TWELVE

2.4K 160 143
                                    

Wala pang 5:00 A.M. ay naka-abang na kami ni Christian sa labas ng homestay ni Nanay Rita. Ang sabi niya sa amin, around 5:00 A.M., saktong dumadaan sa tapat ng homestay ang jeep na biyaheng Ivana Port. From the port, were gonna ride a boat going to another island which is Sabtang. Sakop pa rin 'yun ng Batanes province.

"Totoo kaya 'yong sabi ni Nanay Rita? Baka nalagpasan na tayo no'ng jeep," nag-aalalang sabi ko. Ilang minuto na lang kasi ay alas-singko na. "Sana pala tinanong na rin natin siya if where exactly is the terminal para do'n na lang tayo nagpunta."

"Kalma. Marunong ka pa sa tiga-rito." Chill lang si Christian. "Dadaan 'yan. Eh kung hindi eh 'di cancel ang Sabtang. Puntahan na lang natin 'yong mga 'di natin nadaanan kahapon sa South Batan."

Just when I thought na wala nang dadaang jeep, at 5:05 A.M., isang jeepney ang huminto sa tapat namin.

"Ang galing!" nagkasabay pang sabi namin ni Christian. We both laugh habang pasakay ng jeep.

"Magkano kaya hanggang Ivana?" mahinang tanong ni Christian sa akin.

"I don't know. Magbayad ka na lang muna ng buo," sagot ko.

Kinukuha niya na sana 'yong wallet niya from the back pocket of his cargo shorts pero nagsalita 'yong babae na nakaupo sa tapat namin.

"Ang bayad ay iaabot niyo po pagbaba niyo," sabi ni ate girl.

"Ahh," sabay pa naming sabi ni Christian. What the...kanina pa kami nagsasabay na magsalita, ah.

"Malayo po ba 'yong Ivana Port?" tanong ni Christian sa kanya.

"Radiawan Port po. Malayo pa. Sige, sabihin ko po sa inyo saka marami po kayong kasabay na bababa no'n," sabi ni ate.

"Sige ate, ah. Salamat." Christian smiled. Nginitian ko din si ate no'ng nag-turn siya sa direction ko.

"Radiawan pala pangalan." I slowly nodded my head.

"Opo. Pero sakop po ng bayan ng Ivana," paliwanag ni ate.

Since we woke up early, nakatulog na naman ako sa biyahe. As I remember, I placed my backpack in my lap, hugged it, at sumubsob ako doon para matulog.

But no'ng ginising ako ni Christian, I was surprised na naka-lean na ako sa balikat niya.

Napabalikwas ako. "B-bakit?"

"Anong bakit? Baba na tayo. Radiawan na 'to." Nagsalubong ang kilay niya.

"Hindi, bakit naka..." Napa-iling ako. "Nevermind. Tara." Nauna na ako sa pagbaba, kaso dahil sa pagmamadali ko at medyo inaantok pa, nauntog ako sa kisame ng jeep.

"O, ginagawa mo?" Pinigilan niyang matawa, but he slightly pat the top of my head na tumama sa ceiling.

That gesture from him made my heart flutter but I acted like it's nothing to me.

"Gosh, nakakahiya 'yon," sabi ko na lang sa kanya.

"'Yaan mo na, kasama 'yan sa paglaki," biro niya.

"Ano 'ko, bata?" Natawa tuloy ako.

He started walking towards the port and I followed him, while thinking how did I end up laying my head on his shoulder. 'Yon sana 'yong itatanong ko kanina but I would sound stupid, so 'wag na lang.

The sea is calmer here than the Itbayat tour, at mas maigsi ang travel time dahil thirty minutes lang.

When we arrived at Sabtang Island, nag-message ako sa contact person na ni-refer ni Nanay Rita sa amin, si Kuya Dan. Actually, na-text ko na rin siya kagabi and he already knew na ngayon ang dating namin ni Christian. He will tour us around Sabtang Island the whole day today and will refer us to a homestay where we could spend the night.

QuaranDestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon