CHAPTER 3
Masakit ang loob kong nakauwi sa apartment. Galit na galit ako sa lahat, naalala ko sila nanay.
Kinuha ko ang cellphone ko na chinarge ko kanina bago umalis at dinial ang numero nila nanay. Nakadalawang ring iyon bago sinagot ni nanay.
Hello anak, buti napatawag ka. Kamusta ka dyan? "natutuwang saad ni nanay sa kabilang linya".
Bigla akong napaluha ng marinig ko ang boses ni nanay pero hindi ko iyon pinahalata.
Okay lang ako nay, kamusta kayo dyan? "tanong ko".
Maayos lang naman anak, nasa bukid ang tatay mo ngayon, si Raul at Angelo nasa trabaho at si Jessa naman nasa eskwelahan, nextweek na ang graduation nya anak "masayang saad ni nanay".
Finally!
Mabuti naman kung ganon nay, pwede na akong mag asawa kung ganon? "biro ko".
Oo naman anak! Kailan nyo ba balak magpakasal ni Justin? "excited na sabi ni nanay".
Mapait akong ngumiti. Hindi ko pa napag iisipan yan nay "matamlay kong sagot".
Sa totoosin gusto gusto ko ng mangyari yan, pero hindi si Justin ang nararapat para dyan manloloko ang taong yun. "saad ko sa aking isip".
Nay tawag na lang po ako nextime pag nadyan na si tatay at ang mga kapatid ko. Mag iingat po kayong lahat dyan. Miss na miss ko na kayong lahat.
Sige anak' ikaw din ha. Alagaan mo ang sarili mo. Miss na miss ka na rin namin anak. "masayang saad ni nanay".
Maluha luha ako nang ibinaba na ni nanay ang tawag.
Gusto ko ng umuwi "bulong ko".
Bigla akong nakaramdam ng gutom, tinatamad akong nagluto. Wala akong ganang kumain, para kasing kumikirot ang dibdib ko. Hindi ako makalunok ng maayos.
Mayamaya ay biglang tumunog ang cellphone ko, nang makita ko kung sino ang tumatawag , lalo lang akong nawalan ng gana.
Justin calling...
Ang kapal din naman ng loob mong tumawag pa sakin! Manloloko! "kinuha ko ang cellphone ko at in-off iyon.
Ang ending hindi na ako kumain.
Kinagabihan pinipilit kong makatulog, ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Bumangon ako para mag banyo ng biglang may kumatok sa pinto.Tumingin ako sa orasan, pasado alas dyes na.
Si Justin ang unang pumasok sa isip ko, baka nangungulit na naman.Kinuha ko ang walis sa gilid at unti unting lumapit sa pintuan, binuksan ko ang pinto at aamba na sanang hampasin ang nasa labas ng matigilan ako.
Fuck Sophia!
Sir Adrian?
Itinaas pa ni sir Adrian ang dalawang kamay para panangga sana sa gagawin kong paghampas sakanya.
Wat are you doing!? "galit na sabi nya habang inaayos ang damit nyang nagulo".
Nagulat ako, anong ginagawa nya dito? Hindi man lang nya ipinagpabukas? Hindi na ako magtataka kung bakit alam nya ang daan dito, minsan kasi nagpapahatid ako sakanya pag walang taxi. "saad ko sa aking isip".
Ano pong ginagawa nyo dito? "tanong ko".
Matagal bago sya nakasagot.
You resigned without even telling me what the reason was! "kunot noo nyang saad".
Ayaw ko na pong magtrabaho, hindi na kita boss ngayon at hindi mo na ako empleyado kaya hindi ko na kailangang sagotin ang tanong nyo. "matapang kong saad sa kanya".
Whaaaaat?
Isinara ko ng malakas ang pinto ng bigla syang mamilipit sa sakit, agad kong binuksan ulit ang pintuan, ipinasok nya pala ang kamay nya para sana pigilan ako kaso naisara ko agad ang pinto kaya sya naipit.
Sorry. "saad ko".
Hinawakan ko ang kamay nya, dumudugo ito. Kinabahan ako, kapag ganitong may sugat sya nagmumura sya ng malutong.
Shit! "bulong nya".
Wala na akong choice kundi papasukin na lang sya loob ng aking apartment.
Pagpasok nya sa loob, panay ang lingon nya sa loob ng bahay na parang ene-eksamin ang bawat sulok nito. Sigurado akong napipilitan syang pumasok sa lugar na to, ano ba naman ito kumpara sa condo at mansyon nila.
Kinuha ko ang 'first aid kit' ko at sinumulan ko ng gamotin ang sugat nya.
Sino ba naman kasing tangang ipasok ang daliri sa pintuan. 'saad ko sa isip'.
Ewan ko ba feeling ko nawala yung pagka dragon nya ngayon? Oh baka ganyan lang yan ngayon kasi may kailangan.
Bakit po ba kayo nagpunta dito? Hindi ko na po mababago ang desisyon ko. "saad ko".
Hindi ako nakatingin sa mukha nya, nakatingin ako sa sugat nya na ginagamot ko.
Look Sophia. I have no plans to hire another secretary, ayoko ng maghanap ng iba. "seryosong saad nya".
Hindi naman po pwedeng habang buhay na lang akong maging sekretarya nyo, marami pa akong gustong gawin sa buhay. "sagot ko, sa ngayon nakatingin na ako sa mukha nya".
I will increase your salary if you want! Please don't do this Sophia. I need you in the company. "seryoso nyang saad habang nakatingin sa mga mata ko".
Hindi sa lahat ng pagkakataon pera ang solusyon, makakaalis na po kayo. "Tumayo ako at minwestra na ang pintuan".
Then whaaaaat?? "sigaw nya".
Anong karapatan nyang sigawan ako sa sarili kong pamamahay? Hindi mo na hawak ang buhay ko Mr. Zabala! "saad ko sa aking isip".
'Gusto ko ng magkaroon ng sariling pamilya'.
Sigaw ko sakanya, halatang nagulat sya, hindi nya inasahan ang sinabi ko.
Matagal bago sya nakasagot, lumapit sya sakin as in sobrang lapit naaamoy ko na nga ang hininga nya na sobrang bango. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at itinulak nya ako hanggang sa pader na lamang ang nasa likod ko.
Ano bang ginagawa nya?
Then, marry me! "sigaw nya".
Ano?!
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko yung mata ko diretsyo lang na nakatingin sa mga mata nya, pati paghinga ko hindi ko na maramdaman, hindi ako makahinga sa sobrang kaba.
Tama ba ang narinig ko?
Answer me! damn it! "saad nya".
Niyugyog nya ako dahilan para bumalik ako sa tamang huwisyo. Itinulak ko sya ng malakas, nanginginig akong umupo sa sofa.
Ano bang pinagsasabi nya, nababaliw na ata sya? Isang sikat na business tycoon, pantasya ng lahat tapos nandito ngayon sa harap ko at sasabihing papakasalan ko sya? Ako ba pinagtitripan nya?
I'm serious. "saad nya nakapamaywang pa sa harapan ko".
Ipapaalala ko lang sayo Mr. Zabala, hindi biro ang pagpapakasal. Kung sinasabi nyo lang ito para lang bumalik ako sa trabaho, hindi po magandang biro yan. Ang kasal ay para lang sa dalawang taong nagmamahalan, Hindi para trip nyo lang. "seryoso kong sagot sa kanya".
Mr. Adrian Sage Zabala hwag kang magbiro sa harap ng babaeng gustong magkaroon ng sariling pamilya 'saad ko bago ko sya hinila palabas at sinaraduhan ng pintuan.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
THE HEARTLESS BILLIONAIRE
RomanceIlang taon naging sekretarya si Sophia sa isang malaking kompanya. Pero higit pa sa sekretarya ang ginagampanan nya. Sa loob man o sa labas ng kompanya hindi sya nawawalan ng trabaho,tinitiis nya lahat ng hirap at pagod para sakanyang pamilya. Nguni...