CHAPTER 17
Inaantok akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil sa sunod sunod na katok sa pinto.
Nang mabuksan ko ang pinto bumungad sakin si Alena. Nahiya pa ako dahil ganito ang itsura ko wala pa akong ligo.
Goodmorning Miss, kailangan nyo pong pumunta sa study room dahil may iniwan pong trabaho si sir Adrian sainyo. Dadalhin ko na lang po ang breakfast nyo doon. ''masayang saad ni Alena".
Sige Alena salamat. "saad ko at dali dali ng pumasok sa banyo para maligo".
Pagpasok ko sa sinasabi ni Alena na study room, namangha ako sa itsura nito. Napakaganda, napaka aliwalas at napakalinis tignan sa disenyo nitong kulay puti at itim.
May desk, chair ,computer, desk lamps, bookshelves, books at mga file cabinet, may malaki at magandang sofa rin sa gilid.
Kung may naiwan syang trabaho sakin, saan naman sya nagpunta kung ganon? Nagrereklamo pa naman ako kagabi na wala akong ginagawa dito. Nababasa nya ata ang nasa isip ko eh. Hindi lang pala sya bipolar, maghuhula din ata ang isang yun eh. "natatawang saad ko sa aking sarili".
Inaantok akong nagtitipa sa harap ng computer, kailangan kong gamitin ang flexibility at attention ko dito dahil ito naman ang dahilan kaya ako nandito.
Dumating ang lunch hindi pa rin ako natatapos sa ginagawa ko, sinulit ata nya ang pagbibigay ng gawain dahil sa ilang araw na wala akong ginagawa dito. Wala pa naman akong tulog kagabi, inaantok pa ako.
Miss kumain na muna kayo bago nyo ituloy ang ginagawa nyo, wag po kayong magpapalipas ng gutom. "ani Alena at nilapag ang tray ng pagkain sa tabi ko".
Oo Alena maraming salamat sayo ha? Pwede naman akong bumaba para kumain, wag mo na akong dalhan dito. ''saad ko".
Naku wag na miss maiistorbo pa kayo sa ginagawa nyo, ayos lang naman po ito sakin dahil trabaho ko po ito. "masayang saad ni Alena bago umalis".
Nakalimutan kong tanongin si Alena kung saan nagpunta si sir Adrian. Bakit ko ba kasi sya iniisip?Hays.
'Focus ka na lang sa ginagawa mo Sophia'.
Sa sobrang hapdi na ng mata ko at sakit ng ulo ko unti unti na akong hinihila ng antok.
I love you Sophia. Hinala nya ako palapit sa kanya at ikinulong sa kanyang mga bisig. Siniil nya ako ng halik, mainit at marahas na halik.
I love you Sophia..
Para akong nahulog mula sa mataas na puno sa biglaan kong pag gising. Pinagpawisan ako ng marami, anong klaseng panginip iyon?
Ang dami kong pwedeng mapanaginipan bakit iyon pa?
Feeling ko tuloy pulang pula na ang mukha ko ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko, ang halik at yakap ni sir Adrian parang nararamdaman ko pa hanggang ngayon.
Ang halik at ang.....
Naputol ang aking pag iisip ng biglang bumukas ang pinto ng study room at iniluwa iyon si sir Adrian, nagtama ang mata naming dalawa, lalo akong kinabahan. Bumagsak ang mata ko sa labi nya at sa matitipuno nyang braso.
Oh god!
Ano ba itong nangyayari sakin. Napamulagat ako ng maglakad sya palapit sa akin. Kinabahan ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Bigla akong tumayo at niyakap ang sarili, pumikit ako.
What's happening to you? "ani sir Adrian".
Unti unti kong minulat ang mata ko, akala ko nasa harapan ko sya, nilagpasan lang pala nya ako at dumiretsyo sa mga bookshelves, may hawak na syang libro.
BINABASA MO ANG
THE HEARTLESS BILLIONAIRE
Roman d'amourIlang taon naging sekretarya si Sophia sa isang malaking kompanya. Pero higit pa sa sekretarya ang ginagampanan nya. Sa loob man o sa labas ng kompanya hindi sya nawawalan ng trabaho,tinitiis nya lahat ng hirap at pagod para sakanyang pamilya. Nguni...