"Magandang umaga po," binati kami ni Kuya Jojo pagdating namin ni Christian sa port. Ipinakilala niya rin sa amin 'yong dalawa pang makakasama namin, si Kuya Oscar at Kuya Poldo.
My heart skipped a beat when I saw the fishing boat that we are going to use for the tour. I was expecting kasi na medyo malaki-laki, pero hindi pala. Sakto lang kaming lima.
"'Uy, ayos ka lang?" tanong ni Christian sa 'kin.
"H-ha?" I realized na nakatulala na pala ako sa kawalan. "I'm...I'm fine."
Nagsalita siya nang mahina, para 'di siguro marinig nina Kuya Jojo, "Kabado ka ba?"
"Yeah," I admitted.
"Parang ang lakas naman ng loob mo kahapon," sabi niya. "An'yare sa 'yo?"
"I was just thinking if kakayanin nitong boat if they're saying na mas malalaki ang alon papuntang Mavulis," I confessed to him. "Kasi 'yong passenger boat nga na Basco-Itbayat halos itaob ng alon, eh bigger boat na 'yon."
"Kalmahan mo lang kasi. Alam nila 'yong galawan ng dagat." Parang 'di naman siya bothered sa sinabi ko. "'Di nila tayo ibibiyahe kung alanganin ang panahon. Eh, 'di na-disgrasya din sila no'n."
"Okay." I inhaled deeply to calm myself.
"Arat na. Tinatawag na tayo nila kuys." Nauna na siyang maglakad and I followed him.
Sa middle seat nila kami pinaupo ni Christian, Si Kuya Jojo ang pumuwesto sa front at 'yong dalawa pa naming kasama ay sa back. When the boat started to drift away from the port, I said a little prayer in my mind for our safety and protection.
Ganito pala 'yong feeling na makasakay sa ganitong klaseng bangka. This is actually my first time. Mas scary ito compared sa travel ko kahapon kasi within my reach lang 'yong tubig, kaya mas nakikita ko 'yong vastness at depth ng dagat. Kinakabahan tuloy ako kahit kalmado lang naman at 'di maalon.
Naisipan kong kausapin itong katabi ko para ma-divert naman ang attention ko sa ibang bagay. "Christian, ilang days 'yong stay mo dito sa Batanes?"
"Dalawang linggo," sagot niya habang nakatingin sa direksyon kung saan kami papunta.
"Oh, same here," I said. "Pang-ilang day mo na 'to?"
"Pangatlo pa lang." Nag-kuwento siya, "Tanghali na kasi 'ko dumating sa Basco no'ng unang araw ko. Wala naman nang magawa no'n, alanganin na mag-tour, 'yon, tamang ikot lang sa bayan, tambay sa homestay."
"Inuna mo rin pala 'tong Itbayat," sabi ko naman.
"Oo, eh. Inuna ko na 'tong pinakamalayo. Baka kasi ma-stranded, mahirap maiwan ng eroplano," paliwanag niya.
"That's my reason too. Kaya kahapon, straight from the airport, I went to the port area." Nag-share din ako and then I asked him, "Pero itong Mavulis, kasama talaga sa itinerary mo?"
"Hindi. Sa 'yo ko nga lang nalaman kahapon na puwede palang puntahan 'to," sagot niya. "Astig nga, eh."
"Traveller ka talaga?" I asked.
"Hindi, eh. Ngayon lang talaga. Ayoko muna sa bahay. 'Di ba nga kasi, kamamatay lang ni ermats?" He started to open up. "Ang dami ko kasing naaalala do'n lalo do'n sa mga madalas niyang puwestuhan na parte ng bahay. Tapos kabisado ko 'yong oras ng pag-inom niya ng gamot, kabisado ko 'yong araw ng dialysis niya. Ang hirap pala kapag gano'n."
"I understand." I sympathized with him. "That could be lonely and depressing."
Tumango lang siya.
"Lahat ba ng kapatid mo may family na? That's why ikaw talaga ang nag-asikaso sa kanya?" tanong ko base sa kuwento niya.
BINABASA MO ANG
QuaranDestined
Romance"Christian, I'm..." I swallowed. "I'm pregnant." Napatitig siya sa akin. "Seryoso 'yan?" "Of course!" Medyo napataas ang boses ko. "Why would I joke about such a thing?" "Malay ko, baka prank," sabi niya at nagtanong, "Mga dalawang buwan na siguro '...