Jake agreed to not see Cassie personally for the meantime due to quarantine restrictions. Nagkatotoo nga 'yong sinasabi ni Christian that ECQ might be declared due to the rising of cases.
"Ganito pala 'yong feeling ng ECQ sa city," sabi ko kay Christian while were watching TV. "At more than one year na pala since we met way back in Batanes."
"Oo nga, eh." Bumago siya ng posisyon ng pagkakaupo and leaned his head on my shoulder. "Ang bilis. Pero ang dami na ring nangyari mula no'n."
"Yup. And it's been a year mula no'ng sinupladuhan mo 'ko sa Itbayat." I rolled my eyes.
Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat ko at tumingin sa akin. "'Di ka talaga maka-move-on diyan, 'no?"
"Hindi mo man lang kasi ako nginitian no'n," I said and he chuckled. "But we have a lot of significant memories there. Which one do you remember the most?"
He looked at me and his eyes were filled with desire as he slowly curve his lips for a sexy, mischievous smile.
"Ay, naku Christian. Parang alam ko na 'yang sagot mo." I laughed. "Okay na, okay na."
"Curious lang ako, hanggang ngayon ba 'di mo natatandaan 'yon?" tanong niya.
Umiling ako. "May konti lang akong natatandaan. And also, the parts I remember was me doing all the work."
"Lupit mo nga, eh." He bit his lower lip and his eyes narrowed.
Natawa tuloy ako sa description niya sa 'kin.
But our talk was interrupted with a ring from my phone. I checked who's calling via messenger. It's Jake.
Sinagot ko na rin. Video call pala.
"Cassie is asleep," I told him when I saw his face on the screen of my phone.
"Ah, gano'n ba?" he said. "Sige, mamaya na lang."
Tumayo ako at lumapit sa crib ni Cassie para ipakita kay Jake na natutulog talaga siya. Baka isipin niya kasi itinatago ko lang.
"Okay, I'll call later," nagpaalam na siya. "Bye."
"Mag-PM na lang ako sa 'yo kapag gising na siya, " I told him. "Bye."
Pagkatapos ng call ay bumalik ako sa tabi ni Christian.
"Panay tawag no'n, ah," puna niya.
"Siyempre, gustong makita si Cassie. I mean, 'di naman niya kasi nakikita personally," sagot ko naman. "Saka madaldal na, kaya siguro nawiwili siya kahit puro blabber lang naman at repetitive syllables ang sinasabi."
Natawa si Christian. "Pitong buwan na, eh. Sa susunod sobrang likot na niyan. Kailangan mo na ng kasama dito."
"Actually, malikot na nga." I chuckled then asked him, "Ano na ba nangyari do'n sa nire-recommend ni Anne na sabi niyang neighbor niya sa province nila?"
"Ayaw na daw patuluyin no'ng syota." Napa-iling siya. "Naghahanap pa raw siya ulit. Nagtanong-tanong na nga rin ako kina Denver. Maigi kasi sana kung ni-rekomenda ng kakilala, eh."
"True. It's hard to trust nowadays," I told him. "Most especially that there's a baby in the house."
"'Uy, may sasabihin pala 'ko," sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.
"What is it?" I suddenly got curious.
"Mukhang malapit ko na makilala erpats ko, honey." He smiled and raised his eyebrows in excitement. "Parang 'eto na, eh. Dinadaga na dibdib ko."
"Talaga?" I'm genuinely happy for him. "You feel it?"
"Oo, eh. 'Di ba naikuwento ko sa 'yo no'ng nakaraan na may ni-refer na foundation si Kristel sa 'kin, 'yong mga organizer mga Fil-German din," kuwento niya. "Tapos, isa sa mga programa nila eh tulungan 'yong mga katulad ko na naghahanap nga ng mga magulang. Me'ron silang na-locate na posibleng siya 'yong tatay ko. Makaka-video call ko bukas."
BINABASA MO ANG
QuaranDestined
Romance"Christian, I'm..." I swallowed. "I'm pregnant." Napatitig siya sa akin. "Seryoso 'yan?" "Of course!" Medyo napataas ang boses ko. "Why would I joke about such a thing?" "Malay ko, baka prank," sabi niya at nagtanong, "Mga dalawang buwan na siguro '...