CHAPTER 25
Nasa malalim akong pag iisip ng magising ako kinabukasan, ito ang unang araw na kakalimutan ko na sya.
Wala akong karapatang masaktan at magmukmok dahil ako ang tumulak sakanya kay Agatha. Hindi ko sya binigyan ng pagkakataon na iparamdam sakanya kung gaano ko sya kamahal, kaya wala akong karapatang masaktan.
Agad akong bumangon sa kama, dali dali akong pumasok sa banyo para maligo.
Ang hirap kalimutan ang isang taong hindi naman naging kayo pero sobrang minahal mo ng husto.
Ibinuhos ko ang atensyon ko sa trabaho. Hindi na rin ako humihindi kapag nag aaya si Justin lumabas, yun lang kasi ang tanging paraan para hindi makalimutan sya.
Nandito kami ngayon ni Justin sa coffee shop na lagi naming pinupuntahan ni Amy.
Nagkukwentuhan kami ni Justin ng maramdaman kong may nagmamasid na naman sa paligid. Kinalat ko ang mga mata ko sa labas at sa loob ng Shop.
Sophia are you okay? "ani Justin".
Ah, oo naman. After this papasok na ulit ako sa work thankyou sa coffee. "saad ko".
Yeah sure! "ani Justin".
Pagbalik ko sa opisina, hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko. Ganitong ganito ang kaba ko nung magtitigan kami ng lalaking nakita ko sa grocery store.
Sophia, okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo? "ani Amy at lumapit sa desk ko".
Okay lang ako Amy. "saad ko".
Napapansin ko kasi nitong nakaraang bwan napaka tamlay mo, ang laki ng ipinayat mo! Ah oo nga pala pinapatawag ka ni maam ana sa office nya. "ani Amy"
Dali dali naman akong tumayo at pumasok sa office ni señorita Anastacia.
Sophia, pakisabi kay Mr. Arturo na icacancel ko ang meeting today. May importante akong gagawin, it's urgent so give him a call. "nagmamadaling saad ni señora".
Sige po maam. "ngiti kong saad".
Marami pang inutos si señora sakin at ipinapatapos na gawain sa araw na ito. Kung ganitong busy ako sa trabaho hindi ko na sya masyadong iniisip.
Pagkatapos kong makausap si Mr. Arturo sa kabilang linya, nagpasya akong simulan na ang mga pinapagawa ni señora dahil tatapusin ko ito sa araw na ito.
Sophia, hindi ka pa ba uuwi? "ani Amy".
Hindi pa, may tatapusin pa ako Amy, mauna kana. "saad ko habang nakatutok sa harap ng computer".
Mag aalas otso na ng gabi ng matapos ko ang ginagawa, nasabi ko pa naman kay Justin na magtataxi na lang ako ngayon.
Pag uwi ko, pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. Dahil sa sobrang pagod unti unti na akong hinila ng antok.
Adrian!
Nagising ako dahil sa masamang panaginip. Nagpakita sya sakin pero agad din syang naglaho na parang bula.
Tinignan ko ang oras sa bedside table alas sais na, bumangon ako at tinungo ang banyo para maligo.
Nagtimpla ako ng kape at binuksan ang TV. Nagulat ako sa balita dahilan para mabitawan ko ang hawak hawak kong baso.
"Adrian Sage Zabala, sikat na businessman ,nakauwi na galing ibang bansa. Mga netizen nagtataka kung bakit hindi nya kasama ang tagapag mana ng mga Dela Merced".
Nag uunahang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko sya sa TV, nasa airport sya habang kinakausap ng mga reporter.
Maaga akong pumasok sa trabaho para makita sya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman, matagal ko ng pinaghahandaan ang araw na ito.
BINABASA MO ANG
THE HEARTLESS BILLIONAIRE
RomanceIlang taon naging sekretarya si Sophia sa isang malaking kompanya. Pero higit pa sa sekretarya ang ginagampanan nya. Sa loob man o sa labas ng kompanya hindi sya nawawalan ng trabaho,tinitiis nya lahat ng hirap at pagod para sakanyang pamilya. Nguni...