Teeeehhh! Kumusta? Lavarn ka pa din ba sa exhibit?
It's a private message from Ellie in Messenger. Oo nga pala, ini-invite niya ako sa isang exhibit na sine-set nilang mag-asawa sa The Bloomery. Sa August pa naman 'yon, pero last month palang sinabihan na nila ako.
They plan to showcase a photography exhibit featuring various amateur photographers, at isa ako sa mga na-invite nila. Kaso sa dami ng nangyari, 'di ko na naasikaso ang tungkol do'n.
Naiwan ko sa bahay ni Christian ang SLR at laptop ko. Nandoon lahat ng files ko ng mga photos. Buti na lang, tinanggap ko 'yong mga susi na ibinigay ni Bok-Bok.
Na kina Jake si Cassie ngayon dahil nasa bahay niya 'yong parents niya, so nag-bonding muna sila doon. Nagpa-drive ako kay Kuya Chico papunta sa bahay para kunin 'yong mga kailangan ko for the exhibit.
"Kuya, balikan mo na lang ako," sabi ko sa kanya when we arrived at the house. "Daanan mo ako dito if susunduin na natin si Cassie."
Tumango siya. "Okies."
Gusto ko kasi munang mag-stay doon, in that way makasama ko man lang si Christian kahit sa isip ko na lang. It's been a week mula nang umalis siya and I haven't receive a single call or message from him.
As I opened the door, memories came rushing in. Parang nakikita ko pa siya in every corner, in every part of the house na madapuan ng tingin ko.
Hindi ko rin alam kung bakit pa niya iniwan 'yong susi ng bahay para sa akin. Siguro para makuha ko pa 'yong mga naiwan kong gamit.
I went to our home office upstairs, nandoon kasi 'yong mga gamit na kukunin ko. It's a room beside the master's bedroom and previously, guest room talaga 'yon, Christian just had it converted mula no'ng nag-full work-from-home ako noon.
It looks exactly the same mula no'ng huling pumasok ako dito. Parang nandito pa rin kami sa bahay. Parang hindi kami umalis.
I sat down the swivel chair in front of the working table. Nag-check muna ako ng Messenger at notifs sa FB. Nagbabaka-sakali na may kahit anong paramdam galing kay Christian, pero wala talaga.
Even the messages that I sent to him these past few days are left unseen. Nag-PM ako sa kanya na nandito ako sa bahay, still hoping to get a reply.
I pulled the first drawer underneath the table to get my laptop. Kinuha ko 'yon and opened it. Nakita ko 'yong file folder ng Batanes pics, including Christian's pics there. Tinitigan ko 'yong stolen shot niya on the screen.
I miss him so much.
I decided right then that I'm going to use the Batanes photos for the exhibit, and I'm gonna name my installation, QuaranDestined.
Namili ako ng twenty photos, 'yon daw kasi 'yong maximum number ng puwedeng i-exhibit ng isang participant according to Ellie.
I was almost done when I heard the notification sound from my phone.
Nag-message si Christian!
My heart went on abnormal beating, and I felt like crying. Pakiramdam ko ang tagal-tagal kong hinintay ng message na 'yon.
Nandiyan ka pala. May pink na paper bag dun sa kuwarto. Kunin mo. Sa yo yun.
Napakunot-noo ako. Wala man lang "hi" o "kumusta" Para lang siyang may inuutos sa 'kin.
But anyway, any form of communication from him is better than nothing at all. It could also mean that he's doing good there since nakakapag-send naman siya ng message sa akin. Nakakapag-alala rin kasi na 'di man lang siya nagpaparamdam.
BINABASA MO ANG
QuaranDestined
Romance"Christian, I'm..." I swallowed. "I'm pregnant." Napatitig siya sa akin. "Seryoso 'yan?" "Of course!" Medyo napataas ang boses ko. "Why would I joke about such a thing?" "Malay ko, baka prank," sabi niya at nagtanong, "Mga dalawang buwan na siguro '...