FORTY (Special Chapter)

4.1K 194 204
                                    

This part of the story is told through Christian's perspective/point of view (POV)

"Ohh..." Napaungol si Chanel at napakagat sa kanyang pang-ibabang labi. "Shit..."

Napa-ngisi naman ako nang makita ang reaksiyon niya. Napapa-pikit pa siya kapag medyo napapa-diin ako.

"Please be gentle with me, honey," malumanay na paki-usap niya sa 'kin.

Huminto ako saglit sa ginagawa ko at tumitig sa kanya. "Anong tawag mo sa 'kin?"

"H-huh?" Parang nagulat pa siya. "Alin?"

"'Yong kasasabi mo lang," sagot ko.

"Honey?" hula niya.

"'Yon nga. Tagal kong hinintay na tawagin mo rin ako ng ganyan." Napangiti ako. "Rapsa sa ears. Kailangan pang saktan kita, eh, 'no?"

Natawa tuloy siya. Nagsimula ulit akong gumalaw at mukhang naramdaman na naman niya 'yong sakit.

Napakapit siya sa balikat ko, halos bumabaon na 'yung kuko niya. "Ugh... uhhhh...dahan-dahan lang naman, Christian."

"Dahan-dahan lang naman 'tong ginagawa ko," mahinahon kong sabi. "Ingat na ingat na nga 'ko."

"Ang sakit kasi," reklamo niya.

"Sa umpisa lang 'yan," tatawa-tawa kong sabi. "Habang tumatagal, sumasarap 'yan. Masakit na masarap."

"Parang 'di na nga 'ko uulit." Tinignan niya kung ano 'yong ginagawa ko.

"Sabi kasi sa 'yo akin na lang 'tong shaded, eh," sabi ko naman sa kanya.

"Masyado kasing plain kapag walang shade," komento niya.

Nag-request kasi siya sa 'kin na magpa-couple tattoo daw kami, kahit maliit lang. Ewan ko ba ano pumasok sa isip nitong asawa ko, siguro dahil nakikita niya lagi 'yong mga tattoo ko sa katawan, baka na-appreciate niya na rin 'yong art. Eh, pinagbigyan ko na rin. Tutal, may gamit naman ako at basic lang naman 'yong design na gusto niya - minimalist na heart tatts, parehas sa kaliwang pulso namin nakalagay.

Inuna ko nang tintahan 'yong sarili ko kasi sa kaliwa naman kaya kinaya ng self-tattooing, saka walang fill 'yong sa 'kin kaya madali lang.

"Sobrang lambot din kasi ng balat mo." 'Yon ang napuna ko habang ginagawa ko 'yong tattoo niya. "Tapos, virgin ka pa sa dutdutan."

"Ano?!" Natawa siya bigla.

"First time ma-tattoo-an, ibig ko sabihin." Natawa din tuloy ako.

Pero walang bola, napaka-lambot nga talaga ng balat niya. Seryoso. 'Yong tipo na mahahalina kang dampian ng halik maya't maya. Minsan nga, kahit nasa pampubliko kaming lugar, nawawala ako sa sarili.

Kahapon nga, nakapila kami sa counter ng isang department store, bumili kasi kami ng konting gamit dito sa bahay. Eh, sa likod niya ako naka-puwesto. Pucha, nag-off-shoulder pa kasi na damit! Naka-ilang beses ko yatang nahalikan 'yong mga balikat niya. Hindi pa talaga 'ko titigil kahit nakatingin na 'yong checker do'n sa counter, kung hindi lang malambing at pabulong na sinita niya 'ko ng, "Ssshhh...Christian."

Minsan kasi nagbababad siya do'n sa bath tub. Iba-iba 'yong hinahalo niya sa tubig, eh. Minsan, gatas. Minsan naman, mga petals ng bulaklak. Nakakalambot yata ng balat 'yon. Eh, hinahayaan ko lang siya sa mga trip niyang gano'n. Okay nga 'yon, maalaga siya sa sarili niya.

"How did you learn this tattoo thingy?" tanong niya sa 'kin maya-maya.

"Kay Gudd lang. Siya tumira nitong sa braso ko, eh," sagot ko. Napatingin siya sa full-sleeve tattoo ko sa kanang braso , "Pero mas halimaw 'yon. 'Di ko pa kaya 'yong malalaki, eh. Sa kanya chill lang 'yon, nagyo-yosi pa nga habang bumabanat, eh."

QuaranDestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon