CHAPTER 5
Sophia..
May gana pa talaga syang banggitin ang pangalan ko matapos nya akong lokohin? Kunot noo akong naglakad palapit sa pinto.
Mag usap tayo please.. "saad nya".
Hindi ko sya pinansin, nilabas ko ang susi mula sa bag ko at binuksan ang pintuan. Papasok na sana ako ng hilahin nya ang braso ko.
Sophia! "sigaw nya".
May gana pa talaga syang sigawan ako? Matamlay akong humarap sakanya.
Wala na tayong dapat pag usapan Justin.
"matapang kong sagot".Sophia hindi ko yun sinasadya,please pakinggan mo naman ako. Nadala lang ako sa galit ko sayo, ikaw ang iniisip ko nung panahong yun. Lasing ako hindi ko alam ang ginagawa ko. "hinawakan nya ang kamay ko at agad ko naman iyong binawi".
Ikaw ang mahal ko Sophia, lagi kang walang time sakin kaya nabaling ang atensyon ko sa iba. Hindi ko naman magagawa to kung pinuno mo ang pangagailangan ko. "sigaw nya".
sinampal ko sya ng malakas.
So ako pa ngayon ang may kasalanan? Tantanan mo na ako dahil hinding hindi na ako babalik sayo! Mas masahol ka pa sa hayop! Magpakasaya kayo ng babae mo! "tinulak ko sya ng malakas'.
Nanginginig ang buong katawan ko.
Alam kong may pagkukulang ako sa kanya lalong lalo na bilang isang babae dahil hindi ko maibigay sa kanya ang ninanais nya dahil hindi pa ako handa. Gusto ko munang maikasal bago ko ibigay ang lahat sa kanya pero hindi pala nya iyon naiintindihan.
Ganon na lang ba yun Sophia? sa isang pagkakamali lang, itatapon mo na ang pinagsamahan nating dalawa?"sigaw nya".
Wow.
Naririnig mo ba ang sarili mo? Nung nakipagtalik ka sa babaeng iyon naisip mo ba yan huh? "saad ko".
Hindi lang simpleng pagkamamali yun Justin kundi malaking pagkakamali. Walang kapatawaran ang ginawa mo. Wag ka ng magpapakita sakin please.
Wag mo ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon nagmamakaawa ako sayo. Umalis ka na bago pa ako magtawag ng police! "nanginginig kong saad sa kanya".Dali dali akong pumasok sa loob at nilock ang pinto. Napaupo ako sa sahig at dun ko na nilabas ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ako makatulog kinagabihan, inaalala ko pa rin ang sagotan namin kanina ang lakas ng loob nyang sisihin ako sa kasalanang ginawa nya.
Mabubuhay ako ng wala sya. Hindi ko hahayaang maging disaster ang buhay ko dahil lang sa kanya.
Naalala ko ang alok ni Janice sa akin kanina. Kinuha ko ang phone ko mula sa bedside table at dinial ang numero nya.
Hello Janice? Saan gaganapin ang party nyo? Pupunta ako. 'tanong ko'.
Hindi kami natuloy eh, next week na daw gaganapin ang party. 'malungkot na saad ni Janice'.
Ganon ba, balak ko pa naman sanang sumama. Di bale na lang Janice, goodnight. "papatayin ko na sana ang tawag ng biglang magsalita si Janice'.
Edi magparty tayong dalawa? Ano tara? sa Lyrica tayo gusto mo? "excited na sagot nya".
Lyrica?
Sa dina dami ng bar na pwedeng puntahan sa pagmamay ari pa ni sir Adrian, baka makita pa nya ako dun at pagisipan nya ako ng masama.
Sige magbibihis lang ako Janice. "saad ko at pinatay na ang tawag".
BINABASA MO ANG
THE HEARTLESS BILLIONAIRE
RomanceIlang taon naging sekretarya si Sophia sa isang malaking kompanya. Pero higit pa sa sekretarya ang ginagampanan nya. Sa loob man o sa labas ng kompanya hindi sya nawawalan ng trabaho,tinitiis nya lahat ng hirap at pagod para sakanyang pamilya. Nguni...