CHAPTER 32

39 0 0
                                    

CHAPTER 32





Nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin. Suot ko ang dress na binigay nya sa akin na dala nang kanyang body guard kaninang umaga, simple pero elegante. Isa itong pulang dress na puff sleeve at square neck. Sinundan nya ang hubog ng aking katawan dahil hapit na hapit ito sa akin. Nilugay ko lang aking mahabang buhok at naglagay ng kaunting make up. Sabi nya magiging masaya daw ito para sa aming dalawa, mapait akong ngumuti.

Naagaw ang atensyon ko sa kwintas na nakasuot sa aking leeg. Pasensya ka na kung ibabalik na naman kita ulit sa kanya, hindi lang siguro talaga ako nararapat na suotin ka.

Hinawakan ko ang kwintas at napahikbi sa sakit na nararamdaman. Ang hirap dayain ang puso, gusto ko syang sumbatan pero hindi ko magawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

Maya maya lang ay may natanggap akong tawag mula sa kanya, agad ko naman iyong sinagot.

Are you ready sweetheart? "malambing nyang saad sa kabilang linya".

Oo. "matamlay kong sagot".

Wait for lance to pick you up. See you sweetheart and I love you! "masayang saad nya".

Habang nakasakay ako sa kotse, nagtataka ako kung bakit ang isa sa body guard pa nya ang sumundo sa akin. Nahihiya kasi ako at alam kong may nasasabi na sila sa akin dahil kilala nila si Agatha at malamang alam rin nila na magiging ama na sya sa dinadala nya. Napangiwi ako sa mga iniisip.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagpatianod na lang ako dahil gusto kong sulitin ang huling gabi na makakasama ko sya.

Nagulat ako nang marating namin ang pakay. Akala ko may pupuntahan kami pero bakit kami nandito sa kanyang condo. Alam ko namang high end ang condo na inuokopa nya pero akala ko kasi isasakay na naman nya ako sa helikopter at dalhin sa kung saan.

Masayang nagpaalam ang body guard ni sir Adrian sa akin. Ako naman parang normal lang na naglakad papunta sa kanyang unit dahil nakasanayan ko na dati ang umakyat at baba sa kanyang unit dahil sa dami ng ipinag uutos nya dati. Pero hindi ko pa rin matanggal ang kaba sa dibdib dahil kakaiba na ang sitwasyon ngayon.

Muntik na akong matisod nang makapasok ako sa kanyang condo, nagulat ako kasi nakapatay lahat ng ilaw.  Walang switches dito sa kanyang condo dahil automatic itong magbubukas pag sinabi nya, kasi naka voice command control ito. Ano ba ang trip nya, naka suot pa naman ako ng high heels baka madapa pa ako.

Adrian? "saad ko".

Lights on. "saad nya at sunod sunod ng bumukas ang lahat ng ilaw sa loob at sa labas pati na sa pool area".

Nagulat ako sa mga nakikita. Ang daming rose petals na nagkalat sa sahig patungo sa lamesa sa may pool area at napapalibutan ng maraming kandila. Nakalimutan ko ang bumabagabag sa aking isipan at napalitan ng saya kahit na alam kong isa lang itong palabas at hindi makatotohanan.

Did you like it? "nakangiti nyang tanong".

Tumango ako bilang tugon at matamis na ngumuti sa kanya. Lumapit naman sya sa akin at hinawakan ang aking kamay at hinila patungo sa lamesa na nasa pool area. Iginaya nya akong umupo, maraming nakahandang mamahaling pagkain at may wine pa sa tabi.

Lights off. "saad nya ng makaupo kaming dalawa".

Sunod sunod na namatay ang mga ilaw at tanging kandila lang ang nagsisilbing liwanag. Sobrang romantic, dati pinapangarap ko lang ito na mangyari sa akin ngayon nagkatotoo na. Dahil sa sobrang tuwa ko nakalimutan ko tuloy ang problema ko sa kanya.

I'm very lucky because I have a beautiful woman with me. "nakangiting saad nya".

Pinamulahan naman ako sa kanyang sinabi at lihim na napangiti.

THE HEARTLESS BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon