Lennox
Kasalukuyan silang nasa beach ngayon ni Karleex habang nag-rerelax. Karleex's wearing a one piece black suit habang siya ay naka-two piece ng yellow na mas lalong nagpatingkad sa kaputian niya.
"Mommy, naiihi po ako." Bumangon si Karleex mula sa pagkakahiga sa buhangin.
"Sige, sasamahan kita." Bumangon siya't hinawakan ang kamay nito. Naglalakad sila papunta sa direksyon kung nasaan ang CR ng mahagip ng mga mata niya si Garvin.
Ito na naman?!
Bakit parang sinusundan siya ng kamalasan nito. Malapit lang ito sa women's comfort room since katabi lang ito ng male CR. Mabuti at hindi siya nito napansin dahil may kausap ito sa cellphone nito at mukhang masayang masaya.
"Yeah I know pare. Mapapasaakin din si Lennox."
Ang pagpasok niya sana sa CR ay naudlot dahil sa narinig. Siya ang pinag-uusapan ng mga ito? Sino naman ang kausap ng hinayupak?
"Go on." She mouthed Karleex dahil nagpaiwan siya sa bukana ng CR para pakinggan ang sinasabi ng lalaking ahas. Tumalima naman ang kanyang anak.
"Yes, akala niya siguro ay patay na ang asawa niya. Poor Lennox."
Palaga'y niya ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya't mabilis na tinawid ang espasyo nila nito. Kinalabit niya ang likuran nito at ng bumaling ay buong lakas niya itong sinuntok. Nabitawan nito ang cellphone at mukhang nahilo.
"Ouch! Damn- Lennox?" Para itong nakakita ng multo ng mapagsino siya nito.
"I heard what you said." She gritted her teeth in anger. "Care to repeat it?" Hamon niya rito.
Hindi siya pwedeng magkamali. Sinabi nitong ang akala niya ay patay na ang asawa niya. Iisa lang ang naging asawa niya at wala ng sumunod kay Keegan.
"Said about what?" Halatang nagmamaang maangan lang ito.
Natawa siya rito ng pagak bago nagseryoso.
"Yeah right. Fuck you!" Dinuro niya ito. "I will give you time to explain and tell me everything dahil kapag napatunayan ko ang mga sinasabi mo. Sa kulongan ang bagsak mong hayop ka!"
"Lennox-"
"Dont you dare fucking Lennox me!" Napapitik siya sa ere. "You sanafabitch! Nasaan ang asawa ko ha?!"
Napaatras ito sa kanya.
"Go on. Papadakip kitang letche ka!"
Natigil ito ng makitang nakakaagaw na sila ng atensyon ng ibang tao.
"Mommy I'm done." Sulpot ni Karleex sa kanyang tabi. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Ano?! Magsasalita ka o dederetso ako ngayon sa police para maghain ng kaso sayo?!" Dinampot niya ang cellphone nito. Kita niya ng mamutla ang mukha nito. "Sisigurohin kong matatapos ang maliligayang araw mo!"
Naglakad siya paalis.
"Lennox." Agad itong nagpunta sa harapan niya at hinarangan sila. Masama niya itong tinignan.
"Magsasalita ka ba ha?!"
"Calm down-"
"Fuck you!" Naiiyak na siya dahil sa galit at matinding emosyong bumangon sa kanya, poot. "Lahat ng may kinalaman sa pagluluksa ko ng ganung katagal, sisiguradohin kong magbabayad ng mahal!"
"Mommy." Nahihintakutang wika ng anak niya.
Nilagpasan nila si Garvin.
"It was your brother."
Bumalik siya't binigyan ito ng isang malutong na sampal.
"How dare you! How dare you para sabihing ang kapatid ko ang may pakana ng lahat ng ito. My brother wouldnt do such thing to hurt me!" Tuloyan ng bumagsak ang kanyang pinipigilang mga luha. "You're a liar!"
"Ask him. Seems like I dont have a choice. Hindi ko na pwedeng pagtakpan dahil narinig mo na iyon ng buo. It was all planned by your brother and because I love you kaya ko nagawang sakyan ang mga plano niya."
"Gago ka talaga ano? Sisirain mo ang buhay ng ibang tao para sa pansarili mong kagustohan!"
"You dont know anything Lennox-"
"I know enough to have you investigated and sue you!"
"Kahit na Lennox. Hindi mo pa rin alam kung anong rason ng Kuya mo bakit niya ginawa ang bagay na ito."
"Ang pumatay ng tao ganun ba, Garvin?" Her voice full of venom. "Wala akong pakialam sa rason niya! Alam niya kung gaano ako ka-miserable ng mawala ang asawa ko tapos malalaman kong pakana niya ang lahat ng ito, ganun ba?!"
Pinasadahan ulit nito ang mga taong nakikiusyoso sa kanila. Ang iba ay nagkumpolan lang sa isang tabi habang nakikinig.
"Hindi lahat ng iniisip mo ay tama Lennox. Hindi siya ang nagpapatay kay Keegan. It was after that-"
"Talaga ba?" Tuya niya rito saka pinahid ang mga luha niya.
"Believe me. Hindi plinano ni Lennon ang lahat pero dahil wala siyang choice kaya niya nagawang maglihim sayo."
"Alam ba ito ng biyenan ko?"
"Hindi. Kaming tatlo lang. Si Lennon at si Kleid, iyong kausap ko kanina."
"So you're really saying that my wife is still alive?"
Tumango ito. "Yes."
Nilapitan niya ulit ito at saka binigyan ng mag-asawang sampal na ikinapilig ng ulo nito.
"You deserve that, jerk. Wala pa iyan sa mga sakit at pagdurusang naranasan ko."
Tumango ulit ito. "I accept that."
"Nasaan ang asawa ko?" Matigas niyang tanong rito. Kita niyang bigla itong naging uneasy. Hindi rin makatingin sa kanya ng deretso.
"I suggest na kausapin mo na lang si Lennon sa bagay na iyan Lennox."
Tumalikod siya't naglakad habang walang imik si Karleex sa kanya. Dumiretso sila sa parking lot at agad sumakay sa kanyang kotse. Ikinabit niya ang seatbelt ni Karleex and she realized na hindi pa pala sila nakakapag-ayos. It doesnt matter. What matters right now is that Keegan's alive.
Halo halo na ngayon ang emosyon niya. Masaya siya dahil sa nalamang buhay pa ang asawa niya. Malungkot at nanghihinayang dahil sa mga taong nasayang sa kanila, mga taong nagdusa siya. Galit para sa kanyang kapatid at ahas na kaibigan nito. Poot para sa mga taong gumawa nito.
She was crying while driving. She couldnt help it.
"Mommy, dont cry. That man said Mommy's still alive."
"And I cant wait to see her Karleex."
"Me too, Mommy."
Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan papunta sa bahay ng Kuya Lennon niya. Alam niyang nasa bahay ito ngayon dahil linggo. She gritted her teeth in anger. How could her brother do this to her? To them? Gusto niyang marinig ang rason nito at kung nasaan ang asawa niya. Kung anong ginawa nito. Bakit binalak nitong ipapatay si Keegan noon? Why?
Hindi niya alam kung matatawa siya sa galit o sa inis. How could she be so blind? Bakit hindi niya nahalatang may nalalaman ang Kuya niya tungkol sa bagay na iyon? Ano ito, nagmana sa Mommy nila? May lahing traidor?
I want you to explain Lennon. One mistake and you'll pay for it.
_____
Wala munang update 😊 ingat !
BINABASA MO ANG
Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)
General FictionWill Lennox forget about Keegan and move on or will she find her missing piece with a new found love?