"Honey, sunog na 'yan."
Sinilip ni Christian 'yung tocino na niluluto ko. Frustrated na pinatay ko 'yong apoy ng stove. "Oo nga, eh. Wala na, 'di na edible 'to."
"Ang lakas yata kasi ng apoy mo." He doesn't seem annoyed, in fact, I think he's trying to suppress his laughter.
"Sorry, nag-prisinta pa kasi akong mag-prepare ng breakfast natin." I let out a sigh. "I should have just let you. Ito na nga lang, nasunog ko pa."
"Ayos lang 'yan. Turo ko sa 'yo. Mag-salang ka ng bago." He smiled and pat my head.
Kinuha niya 'yong kawali na may lamang sunog na tocino. Hindi ko na alam kung anong ginawa niya du'n kasi nag-focus na ako dito sa bago kong niluluto - na tocino pa rin.
No'ng tignan niya ulit 'yong ginagawa ko ay may napansin siya. "Lagyan mo ng konting tubig. Kailangan kasi pakuluan mo muna siya para lumambot."
"Ah, okay," I said. "Maybe that's why I burnt it. 'Di ako naglagay ng water. I just kinda' fried it."
"Ang cute mo, eh," sabi niya lang.
Kung hindi dahil kay Christian baka nasayang lahat ng pagkain. 'Yong garlic sa fried rice, malamang, nasunog ko rin. Scrambled egg lang yata 'yong naluto ko ng tama nang walang instruction niya.
"Sorry, sobrang disaster ko sa kusina," sabi ko sa kanya nu'ng kumakain na kami.
"Ayos lang 'yan. Tanggap ko nang prinsesa ang naging asawa ko." He looked at me and smirked.
"Crazy. Next time, perfect na 'to!" I promised him.
"Halos puro prito lang 'to, madali mo lang 'tong ma-perfect," confident na sabi niya.
"Turuan mo naman kasi ako ng iba pa," I requested.
"Eh, mamaya, 'yong sa pananghalian naman." There is this amused look on his face. "Pero kailangan ding mag-grocery. Paubos na 'yong mga stock natin, eh. 'Di na nakapamili si Anne bago siya umuwi ng probinsya."
"Sama 'ko," sabi ko agad. "May bibilhin akong toner saka ubos na rin 'yong mud pack ko."
"Sige. Sasabay daw si Bok. Ewan ano naman bibilhin no'n," sabi naman niya.
Kasasabi lang niya no'n nang may mag-doorbell sa gate.
"Tignan mo, makiki-kain pa 'to si loko. Napaka-agang nagpunta." Alam na agad ni Christian na si Bok-Bok 'yon. "Teka, ha. Ako na magbubukas."
He stood up to open the gate but I was surprised when he called me out after a few moments, "Honey, nandito si Chloe."
"Huh?" I looked at the wall clock, it's just 7:30 A.M. I wonder why she came this early.
Tumayo na rin ako to check on her. Kasama pa pala niya si baby Cassie who is currently sleeping in her arms.
"Sorry sa istorbo," sabi ni Chloe sa amin.
"No problem," I told her. "Nagbe-breakfast kami. Sabay ka na."
She nodded.
Kinuha ni Christian sa storage room namin 'yong crib na para sana kay Shanella. As early as her 4th month in my tummy ay nabili na namin 'yon including other baby stuff dahil nga excited kami. Unfortunately, 'di niya na nagamit.
Doon muna namin inihiga si Cassie para makakain din muna si Chloe.
No'ng magkakaharap na kami sa dining table at naitanong ko kung bakit siya bumisita ay nag-kuwento na si Chloe, "Gusto ko lang talagang huminga, ate. Lagi na kasi kaming nag-aaway ni Jake. Medyo sanay naman na 'ko na lagi kaming nagsasagutan over petty things pero ang lala ng away namin kagabi."
BINABASA MO ANG
QuaranDestined
Romance"Christian, I'm..." I swallowed. "I'm pregnant." Napatitig siya sa akin. "Seryoso 'yan?" "Of course!" Medyo napataas ang boses ko. "Why would I joke about such a thing?" "Malay ko, baka prank," sabi niya at nagtanong, "Mga dalawang buwan na siguro '...