"What?!" Napataas ang boses ko sa gulat sa tanong ni Christian sa akin. "What are you even saying?!"
"Kung hindi sa 'yo 'to, kanino?" Hindi niya sinabayan ang bahagyang pagsigaw ko, yet I see anger written all over his face.
Napa-iling ako. "H-hindi ko alam. I don't even know what are those things for."
Parang maiiyak ako. Una, sa takot dahil ngayon ko lang siyang nakitang gano'n. Pangalawa, dahil pinagbibintangan niya ako sa isang bagay na 'di ko naman ginawa.
His facial expression soften a little upon seeing the look on my face, but still, he's mad.
"Eh, sino bang buntis sa bahay na 'to?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Teka nga, Christian. First and foremost, bakit ko gagawin 'yon sa sarili kong anak?" Kahit naiiyak ako ay pinilit kong i-defend ang sarili ko. "You saw how I mourn every single day. And even until now, 'di pa rin ako nakaka-move-on sa pagkawala ni Shanella sa 'tin."
"Ano, nakapasok 'to dito sa bahay nang walang nagdala?" sarcastic na tanong niya.
"Kung me'ron man, it's not me," madiing sabi ko.
"Nandito na po ako..."
Sabay pa kaming napatingin nang magsalita si Anne.
Siya naman, napatigil sa pagsasalita habang nakatitig sa mga bagay na nakapatong sa lamesa.
"P-paano niyo po nakita 'yan?" nag-aalala niyang tanong. Lumapit siya sa table and acted as if she is going to dispose all those things. "Sorry po. Sorry. 'Wag po kayong magalit sa 'kin. 'Di ko naman po 'tinuloy."
"What?!"
"Sa 'yo 'yan?"
Nagkasabay pa kaming magsalita ni Christian.
Tumango si Anne.
Naihilamos ni Christian ang kamay niya across his face. "Anong ginagawa mo?"
Lumipat ako sa tabi ni Anne at hinarap si Christian. "Wait, didn't she say na hindi naman niya tinuloy? Ang hirap sa 'yo, you're so quick to judge."
"Eh, malay ko bang sa kanya pala 'yang mga gamot na 'yan?" Umiwas siya ng tingin sa 'kin.
"'Yon nga, eh. Hindi mo alam kung kanino pero binintang mo agad sa 'kin," sagot ko.
"Teka lang po, nag-aaway po ba kayo?" tanong ni Anne.
"Hindi!" Nagsabay na naman kaming nagsalita ni Christian.
"Hindi po halatang hindi kayo nag-aaway," Anne tried to joke pero badtrip na talaga kami parehas ni Christian.
"Anne, puwede ba, itapon mo na lang muna 'yang mga 'yan," utos ni Christian sa kanya.
"S-sige po." Anne moved to gather all those things on the table.
"Pagbalik mo mag-usap tayo," sabi pa ni Christian.
"Sige po."
***
"Honey." Kinalabit ako ni Christian sa tagiliran. "Sorry na."
Pero 'di ko siya pinansin. Kunwari, busy ako sa pagha-hang ng mga damit ko sa closet.
"Kausapin mo na 'ko, please."
Ayoko sana siyang lingunin kaso 'di ko rin matiis. I turned to him and saw the pleading look in his face.
He held my hands so I couldn't go anywhere. "Sorry talaga."
"Ewan. Naiinis pa rin ako sa 'yo." Nagsalubong ang mga kilay ko. "I can't believe na pinagbintangan mo 'ko ng gano'n. Ang sama mo."
He didn't let go of my hand. "Sorry. Wala naman kasi akong kamalay-malay na buntis pala 'yon si Anne."
BINABASA MO ANG
QuaranDestined
Romance"Christian, I'm..." I swallowed. "I'm pregnant." Napatitig siya sa akin. "Seryoso 'yan?" "Of course!" Medyo napataas ang boses ko. "Why would I joke about such a thing?" "Malay ko, baka prank," sabi niya at nagtanong, "Mga dalawang buwan na siguro '...