TEN

2.4K 177 127
                                    

"W-What?!" Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Florence. I removed my arm across her shoulder. "What are you even saying?!"

"T-totoo. Narinig ko sila bes. Mismong araw ng engagement mo. Sa The Bloomery." Florence avoided my stare and she bowed her head. "'Yon 'yong dahilan kaya medyo natutulala ako nu'ng araw na 'yon. Gustung-gusto kong sabihin sa 'yo. Pero 'di ko alam kung paano."

"No, no. That can't be. They're not even close. They don't talk in family gatherings." I shook my head. "Imposible 'yang sinasabi mo, Florence.

"P-pero narinig ko silang nag-uusap. Sa hallway na papuntang CR. 'Di nila alam na nando'n ako. Tinatanong ni Chloe si Jake kung paano na 'yong...'yong sa kanila. 'Yong relationship nila." Mahinahong nagkuwento si Florence na para bang siguradung-sigurado sa narinig niya.

"Ang sabi ni Jake, gagawa'n daw nila ng paraan basta ang importante..." I saw Florence wiped her tears with the back of her hand. "...basta ang importante, hindi mo malaman."

"Wala silang planong tapusin kung anong me'ron sila, bes," sabi pa niya, "at kaya ako naiiyak ng ganito kasi niloloko ka nila."

Itinanggi ko ang mga sinabi niya. "Hindi. Hindi. Baka nagkamali ka lang ng dinig, Florence. Gaano ka ba kalayo sa kanila no'ng narinig mo 'yon? Gaano ka ka-sure? Narinig mo ba 'yong buong pinag-uusapan nila?"

"Inaamin ko na may pinag-uusapan na sila before pa ako dumating," paliwanag niya. "Pero malinaw 'yong narinig ko."

"'Wag kang gumawa ng kuwento, please," paki-usap ko sa kanya, hoping that she'll say this is just a prank or a joke.

Umiling siya. "Nagsasabi ako ng totoo, bes. Narinig ko talaga 'yon. May sinabi pa nga si Chloe, nagtatanong siya kung ano raw ang gagawin dito. 'Di ko lang alam kung anong "dito" 'yong ibig niyang sabihin, pero ang sagot lang sa kanya ni Jake, hintayin 'yong tawag niya."

She sniffed. "B-bakit naman ako gagawa ng kuwento? Anong mapapala ko? Bakit naman ako magsisinungaling ng ganito?"

"I don't know with you," I said in a low voice, trying to debunk in my head everything she said. "I really don't know if I'll believe you, because at one point, you liked Jake too."

"Ano?!" I see the shock in her face. "Ako?"

"Hindi ba? Gusto mo siya kaso ako ang niligawan niya," I said, trying to justify that she's just making up stories.

"Chanel, napaka-tagal na no'n." Medyo tumaas ang boses niya sa pagtatanggol sa kanyang sarili. "At hindi ko siya gusto. It's just a little crush na nakalimutan ko na nga at ni hindi ko maintindihan kung bakit mo bino-brought up ngayon."

Parang gusto kong pagsisihan ang sinabi ko. Sa katatakip ko sa posibilidad na totoo ang sinabi niya, feelings pa tuloy ng kaibigan ko ang nasaktan ko.

"I have to go." Tumayo ako at walang lingon-likod na iniwan si Florence sa coffee shop.

She has a point, if she's just making up stories, what will she get out of it? I actually wanted to believe her, but my heart refuses to. Jake won't do that. If ever he's going to fool around, he might do it with other woman but definitely not with my younger sister. Although they are not close with each other, Jake treats my family like his own.

QuaranDestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon