangiti ito even her eyes were showing it kaya lang ay simple lang iyon kagaya kaninang ngumiti ito ng matamis pagkakita sa kanya. Gusto niyang makita ang pantay na ngipin nito sa tuwing ngumingiti kagaya ng dati.

"Mas miss na miss kita pero kailangan na nating kumain."

Napalingon silang dalawa sa pintuan ng may kumatok doon. Isa sa mga kasambahay nila, si Tina. Parang nahihiya pa itong mang-isturbo sa kanila.

"Ma'am, luto na po iyong iniwan niyo kaya ako na po ang nagpatay ng stove."

Her eyes widened. Shems! Nakalimutan niyang patayin dahil sa pag-aalala kanina sa asawa niya.

"Ah, sige. Pakihanda na lang sa terasa at doon kami kakain. Salamat."

"Sige po, Ma'am."

Ng mawala si Tina ay tinusok ni Keegan ang tagiliran niya kaya siya napaigtad.

"Ano ba. Huwag ka ngang basta basta nanunusok diyan." Inirapan niya ito dahil nakikita niya ang panunukso sa mga mata nito. Her face heated. Oo na siya na ang makakalimutin. "Kain na tayo." Dagdag pa niya para pagtakpan ang hiya.

Kinuha niya ang wheelchair nito. Tinulongan niya itong makatayo saka pinaupo ito doon bago niya ito itulak palabas ng kwarto nila. Naglakad siya papunta sa terasa habang kitang kita ang pagi-istima ng ilang kasambahay doon.

"What do you want to eat sweetheart?" She asked ng maiharap niya ito sa lamesa at saka naupo sa tabi nito. Nakita niya itong pinasadahan ng tingin ang mga nasa lamesang nakahanda. She had cooked all of it and she's proud. Kung dati wala siyang alam. Well, she's not that young girl anymore. She's now a good Mom and wife.

Hindi na siguro maghahanap pa ng iba si Keegan diba?

Mabait siya. Maalalahanin. Maasikaso. Mapagmahal. Masarap magluto. Masipag. Magaling sa mga bagay-bagay. Mayaman siya, a part of it yes dati pa at may pamana sa kanya pero kung hindi siya magaling mag-handle. Mawawala ang bagay na ibinigay sa kanya, in short, she's a wise and smart businesswoman. Maganda siya at higit sa lahat. Sexy!

"Kumain na rin kayo sa baba." Utos niya sa mga kasambahay niya. She treats them fair with goodness. Pagbaling niya kay Keegan ay nakanguso ito sa kanya na parang nagpapahalik.

"Hindi pwedeng ako ang gusto mo. Magpalakas ka muna. Dika pa magaling, ang harot mo Kee."

Tinignan siya nitong parang nalito kapagkuwan ay inginuso nito sa kanya ang grilled tuna. Hindi pa ito nakontento, she lift up her hand and pointed at it.

"Tuna sweetie. Hindi tuna mo." Mahinang wika nito habang mapanukso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Again, namula ang pisngi niya sa sinabi nito. Bakit parang siya pa ang naging maharot sa kanilang dalawa ngayon?

Dinampot niya ang tinidor at kutsilyo saka iyon itinusok sa grilled tuna bago hiniwa ng sakto lang para dito saka iyon isinubo para matahimik ito.

Halata bang marupok siya?

"Ang sarap ng tuna mo. I mean luto mo." Paanas nito. She could see she was really teasing her.

"Tumigil ka. Kundi buong tunang nasa platter ang ipapasak ko sa bibig mo para masanay na agad iyang panga mo." Saka niya ito inirapan. "Dipa nga magaling pero ang lakas ng mang-asar." Bulong niyang alam niyang umabot pa rin naman sa pandinig nito. Siya naman kasi masyadong assuming.

"Atleast hindi ako marupok."

Napanganga siya rito.









"Kee!"

Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon