THIRTY-SEVEN

1.9K 124 98
                                    

"Alam mo, kapatid, 'di kaya masyado ka nang na-obsess sa bilin sa 'yo ni Chloe?" tanong sa 'kin ni Kuya Chico. "Masisira na 'yong pagsasama niyong mag-asawa dahil diyan."

Napalingon ako sa kanya.

"Akala ko kasi, Christian would be the first one who would understand me," sagot ko. "Hindi pala."

"'Eto ah, real talk lang," sabi niya. "Kahit ako nahihirapang intindihin ka, eh."

"Ano bang mali sa ginagawa ko?" I made a deep sigh. "Ang gusto ko lang naman, iayos ang lahat. Na kapag ibinalik ko si Cassie kay Jake ay stable at okay na siya. Or at least may improvement na mula sa condition niya ngayon."

"Walang mali do'n, okay." He patted my shoulder. "Ang mali kasi, napang-hihimasukan na ni Jake 'yong buhay niyo."

"Wala namang ginagawang gano'n si Jake," I defended him. "He's communicating with me only for Cassie at wala nang iba pang dahilan."

"Eh, oo nga. Pero 'di ba sa kasunduan niyo nga, once a week lang dapat silang magkikitang mag-ama?" he reminded me. "Dapat no'ng nag-shift kayo sa video calling, in-establish mo na gano'n pa rin."

"Iniisip ko kasi kuya na kung palagi niyang nakikita si Cassie eh maging mas madali 'yong pag-recover niya," paliwanag ko.

"Iniisip mo. Ang tanong may clinical basis ba 'yan?" he countered.

"Well, it's just my assumption." I shrugged my shoulders. "Saka paano ko sasabihin kay Jake 'yon na i-limit ang pag-video chat para makita ang anak niya? It might trigger his condition kapag naisip niyang baka itinatago ko si Cassie sa kanya."

"Again, may clinical basis ba 'yan, kapatid?" tanong niya ulit sa akin. "Puro assumptions mo lang 'yan, eh. Saka 'di naman ipinagbabawal na makita niya, limitahan niya lang. Sigurado, 'yon din ang gustong mangyari ng asawa mo."

"No'ng una. But now, gusto niya totally no communication," I said. "Puwede ba naman 'yon?"

"Palagay ko 'di lang kayo nagkaintindihan sa parteng 'yan. Pag-usapan niyo." Tinapik niya ang balikat ko.

"Bahala siya. 'Di siya maka-intindi." I pouted.

"Ano ba, gusto mo bang magkaayos kayo o ano?" tanong niya.

"Siyempre, oo," I answered. "But he should approach me first. He's the one at fault. He even accused me of cheating which is not even true."

"Punyawa. Pride na lang 'yan, eh." Napa-iling si Kuya Chico.

"Pero gusto ko talagang magka-ayos kami bago man lang siya umalis," seryosong sabi ko.

"Saan punta niya?"

"Germany."

Nagulat siya. "Huh? Anong gagawin niya do'n?"

"To reunite with his dad," I answered.

"Nahanap niya na?" gulat na sabi ni kuya. "Pa'no?"

"Kristel, his sister, referred him to this Fil-German something foundation no'ng January pa. So they kinda' helped Christian locate his biological dad, and no'ng March, nahanap na nga nila," kuwento ko. "So he was busy last month and up to this month working on the papers to be able to fly there."

"Wow." Kuya's face lit up. "Ang galing naman. Congrats kamo sa kanya."

"How could I tell him, 'di nga kami nag-uusap." Sinamaan ko siya ng tingin.

He chuckled. "Kasama ka ba?"

"Sa Germany? Hindi." Umiling ako. "May Schengen visa na kasi si Christian noon pa. Ni-renew na lang. Kung sasama pa ako, it might lengthen the process."

QuaranDestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon