Sinubukan kong magpaka-casual kay Christian kinabukasan. Wala na 'kong magagawa. Narinig na niya kung paano ko i-bida kay Florence kung gaano siya ka-guwapo. Kung io-open niya sa akin 'yong tungkol du'n, eh 'di go. I don't wanna feel ashamed of it anymore.
Good thing na wala naman na siyang nabanggit about it and just let it pass hanggang sa lumipas na rin ang mga araw.
"The president's gonna deliver a speech later daw. Let's watch," sabi ko kay Christian isang umaga habang naglilinis kami sa sala. Ito na lang ang maiaambag namin sa pagpapatuloy sa amin ni Nanay Rita dito sa homestay ng libre, ang i-make sure na maayos at malinis lagi itong homestay.
"Anong oras na naman kaya 'yan?" tanong ni Christian. "Pang-call center 'yong oras ni Tatay Digs, eh."
I chuckled. "Let's wait na rin. It's about their declaration whether to extend ECQ or not anymore."
"Isang buwan na rin pala tayong nandito." Tinulungan ako ni Christian i-move 'yong sofa so I could sweep the area.
"Sawa ka na sa pagmumukha ko?" biro ko.
"Medyo," sagot niya.
"Grabe ka sa 'kin!" I aimed him the handle of the broom I am holding.
"Wala na 'kong nakikita kundi ikaw, eh." Natatawang umilag siya.
"Ayaw mo 'yon, maganda 'yong view mo everyday?" I smiled and winked.
"Dami mong alam," naiiling na sagot niya.
"Sungit naman nito." I pouted and changed the topic, "Alam mo, konting lakad na lang pala, there's the sea at the back of this homestay."
"At?" tanong niyang salubong ang kilay, pero alam ko, he knows what I am going to say next.
"Punta naman tayo, stroll lang," sabi ko. "Sige na. Wala naman na sigurong pulis na huhuli sa atin do'n."
"Sabi na nga ba, eh." He smirked.
"Sige na, for a change of surrounding lang naman. If were gonna get caught, siguro naman, 'di tayo ije-jail agad. Feeling ko naman kind ang mga police officers dito." Sinamahan ko pa ng pleading look para lalo ko siyang makumbinsi.
"Oo na," sabi niya.
"Payag ka na?" I felt my face lit up.
"Oo nga. Kulit nito." Inayos niya 'yong ponytail niya.
"Yesss!" I happily said. "Ang lakas ko talaga sa 'yo."
He just smirked at me.
***
Mga 8:00 P.M. na rin nang makabalik kami ni Christian sa homestay. Sa labas na rin kami nag-dinner after naming mag-lakad-lakad sa seashore starting 5:00 P.M. Fortunately, wala namang dumating na pulis especially no'ng nakaupo lang kami sa shore at nagku-kuwentuhan.
Binuksan ko 'yong TV sa sala to wait for the announcement of the President. Habang naghihintay, kanya-kanya muna kami ni Christian. I'm doing vector art while he's playing a game on his phone, kahit panay ang reklamo niya na mahina ang signal.
"A'yan na, sasabihin na!" Tumigil ako sa ginagawa ko.
"Palagay ko extended pa 'yan." Humikab siya.
"Grabe naman, ayaw mo bang umuwi?" tanong ko.
"'Di naman, real talk lang. 'Di naman bumababa mga kaso, eh," sagot niya.
Sabay kaming tumutok sa TV.
"Luzon will still be on Enhanced Community Quarantine until April 30, 2020..."
Nagkatinginan kami ni Christian.
BINABASA MO ANG
QuaranDestined
Romance"Christian, I'm..." I swallowed. "I'm pregnant." Napatitig siya sa akin. "Seryoso 'yan?" "Of course!" Medyo napataas ang boses ko. "Why would I joke about such a thing?" "Malay ko, baka prank," sabi niya at nagtanong, "Mga dalawang buwan na siguro '...